Chapter 39

1291 Words
Na curious si Maricar at medyo may sumagi sa isipan, isang alaala na matagal na niyang ibinaon sa limot. Kinuha ni Maricar ang papel. “Who gave you the right to do this Maricar?” Malakas na bulyaw ni Tyler mula sa pintuan ng makita niyang kinakalkal ni Maricar ang bag ni Erika. Nagulat ang babae kaya agad na ibinalik ang kulay dilaw na papel sa bag. Nakatalikod si Maricar sa pinto kaya hindi nakita ng detalyado ni Tyler kung ano nga ba ang nakalkal ni Maricar. Nakita lamang niya ang bag na hawak ng babae. "Tyler..Ano kase.." nauutal na sabi nito. Malalaking hakbang ang ginawa ng binata at agad na hinablot ang bag ni Erika na hawak nito at inilapag sa kama. Nakita ng binata na naging aligaga ang babae. Mabuti na lang pala at hindi muna siya nagtimpla ng kape. Naalala kase niya na narito pa sa guest room ang gamit ng magina. Naisip agad niya na baka makita ni Maricar at malamang usisain nga at hindi nga siya nagkamali. May plano si Tyler kaya hindi dapat malaman ni Maricar kung sino si Erika. Iuutos sana niya sa maid ang paglilipat ng gamit nina Erika sa kuwarto nila kaso nasa banyo ang katulong kaya siya na lamang ang kumuha kahit ayaw sana niyang makita ang hipag. Hindi niya gusto ang ginagawa nito, lalong hindi niya gusto ang lumalabas sa bibig ng kanyang ina kapag napaguusapan si Maricar. "What the hell are you doing Maricar? Pati ba gamit ng fianc'e ko pakikialaman mo? Ano pa ba ang mga pakikialaman mo sa buhay ko, Maricar?" Galit na sabi ni Tyler. "Wala naman akong pinakialaman ah, natural nakaharang dito sa may kama yang cheap na bag na yan kaya kinuha ko at inalam ko kung kanino yan. Masama ba yun?" sabi ni Maricar. "Sabi ng maid mo ay may anak na ang babaeng yun. My God Tyler desperado ka na ba at pati may exes baggage ay pinapatos mo na?" Sabi pa ni Maricar. "What's the difference? eh hindi ba iginigiit din ninyo ng Mama na ikaw ang i consider ko rather choosing who i want." pasitang sabi ni Tyler. "That's a different story. Saka kaya naman nai- suggest ng Mama mo yun ay dahil sa nangyari sa atin." sabi ni Maricar. "Shut your mouth.Gusto ko ng ibaon sa malalim na hukay ang gabing iyon Maricar. I swear kinasusuklaman ko ang gabing iyon." sabi ni Tyler na ilang beses nagmura. "Really! but you enjoyed it." pang iinis ni Maricar. "F*ck you Maricar. I didnt! You mess with my life.You decieve me that night You're a f*****g w***e!" sigaw ni Tyler."Kung hindi lang sa guilt na ito at sa katotohanang asawa ka ni Theo, sinakal na kita noon pa Maricar." dagdag pa niya. "That's not the point here. I saw her things and its so bangketa. She's so cheap, she is not even on my level. Please lang huwag mo akong ikumpara sa kanya. Bakit ka ba nabubulag ng babaeng yan na obivous naman na huhuthutan ka lang." pasinghal na sabi ni Maricar. "Really? not your level? mukhang nakalimutan mo na ata Maricar ang ka cheapang ginawa mo several times, where my brother is sleeping in the next room."nalilisik ang mata ni Tyler sa inis ng maalala iyon. "Beside even if she is the cheapest among the cheap. Sa burak o putikan man siya galing. She is way better than you.Your a fake gem." sabi ni Tyler. "Well, tingnan ko lang kung mainsulto mo pa ako kapag nandito na ang Mama mo at tingnan ko lang din kung makatagal ang babaeng yan sa pamamahay na ito." "May bago pa ba Maricar? Tell me something new.Yun bago naman, hindi yung stereo type na gawain mo. Well, ako may bago wanna hear it." pangaasar ni Tyler. Hindi pa man sumasagot ang babae ay nagsalita na ulit siya. "Well, hindi kayo magtatagumpay this time, kahit mag tandem pa kayo ng Mama. Erika and her son will stay here with me and we will become my family at walang makakapigil doon.You better be prepare for your worst nightmare Maricar." "How dare you Tyler, Pagsisisihan mo ito. Dahil gagawin kong impiyerno ang pagtira ng babaeng yan dito. I swear pahihirapan ko yan lalo na ang anak niya." bulyaw ni Maricar kay Tyler na pahakbang na palabas. Pero ng marinig ni Tyler ang pagbabanta ni Maricar sa anak ni Erika. Inisang hakbang lamang ni Tyler ang pagitan niya saka sinakal ang babae at idinikdik sa dingding. "Don't you ever hurt her son, I swear pipilipitin ko yang leeg mo.Try me Maricar.Try me!!" Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Tyler. Samantala balisa naman si Erika. Nang lumabas ng silid at naiwan siya magisa, para siyang hinugutan ng hangin sa sikmura. Pahiga na sana si Erika sa umaalon na kama ng maalala niya ang sinabi ni Tyler na hindi dapat malaman ni Maricar ang tungkol kay Dos at sa pagkatao ng anak niya. Biglang napabalikwas si Erika. Bukod sa bilin ni Tyler. Hindi rin dapat makita ni Maricar ang diary. "Ay.....tangnang katangahan mong yan Erika, ayan kalandian mo kay Tyler pasakit sakit ka pa ng ulo, ayan sige gawin mong kumplikado ang buhay mo." sermon ni Erika sa sarili. Bumalikwas na nga siya ng tuluyan at saka lumabas ng silid. Iginala niya ang mga mata sa sala pero hindi niya makita si Tyler. "Hindi kaya pinuntahan nito si Maricar sa kuwarto? kaya ba siya sa silid ni Tyler dinala ay para malaya nitong mapuntahan si Maricar? Kunwari din lang ba ang galit galitan acting ni Tyler kay Maricar tulad ng sa kanya? nagme-make out na kaya ang dalawa?Magaling ba sa quicky ang babaeng yun? banyo queen din ba siya?" muni -muni ni Erika. At inaamin niya sa sarili na nagsesleos na siya. "Bakit masama bang mangarap. Mangangarap ka na lang din eh taasan mo na alangan namang ung mga vendor ng yosi o mga naglalako ng mineral water sa bus ang pangarapin ko diba?" pangungumbinsi ni Erika sa sarili dahil sa nararamdaman na niya para kay Tyler. Ewan niya kung saan nagsimula at kung paano nagsimula gayung ang tanging nasa isip niya ay makahanap lang ng sponsor. Kaka muni- muni niya at kausap sa sarili ay hindi niya namalayang nasa tapat na siya ng pinto ng guest room at dinig niya ang boses ng babae. Dahil nakasara ay hindi niya masyadong maintindihan ang sinasabi nito pero ang tono ng babae ay mukha itong nagpapaliwanang. Napahawak sa dibdib si Erika ng marinig ang isa pang boses na nagsalita bagamat ngongo din dahil sa kulob sa loob ng silid ay kilala niya iyon. "Tyler..." Tama nga siya. Nasa loob nga si Tyler at kinakausap si Maricar. Kaya ba ito lumabas agad ay para puntahan ang babae? Na curios si Erika kung ano ang pinaguusapan ng mga ito kaya idinilit ni Erika ang tenga sa pinto.Pero dahil mamahalin ang pinto at narra pa ata at makapal ito ay wala naman siyang marinig. Narinig ni Erika na parang may lumagabog sa dingding kaya nataranta siya at mabilis na lumayo sa harap ng pinto ng guest room at pasimpleng bumalik sa silid ni Tyler. "T-Tyler...your hurting me. Let me go." sabi ni Maricar. "I can't breath, please! Are you going to kill me? Theo will raise from the dead" sabi pa ng babae. "D*mn you Maricar..D*mn it.." sabi ni Tyler na biglang lumuwang ang pagkakasakal nito kay Maricar. Unti unting kumalma si Tyler ng mabanggit si Theo. Kahit naman noon pa binabaon siya sa guilt sa lahat ng ito. Nangako na siya na lahat ay gagawin niya makabawi lamang sa kapatid. Ipinangako niya na aalagaan ang lahat ng maiiwan nito at kasama na doon si Maricar at sina Erika.Pero paano niya ito gagawin kay Maricar?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD