Chapter 28

1278 Words
Ang araw ng pagkakagulo sa baranggay ay ang unang araw na umatake ng malala ang sakit ni Dos. Nang makarecover si Dos, ay umalis si Erika sa lugar na iyon na malapit lamang pala sa lugar ng asawa ni Martin. Napadpad sila ng anak sa Purok Singko sa Tabang. Doon natahimik ang mundo ni Erika kapalit ng pangako sa anak na hindi na muling makikipag relasyun sa may asawa at hindi na muling babalik sa club. Pero hindi lumilipas ang dalawang buwan na hindi inaatake si Dos kaya paminsan minsan, lihim sa anak ay gumagala si Erika sa gabi pero sa bahay niya dinadala At sa kusina nga pinupuwesto. Sinasadya ni Erika na mga lasing na mga dugyot at may edad ang piliin para sapat ng i lblow job lang ay maligaya na dahil sa isang lihim. Nadiskubre ni Dos ang lihim niyang gawain ng matapat, isang gabi na maka pick-up siya ng may karga ng ilegal na gamot. Pinipilit nitong galawin si Erika. Gustuhin man niya, payagan man niya dahil malaking halaga ang offer ay katawan niya ang may problema. Muling naulit ang panginginig at ang walang katapusang pagluha, pati ang tila takot at ang paninigas ay lumala. Nabadtrip ang costumer at napagbuhatan ng kamay si Erika at pinagbingtangan siyang nagiinarte at nagpapataas lang ng presyo. Bumalandra sa lamesa ang mukha ni Erik pero hindi pa nakontento ang lalaki at hinablot ito at muling pinag buhatan ng kamay at nakita iyong ni Dos. Walang alam si Erika na matagal na palang alam ni Dos ang pagdadala niya ng costumer.Gabi gabi palang hindi napupuyat ang anak niya dahil sa pagbabantay sa kanyang paguwi. Hawak ang walis tambo ay pinaghahampas ni Dos ng dulo handle ng tambo ang likod ng lalaki. Pagbubuhatan sana ng kamay ng lalaki si Dos pero mabilis na humarang si Erika kaya ang buhok niya ang pinagdiskitahan nito. Doon muli na namang sinumpong si Dos .At iyon ang unang pagkakataon na dumugo ng matindi ang ilong ng anak niya. Natakot ang lalaki at iniwan sila at tumakbo palabas. Doon muling nanumbalik ang nanahimik ng panginginig ni Erika. Muli siyang nanginig at nanigas ang katawan. Muli siyang lumuha sa takot at sa hindi niya malamang dahilan. Ang nanay ni Petong ang nakarinig ng sigawan at siyang tumulog sa kanila ni Dos na madala sa hospital. Nang araw na iyon, mas naintindihan ni Erika ang sakit ng anak at doon niya napagtanto ang kawawang kapalaran ni Dos. Napapunas ng luha si Erika sa pagbabalik tanaw sa nakaraan pakikibaka nila ni Dos. Bumangon si Erika dahil bukod sa barado na ang ilong niya ay maga pa. Balak niyang maligo na lamang para mawala ang pamamaga ng mukha dahil sa pagiyak. Hindi niya nagawan maligo kanina dahil sa hiya kay Tyler. Binuksan ni Erika ang ilaw dahil hindi siya sanay sa lugar kahit pa nga sanay siya sa dilim. Lumiwanang ang buong kapaligiran. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ni Erika ang buong silid. Para namang hindi iyon guest room dahil may mga personal na gamit. Gamit ng lalaki ang nakikita niya. Muling napasulyap si Erika sa larawang nakasabit sa malapit sa orasan.Napapikit si Erika dahil parang may kidlat na biglang dumaan sa mata niya. Nahilo na naman siya at umikot ang paningin ni Erika at pagkatapos ay sumingit sa kanyang gunita ang isang eksena at ikinagimbal iyon ni Erika. Nangangatog ang mga tuhod na lumapit si Erika sa larawan ng lalaki na nasa lamesa malapit sa may tokador. Kinuha niya ang isang picture frame at tinitigan ito kahit pa nga nilalabanan niya ang pananakit ng ulo at ang pagkahilo ng matindi. Sa pagtama ng mga mata ni Erika at sa mata ng lalaki sa larawan. Tumulo ang mga luha ni Erika dahil ng titigan niya ang larawan ay naalala na niya kung saan nakita ang lalaki. "Hindi! Hindi maaari ito, Hindi!Hindi....!" takot na takot na sabi ni