"Nilalagnat si Dos? Pero nakapagsalin na ito ng dugo ah?" sa isip isip ni Tyler.
Pero sa tarantang nakikita niya kay Erika ay tiyak ni Tyler na malubha ang anak ni Erika. Agad dinaluhan ni Tyler ang babae dahil parang puso niya ang pinipiga sa nakikitang eksena. Kinuha ni Tyler sa kamay ni Erika ang bimpo at siya na ang nagpunas kay Dos. Ikinagulat pa nito ang bigla niyang pagsulpot.
"T-Tyler, si ..Dos, si Dos" Umiiyak na sabi ni Erika.
"Relax, Erika tatagan mo ang loob mo. Now get me another medicine." utos ni Tyler matapos pisil pisilin ang kamay ng nanginginig na si Erika. Umiling iling si Erika at ikinakunot iyon ng noo ni Tyler.
"Erika? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Tyler.
"Wala na, diba nga last na yung itinurok nating kanina.Hindi ko naman akalain na aatakihin siya ng halos tatlong beses nitong buong linggo lang" uutal utal na paliwanag ni Erika.
"Oh, for God sake Erika, bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi ka nagsabi?" Halos intense na rin si Tyler.
"Kase Tyler..." pero bago pa man matapos ni Erika ang sasabihin ay nagcombulsion na nga si Dos kaya lalong nataranta si Erika at nagtatalon ito sa pagiyak dahil tumirik na ang mata ng bata at biglang nagkulay talong ang mga labi.
"Oh, sh*t! Dos...! Dos.!!! Nooooo..!" Sigaw ni Tyler na agad binalot ng kumot si Dos at binuhat saka patakbong dinala sa kanyang sasakyan.
"Open na gate, call a Doctor Pascual, kamo papunta kami and its emergency." Utos ni Tyler sa pupungas pungas na dalagitang katulong na nagising na dahil silid pala nito ang unang pinagkakatok ni Erika. Nataranta naman ito at agad na takbo sa gate.
For the 2nd time around, Tyler holds his breathe while driving at sa ikalawa rin pagkakataon nagawa ni Tyler na magmaneho ng naka pajama at kasing bilis ng nangangarera ang takbo niya. Ganitong ganito rin ang eksena ng dalhin niya sa hospital ang kanyang nakababatang kapatid.The same trauma and the same pain he is having now, para palang nakakabaliw.
Nanariwa kay Tyler ang takot at trauma ng eksenang iyon at hindi siya papayag na mabigo na naman ngayon. Kaya lalong binilisan ni Tyler ang pagmamaneho hanggang makarating ng hospital. Nang salubungin na sila ng mga nurse at ng kaibigang doctor ng kanyang ama nayakap ni Tyler ng mahigpit ang halos mawalan na ng hiningang si Erika.
Matindi ang emosyung nilalabanan nito ngayon, Katulad din niya noon ng ipasok si Theo sa emegency room. Halos kapusin din ng hininga si Tyler sa takot noon at nagba blanko pa nga ang isip niya.
Naramdaman ni Tyler ang pagyakap din ng mahigpit ni Erika sa kanya na para bang sa kanya kumukuha ng lakas. Ramdam din ng binata ang takot nito dahil sobrang nanginginig si Erika. Alam ni Tyler kung bakit ganito na lamang ang takot nito, naaalala niya ang sinabi ng doctor na kapag nag sunod-sunod ang atake ng bata ay malala na ang ibig sabihin niyon. Naging nakakakaba ang mga sumunod na minuto pero nanatiling yakap ni Tyler si Erika at si Erika naman ay sa dibdib ng binata patuloy na umiyak. Paglabas lamang ng doctor ang nagpahiwalay sa kanila.
"Ano ho Doc? paki ulit please," sabi ni Erika sa sinabi ng doctor na dahil sa sobrang sakit ay tila nakabingi sa kanya.
"I'm sorry, Misis, but your son gets worse faster than we expected. Wala pang isang buwan since Tyler sent him here. At eto nakailang atake na siya. This could be a sign na posibleng hindi na kayang tanggapin ng anak nyo ang blood injection posibleng hindi na tinatanggap ng katawan ng bata" sabi ng doctor. Napasiksik naman sa dibdib ni Tyler at napahagolhol si Erika sa narinig kaya si Tyler na ang nagusisa sa doctor.
"Anong pwedeng gawin doc..please do something. I will deal with everything. Please save the child," pakiusap ni Tyler.
"We will do our best for now.Pero napagusapan na natin na walang tanging gamot kundi bone marrow transplant," Sabi ng Doctor.
"Sa ngayon, kailangang ma-confine sa ICU si Dos, ang huling option natin ay ang salinan siya ng dugo every now and then at machine na ang gagawa noon. Mananatili siya sa loob ng facilities hanggat lumalaban ang bata. Pero hindi ko kayo nais paasahin. Pinakamahabang panahon na maari siyang magtagal sa ICU ay dalawang buwan" sabi ng doctor.
"Dalawang buwan?"sabi ni Tyler na higpit ang yaka kay Erika lalo na ng humagolhol na ito sa dibdib niya.
"Yes. I'm sorry pero yun ang maari naming gawin. And Tyler, this will cost you a lot. Alam ba ng Mama mo ito?" Usisa ng doctor. Umiling si Tyler.
"Ang kalagayan ng bata ang inaalala niya at ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pinanghihina ang mga tuhod niya ng hitsura ni Erika sa bisig niya ngayon.
"Okay, sige magpapaalam na ako. May mga pasyente pa akong aasikasuhin. Pwede nyong makita ang bata ng ilang saglit sasabihin ko sa nurse .Then bumalik na lang kayo bukas sa oras ng visiting hours " sabi ng doctor.
"Salamt Doc" sabi ni Tyler at inakay si Erika na maupo muna sa waiting bench.
"E-Erika ....Erika... gusto mo na bang puntahan natin si Dos? Tanong ni Tyler.
"Hindi kase siya pwedeng bantayan sa loob ng ICU" sabi ni Tyler na hinagod hagod ang likod ni Erika.
Hindi pa nakontento ang binata at hinalik halikan pa si Erika sa noo para lamang gumaan man lang pakiramdam nito.
"Tyler..Tyler... si Dos, ang anak ko..ang anak ko. Ang kawawa kong anak...." Umiiyak na sabi ni Erika na napakapit pa sa manggas ni Tyler.
"Erika hindi nating pababayaan si Dos okay. I will do everything to help him. Noon ko pa pinapangako yan.Tahan na kailangan mong maging matatag para kay Dos" sabi ng binata.
"Halika na, pumasok na tayo sa loob at puntahan na natin si Dos. Malamang hinahanap ka na noon kahit wal itong malay" sabi ni Tyler na inakay na ang halos walang lakas humakbang na si Erika. Nakapasok siya ng ICU na halos yakap at buhat na niya si Erika. Naulit na naman ang eksenang para itong tulala at parang lantang gulay. Pero ng makalapit na ito kay Dos ay muling bumaha ng luha at palahaw ng iyak ni Erika ang buong silid.
"Anak...anak ko patawarin mo ang mommy. Ginagawa ko naman ang lahat anak. Please anao lumaban ka. Pangako anak pag tinatagan mo ngayon pangako gagawin ni Mommy ang lahat mailigtas ka lang kahit...kahit...katumbas noon ay baka mawala ka sa akin" halos pabulong na sabi ni Erika sa anak habang yakap ito. Nahirapan pa si Tyler na ayain palabas ng ICU si Erika. Mula ng pumasok sila doon ay wala itong ginawa kundi ang umiyak.
Malalim ang iniisip ni Erika sa buong biyahe. Kinakatakutan niyang umpisahan ang posibleng katotohanan pero kahit papaano ay baka iyon ang hinintay niyang himala. Samantala pasulyap sulyap naman si Tyler sa kanang bahagi niya habang abala sa pagmamaneho.
Nabobother siya sa katahimikan ni Erika, nakakatakot, parang hindi normal at anytime ay bibigay. Nakatanaw ito sa malayo, parang wala pa rin sa sarili. Naisip ni Tyler ang sitwasyyn ni Dos. mabilis ang dalawang buwan na taning nito. At posible lamang na umabot ito ng ganun katagal kung mananatili si Dos sa ICU. Tutulungan niya si Erika hindi issue ang pera.
Pero tama ba na wala na silang gawin? at hintayin na lang ang dalawang buwan? May magagawa sila para kay Dos. At kailangan niyang kausapin si Erika tungkol dito. Kung galit man si Erika sa ama ng anak niya. Baka pwedeng iisang tabi iyon para lamang sa kaligtasan ni Dos. Iyon na lamang kase ang pagasa nito. Ang bone marrow ng ama o ng kapatid ni Dos ang makakapagpagaling sa bata.