Tahimik na lumuha si Erika habang nakatitig lamang sa binatang kausap. Ang la bis niyang pasasalamat niya sa magandang balita ay sa mga titig na lamang niya sinabi. Sa sobrang tuwa at kaligayahan ay hindi magawang magsalita o kumilos ni Erika.
"One more thing, sabi ng doctor, good sign daw un. Posible daw na malagpasan ni Dos ang two months na taning," dagdag pa ni Tyler. Doon na humulagpos ang tinitimping iyak ni Erika. Napahagolhol na ito habang panay ang sabi ng thank you, thank you.
"Erika, do you trust me?" Biglang singit na tanong ni Tyler.
"Huh? Oo n-naman Ty? bakit mo naitanong?" Nagtatakang sabi ni Erika.
"I want you to stay here. Hangga't maaari huwag kang maglalalabas kung hindi mahalaga. My room has a wide bathroom, even when we share it. May terrace din kung kailangan mo ng hangin. Kung maiuwi na natin Dos bukas, dito lang kayong mag ina at kahit anuman marinig mo sa mga tao dito, panindigan mong girlfriend kita at pakakasalan kita." bilin ni Tyler.
"A-no? p-pero bakit nga ba?" Doon lamang naalala ni Erika na itanong kung bakit nga ba kailangan pang magsinungaling ni Tyler na girlfriend siya at ngayon fiancé pa ata.
"Look Erika you better listen, at tandaan mo ang mga ibibilin ko. Hindi ko pa pwedeng i broadcast na pamangkin ko si Dos lalong hindi pa dapat malaman ni Maricar ang lahat maliwanag ba? Mananatili kang girlfriend ko at nakilala kita sa trabaho mo sa mall?maliwanag? Kahit sino ang dumating o magtanong. Girlfriend kita at si Dos ay anak mo sa una mo kinasama maliwanag." sabi ni Tyler.
Tumango-tango si Erika bagamat nasasaktan na parang ikinahihiya ng binata ang nakaraan niya. "May magagawa ba siya? eh, talaga naman nakakahiya ang kababaan ng uwi niyang hindi nababagay sa isang Tyler De Dios. "Saka bakit ka ba engot Erika, kunwari nga lang diba? diba? kaya please focus, focus," sabi na lang niya sa sarili.
Pero may sigla sa puso ni Erika ng malamang ililihim muna sa ngayon na anak ni Theo si Dos. Kahit papaano, lumuwag ang dibdib niya mula sa mga agam-agam. Kahit papaano, hindi pa niya kakailanganin matakot na ilalayo si Dos ng mga kapamilya nito mula sa kanya. Kahit naman kase ang alam ng mga ito na siya ang ina ni Dos, malinaw pa rin na naging kabit siya ni Theo.
Sa mata ng mga ito at sa batas ay may karapatan si Dos sa pamilya at dapat itong kilalanin pero walang siya. siya bilang kabit lang ay walang karapatan sa lahat. At dahil mayayaman ang mga ito at siya ay isang hamak na pick up girl lang na may lihim pang inaalalagaan. Malabong pumanig aa kanya ang panahon kahit ang batas kapag naisipn ng mga ito na kunin si Dos. Yun ang ikinakatakot ni Erika noon. Kaya nga kahit anong mangyari hindi niya hahayaang may makaalam ng sekreto niya.
"Sige, Tyler ikaw ang masusunod. Ikaw lang naman ang nakakalam ng totoo kaya ikaw na ang bahala. Ang mahalaga sa akin ay ang kaligtasan at kalagayan ni Dos." sabi ni Erika.
"Okay, just trust me, kung saka-sakali ay hindi mo kailangang sagutin ang mga tanong nila kapag kinorner ka," sabi pa nito.
"Sila? sinong sila?" Usisa ni Erika.
"Erika, since na broadcast ko sa hipag ko na girlfriend kita at nandito ka sa bahay namin at nattulog pa, i don't think Maricar will keep her mouth shut about this." sabi ni Tyler. "She will react and dis agree sa ginagawa ko na as if naman may "say" siya sa sa buhay ko" bubulong bulong si Tyler na kilala ang karakas ni Maricar. "Basta humanda ka na lang if one of this day maging dalawa ang annoying sa bahay na ito." sabi na lang ni Tyler.
Inaasahan na kase niya na malamang kanina pa naibalita ni Maricar sa Mama niya ang natuklasan. Pero napangisi ng may halong matalim na titig si Tyler kay Erika.