Erika at biglang napaupo sa silya at muling sinapo ang ulo dahil sa matinding pananakit nito. Nasa ganung sitwasyun si Erika ng marinig niyang umungol si Dos. Napalingon si Erika sa anak pero nagtuloy tuloy ang pagungol ni Dos na tila nahihirapan. Kahit umiikot ang paningin ay nilapitan ni Erika si Dos at nasalat niyang mataas ang lagnat ng anak. Hindi halos nag limang minuto ay dumugo na naman ang ilong ni Dos at nanginig na ng tuluyan ang kanyang anak. "Magkukumbulsion si Dos kapag hindi naagapan, Anong gagawin ko? Diyos ko po, anong gagawin ko?" sumambulat na naman ang takot kay Erika. Nanginginig na naman siya pero nilabanan ito Erika. "Dos...!! Dos..Anak ..." Sigaw ni Erika na binalutan agad ng kumot ang anak upang hindi manginig. Natataranta niyang hinanap ang kanyang bag pero biglang naalala ni Erika na last na nga pala ang gamot na naiturok kay Dos kanina. Natutuliro na si Erika. Pansamantalan niyang nakalimutan ang natuklasan dahil sa kalagayan ni Dos. Wala pang 24 ng turukan ito. Bakit umulit ang atake ni Dos? bakit nagiging mas madalas na ang atake ng kanyang anak?" halos mabaliw sa pagiisip si Erika. "Lumalala na ba si Dos? Totoo ba ang sinabi ng doctor na kapag naging madalas na ang pag nose bleed at pag collapes ni Dos ay indikasyun iyon na malubha na ang bata at malapit na ang takdang oras na hindi na tatanggapin ng katawan ni Dos ang dugong isinasalin dito? Dios ko po hindi..!! Huwag naman po muna. Please...Please huwag po muna para nyo ng awa. Ginagawa ko naman ang lahat...hindi naman ako tumitigil, gagawin ko po ang lahat please po please po. Tulungan nyo ako,Tulungan nyo ako..." Bulong ni Erika na napatingala pa sa kisame na tila kausap ang diyos. Umiiyak na tumakbo palabas ng silid si Erika at parang nababaliw na hinanap ang silid ni Tyler. Doon lamang naalala ni Erika ang natuklasan kaya kusang huminto sa paghakbang ang mga paa niya. Kinilabutan siya sa takot, Naningas sa katotohanang nakatakdang harapin. Pero ang buhay ni Dos ang nakasalalay. Ang buhay ng anak ang kailangan niyang unahin bago ang sarili. Lumuluhang ihinakbang ni Erika ang mga paa. Baon ang pait ng pagkatalo at magiging kabiguan sa hinaharap. Muli niyang hinanap ang silid ni Tyler. Lahat ng makita niyang silid ay kinatok niya wala ng hiya hiya, kapalan na ng mukha. Iniisip kase ni Erika na baka kasam ni Tyler ang asawa o kasintahan o iba pang kapamilya sa bahay at nahihiya siyang mangbulahaw. Naalimpungatan naman ang noon ay papatulog pa lang na si Tyler. Para kaseng naririnig niya ang sigaw ni Erika na tinatawag siya. "Sh*t! what is wrong with you man, ganun ba talaga katindi ang epekto ng babaeng yun sayo at hanggang sa panaginip ay nakikita mo? kulang na lang pati sa halucination naiisip mo siya" kutya ni Tyler sa sarili. Pero kalampag sa pinto niya ang tuluyang nagpabalilwas kay Tyler. "Its really her" sabi ni Tyler na kinabahan dahil kakaiba ang tono ng boses ni Erika parang takot at umiiyak pa ang boses nito. Samantala... Natataranta naman si Erika, nakailang kalampag na siya pero walang Tyler na lumalabas. Wala siguro ang lalaki o baka sobrang himbing matulog.Tumalikod na si Erika dahil nangaalalang magisa si Dos at umiiyak na binalikan ang silid nila. Sakto namang nagbukas ng pinto si Tyler at nakita niyang mabilis na patakbong bumalik si Erika sa silid nito kaya sinundan niya. "What's going on? tulog na sila ng iwan ko kanina? Bakit ka umiiyak Erika? Anong, oh f*ck! may angyari ba kay Dos" bulalas ni Tyler ng ma realised na si Dos lamang ang dahilan ng pagkataranta ni Erika. Kaya malalaki rin ang hakbang na sinundan niya ito. Inabutan niya si Erika na umiiyak habang pinupunasan ng basang towel ang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD