Sa wakas ay nagtagumpay si Erika. Kumawala ang munting ungol sa bibig ni Tyler kasabay ng mas paglalim na rin ng mga halik nito. Mas dinaganan na si Erika na halos mabaon na sa pader. Kaya mas naramdaman ni Erika na may epekto na sa p*********i nito ang mga halik niya.
"Heto naaaa..Heto na aaaa haa dubido bido" awit ni Erika na ipinikit na ang mga mata at nimamnam ang sarap ng mga halik ni Tyler.
"Mommy bakit dito mo dinala ang costumer mo? Sabi mo sa kusina lang kayo diba? "Biglang umalingawngaw ang munting tinig na iyon na nagpanigas sa dalawang tuko sa dingding.
"Mommy ang lamig..ang lamig..may bagyo ba?" Sabi ng pupungas pungas na si Dos na ang akala ay nasa bahay lamang nila.
"Oh sh*t," nasabi na lang n Tyler sabay sobsob ng mukha sa leeg ni Erika
"It's me Dos, go back to sleep gabi pa," sabi ni Tyler matapos makapag isip-isip.
"Go back to bed for now Erika, marami pang araw para pagusapan natin ang gusto mo," sabi ni Tyler na inakbayan si Erika at pinahiga na sa tabi ng anak. Kinumutan pa siya ni Tyler.
"Hihinaan ko muna ang aircon baka naninibago si Dos" sabi ni Tyler at nagtungo sa taas na bahagi ng kama at may pinindot.
"Nandito kami sa room mo, Tito Tyler wow!" bulalas ni Dos na imbes na bumalik sa pagtulog ay bumalikwas ng bangon at nagtatatalon sa malaking kama.
"Dos ano ba anak? Psst, ang boses mo hinaan mo baka magising ang iba, nakakahiya. Saka huwag kang tumalon baka masira ang papa," mahinang sita ni Erika na hinatak na ang anak.
"Mommy,kama po ang tawag dito hindi papag, wow! ang sarap,ang lambot. Oh, wow!!? tingnan mo mommy nagba bounce talaga ako. Siguro original ito," sabi pa ni Dos sabay bumaba ng sahig at paglapag ng paa ay biglang nahiga sa sahig at gumulong gulong.
"
"Ang galing Tito Tyler carpeted din ang sahig ng room mo, wow! as in double million wow," galak na sabi ng bata.
Natawa naman si Tyler sa reaction ni Dos. Masarap sa pandinig na tinatawag siya nitong tito kesa sa costumer. Medyo nagpapagting ang tenga niya kapag naririnig ang salitang costumer. Maigi nga sigurong malibang ito sa silid kesa ang tumanim sa isip nito ang nakita. Medyo mahalay na ang eksena nila ni Erika kanina, dahil literal na nakahawak siya sa dibdib ng ina nito. Pero ng maalala ni Tyler ang sinabi ni Dos na, 'Mommy bakit dito kayo sa silid diba ang usapan sa kusina lang ang costumer' ay biglang umasim ang mukha ni Tyler sa inis.
Naiinis siyang may dinadala si Erika sa bahay nito para halikan at paligayahin at sa kusina pa. So, mahilig talaga sa standing position ang babae?" Sa isip isip ni Tyler. Dahil sa mga naglarong eksena sa isipan niya ay nawala ang kanina ay apoy sa damdamin ng binata ganun din ang galak sa kasalukuyan.
"This is a guest room, Dos, and not my room. Mas malambot ang carpet sa kuwarto ko at mas malamig ang aircon. Mas malapad ang kama at mas madilim. At walang nakakapasok kundi ako lang." ewan ba ni Tyler kung bakit niya iyon sinabi, pero kinakain na talaga siya ng inis at naramdaman iyon ni Erika.
"Ah anak, hating gabi na.Halika na bumalik na tayo sa pagtulog. Nandito tayo sa guest room kase dito gagawin ang gamutan mo. Huwag masyadong matuwa anak, kase saglit ka lang dito ha,"sabi ni Erika.
"Eh, bakit po mommy? paano kung bukas o sa susunod na bukas eh magaling na ako eh di hindi na tayo dito matutulog at hindi ka na din iki-kiss ni Tito Tyler ha, mommy?" Tanong ng mosmos na bata.
"Ah Dos, Sir ang itawag mo sa kanya baka ma offend si Sir Tyler kung Tito ang tawag mo. Bata pa siya para maging tito eh. Saka oo, ganun na nga kapag okay ka na, uuwi na tayo sa atin. 'Lika na nak, matulog na tayo huwag ng madaming tanong anak ha," sabi ni Erika at bumaling sa amazed na binata.
"Salamat nga pala ulit Sir Tyler sa lahat ng tulong. Good night" sabi ni Erika na inakay na ang anak sa kama at pinahiga.
May sasabihin pa sana si Tyler pero tila nagbago ang isip nito at nakita ni Erika na dumilim na naman ang mukha ng lalaki.
"Ang bilis ng mood swing nito, siguro July ang birthday nito? Bakit kaya parang paligi itong nagagalit." sa isip isip ni Erika pero siya na rin ang sumagot sa tanong niya.
"Natural! napipilitan ito sa lahat." sabi ng isipan niya at tumanim iyon sa puso ni Erika. At ihihingi niya iyong ng tawad kay Tyler at tatanawing utang na loob habang buhay. Kailangan lang niyang kapalan ang mukha at huwag pakawalan ang lumapit na grasya para sa anak niya na bigla atang sumigla ngayon. Hinding hindi niya pagsisisihan ang ginagawang pamamalimos at pang aakit kay Tyler. Hinding-hindi niya pagsisisihan ang gawin ang kahit ano, para sa anak niya.
"Okay magpahinga na kayo. Let's talk some other time, Erika. Good night din sayo," sabi ni Tyler saka tumalikod na. Pero yakap ng isang munting anghel ang nagpalingon sa kanya.
"Good night, Tito ay Sir Tyler pala. Thank you po sa lahat." sabi ng bata na tila inaabot ang mukha niya ng nakatulis na nguso nito. It takes more than seconds para kay Tyler bago ma realized na gusto siyang halikan ng bata kaya ibinaba ni Tyler ang mukha at humalik na nga ito.
"Good night ulit Sir Tyler." ulit nito at nahiga na ulit sa tabi ng ina. Na freeze ng ilang segundo si Tyler sa nakitang tagpo. Ang magina ay payapang nakahiga sa kama sa loob ng bahay niya sa silid kung saan ay madalas e occupy ni Theo noong nabubuhay pa. Nang maalala ang kapatid ay sumambulat kay Tyler ang misyon at ang katotohanang kailangan niyang pakasalan ang babaeng pinahahanap nito.
Doon lang niya narealized na ang babaeng pinahahanap ng kapatid at si Erika ay magka uri. Lugmok ang balikat na lumabas ng silid si Tyler. Saktong paglapat ng pinto pasara ay pumatak ang luha ni Erika at hindi iyon nakaligtas sa mapagmasid na cctv ng buhay ni Erika.
"Mommy bakit ka umiiyak. Kupal ba siya tulad ni Tito Martin kaya ayaw mong tawagin ko siyang tito? May masungit din bang asawa si Sir Tyler kaya hanggang kiss lang kayo?" tanong ng bata. Hindi na nabigla si Erika kung halos detalyadong kabisado ng anak ang lahaht ng detalye ng buhay niya. Sa loob ng maraming pagkakataon na nasaktan at nabigo, si Dos ang tanging saksi ng totoo niyang damdamin at paghihirap na rin.
Napatitig si Erika sa anak.Nalulungkot siyang naging pamantayan ng bata ang maling relasyun niya noon kay Martin pero wala naman siyang choice. Huli na ng malaman niyang pamilyado ito at hindi na rin siya nakapalag dahil marami na itong naitulong sa kanila. At bali-baliktarin man ang mundo kailangan niya ang tulong na iyon. At kung magkakaroon ng pagkakataon na maulit ang ganuon pa rin sitwasyun, hahayaan niyang maiskandalo, makalbo sa sabunot ng tunay na asawa, makaladkad sa kalsada at tawaging puta kung ang kapalit naman noon ay ang sustento para sa gamot ni Dos. kaya niyang mamalimos, mamgtinda sa bar o kaya magabang ng tigang na costumer, pero hindi sapat lang iyon sa pang araw araw, ang kailangan niya ay permanente dahil sa gamutan ni Dos.
Kaya lahit masakit, kahit nakakadurog ng pagkatao, ayos lang maging 'Putatsing kahit sa paningin pa yan ni Tyler.