"They will hate you, Erika. Iinsultuhin ka nila at yuyurakan. Pero magpakatatag ka, ipasok sa kaliwa at ilabas sa kanang tenga ang lahat ng marirnig mo. Tan aan mo, hindi sila matatahimik hanggang hindi ka napapaalis sa bahay na ito at maging sa buhay ko. Magpakatatag ka at lumaban na kunwari ay totoong girlfriend kita ha pero gawin mo ng palihim, pasimple dahil karapatan mo at ni Dos ang manatili sa bahay na ito." mahabang bilin ni Tyler.
"Eh bakit kase hindi na lang natin sabihin na karapatan naman si Dos kaya kami naririto. Para kahit si Dos ay hindi nila paalisin , ako okay lang kahit alipustain at palayasin nila, keri ko iyon"sabi ni Erika.
"Are you crazy? what about me?" maging si Tyler ay nagulat sa biglang impuslive niyang tanong."I mean, hindi ko kaya mag isa si Dos, he needs his mother" kabig ni Tyler sabay sita sa sariling damdamin. Pati siya ay nabigla sa reaksiyon niya na okay lang kay Erika na malayo kay Dos. Pero ang puso at katawan ni Tyler ay komokontra.
"I will tell them the truth, Erika pero hindi pa ngayon. May kailangan akong alamin. May nabasa ako sa sulat ni Theo at inaalam ko ang kahulugan." sabi ni Tyler.
"Magpahinga ka na may mga kailangan akong tawagan at gawin. Mamaya na ako tatabi sayo matulog para makapagpahinga ka." pilyong bulong ni Tyler. Isang masuyong halik sa noo ang ibinigay nito sa kanya bago tumalikod at lumabas ng pinto. Nakangiti ito at kumindat pa bago sinabing babalikan siya at gigisingin ng alas tres.
Samantala matapos namang tumawag ni Maricar sa telepono ay naisipan nitong maligo. Nagkalkal siya sa cabinet. May mga naiwan pa siyang damit doon na pantulog doon. Sinasadya niyang magiwan ng spare clothes doon para walang dahilan si Tyler na pauwiin siya. Minsan sinasadya niyang malasing at mas madalas nagkukunwari siyang lango sa alak at doon na nakakatulog. Pinili ni Maricar ang isang sexy na pantulog saka nagshower. Kaso paglabas niya ay napasimangot ito ng maalala na may asungot nga pala ngayon sa bahay nila Tyler at hindi niya magagwa ang plano.
Naupo si Maricar sa kama bagamat hindi naman maganda ang karanasan niya sa kama na iyon. Living her best life ang mahalaga sa kanya .Yun nga lang ang para sa kanya inagaw pa.
Nasa ganung pagmumuni-muni sa Maricar ng matuon ang pansin niya sa bag na kulay pink. Alam niya agad kung kanino ang bag na iyon. Sa hitsura pa lang ng bag na mumurahin ay alam na niyang kay Erika iyon.
"That woman is really cheap. Ano bang nagustuhan ni Tyler sa babaeng iyon? Nakapalayo naman ng status nila."
Sa malalim na curiosity ay nilapitan ni Maricar ang bag at sa naisip na baka may makita siya doon na pwedeng magamit laban sa babae at ng mauntog naman si Tyler sa katotohanan huhuthutan lamang siya ng cheap na babaeng iyon. Binuksan ni Maricar ang bag at bumungad sa kanya ang mga damit ng bata.
“So, totoo ngang may anak ang babae! OMG!Single mom ba ito o biyuda na naghahanap ng punong hitik sa bunga na makakapitan para buhay sila ng anak niya? Hah ! ang kapal ng mukha. Humanda ka…!humanda ka!" Sabi nito.
Sumunod na nabulaklat ni Maricar ay ang mga damit namang pang babae. Lalong natiyak si Maricar na cheap ng ang babae dahil puro bangketa at divisoria lang mga damit na naroon. Wala man lang siyang kahit isang nakita na may pangalan o original man lang.
"Ang cheap talaga yuck!” naiinsultong sabi ni Maricar. “And Tyler chooses her over me? That woman is not even on my level,” nagngingitngit na sabi ni Maricar.
Tatayo sana si Maricar at lalabas ng silid at pupuntahan si Tyler ng mapansin niya sa huling pagbulatlat ng damit ang isang sulat na nakalagay sa yellow pad.