Napaluha si Erika. Hindi niya noon ramdam ang pagpapalaki kay Dos dahil may tulong ni Martin. Yun nga lang hindi siya nito itinuring na karelasyun o kahit sana babae na lang nito, bagkos, isa lamang mababang uri lang na parausan an trato sa kanya, pupuntahan siya sa oras na taglibog. Sinasadya ni Erika na sa bahay dalhin si Martin upang hindi lumalim ang lahat, ayaw din niyang lumalim ang relasyon niya dahil parang, ewan pero nanginginig siya sa sandaling siya na ang aangkinin. Mula noon hanggang ngayon ang teknik ni Erika ay ang paligayahin lamang ang mga Adan.
Pinalililigaya niya ang lalaki sa paraang hindi niya kailangan isugal ang katawan. Paraang natutunanan niya sa kanyang ate. Madalas lango sa alak si Martin kaya ayos lang. Iyon naman ang trip ng lalaki eh, marahil diri -diring sa kanya kaso, hindi lamang kayang tiiisin ang kalibugan sa katawan na hindi mailabas sa amasonang asawa.
Sa pangungulit ni Dos nitong mga huling taon bago sila malipat sa lugar nila ngayon at bago ang malaking iskandalo ay nasabi na lamang niya sa bata na binawi na ng asawa ang tito Martin nito. Iniyakan ni Erika ang paglayo kay Martin hindi dahil sa napamahal siya sa lalaki, kundi dahil mahihirapan si Dos sa nangyayari. Pero hinayaan na lamang ni Erika na ganun ang isipin ni Dos. Niyakap ni Erika ang anak saka hinaplos ang maputlang mukha.
"Hindi anak, tears of joy ito, kase nakatagpo tayo ng bagong 'mabait' na costumer tulad ng Tito Martin mo noon." sabi na lang ni Erika at kinabig at niyakap ang anak ng mahigpit.
"Tears of joy and sorrow, ito anak. Tears of Joy dahil may napipilit ako kahit basang basa ko sa mukha niya na diring diri siya sa akin. Tear of sorrow anak dahil muli na naman tayong susugal para sa ikagagaling mo" bulong ni Erika saka ipinikit na rin ang mga mata.
Bahala na ang kapalarang haharapin nila sa bagong bukas nilang mag ina. Alam na ni Erika ang nais mangyari ni Tyler. Alam niyang ganito siya ituturing ng lalaki. katulad ni martin, balak din nitong ituring siyang isa lamang take out na puta na anumang oras na tigasan ito ay naka reserve lang siya. Sino nga ba siya, ni ang ilapag marahil sa mamahalin nitong kama ay hindi siya karapat dapat.
Katok at boses sa labas ng pinto ang nagpagising kay Erika, sa unang pagkakataon nakatulog sila ng mahimbing ng kanyang anak. Iba siguro talaga ang nagagawa ng malambot na kama at malamig na silid.
"Ms. Erika, gising na daw po kayo at ready na ang inyong breakfast. Hinihintay na po kayo ni Senyorito Tyler." sabi ng boses ng tila dalagita sa labas ng pinto. Mukhang taga ilo-ilo ito base sa malambot at mabagal nitong pagsasalita.
"Ah, sige lalabas na, salamat." Pasigaw na sagot ni Erika na agad ginising ang himbing na himbing pang si Dos.
Tumayo na si Erika at kinalkal ang bag na dala at naghagilap ng pangbahay na maisusuot at hinagilap ang dalang toothbrish at sabon na panghilamos. Mabilis na pumasok ng banyo si Erika pero nagulat siyang mabilis na sumulpot si Dos at nakipag unahan sa cr.
"Sorry mommy, ihing-ihi na po ako. Ang lamig po kase parang sa mall." sabi ni Dos.
"Dumeretso ka na ng hilamos anak ha, at hinihintay na daw tayo ni Sir Tyler sa lamesa para mag almusal. Nakakahiya kung magutom yun kakahintay sa atin diba? Behave ka please, huwag masyadong madaldal ha." bilin ni Erika at gumawi na lamang sa lababo at doon nag toothbrush.
Sinabihan niya rin na magbihis ng maayos na pang bahay si Dos saka siya naman ang pumasok sa cr.
Paglabas ni Erika ay wala na sa silid ang anak. Nakita niyang bukas ang pinto, kaya alam niyang nauna na itong lumabas. Mahaba ang buhok ni Erika at medyo nagaala LION KING kapag bagong gising kaya hindi siya lumalabas ng bahay sa umaga ng hindi nakapagsuklay.
Paupo na siya sa tokador na may salamin ng mapansin niya ang malaking larawan na malapit sa isang kabinet na puno ng mga sapatos. Pamilyar sa kanya ang mukhang iyon, parang nakita na niya. Sa pagtitig ni Erika sa larawang naka frame na nakasabit sa ding-ding ay parang may kung anong ulap na dumaan sa mga mata ni Erika pagkatapos ay nahilo siya at parang sumakit ang kanyang ulo. Ipinikit-pikit niya ang mga mata dahil baka puyat lamang pero muling sumakit ang ulo ni Erika.
Nang mapatingin sa side table at makita ang larawan ulit ng lalaki and this time may katabi itong babae. Tumindi ang sakit ng ulo ni Erika sa pagtitig sa mukha ng lalaking pakiramdam niya ay nakita na niya talaga. Sandali munang naupo si Erika sa kama dahil nahihilo talaga siya. Saktong pagupo niya ay parang may mga kuryenteng nagsayawan sa loob ng utak niya kaya napahawak si Erika sa ulo.
"Erika!? What's wrong? May masakit ba sayo?" Nag aalalang sabi ni Tyler mula sa pinto.
Nang umangat ang ulo ni Erika ay nakita ni Tyler ang matinding kunot ng noon ni Erika at ang pagbutil butil ng pawis samantalang aircon ang silid. Nagtaka siya ng halos sampong minuto na ay hindi pa ito lumalabas samantalang sabi ni Dos ay kasunod na niya ang mommy niya at nagsusuklay lang daw. Bruha daw kase ang mommy nito sa umaga kuwento pa ng bata. Sinubukan nilang maghintay pero gaano ba kagulo ang buhok nito para abutin na ng mahigit sampong minuto. Kaya hindi na siya nakatiis si Dos.
ito sana ang tatawag sa ina, pero si Tyler na ang nag volunter. Enyoy na kasing kumakain ang bata ng hotdog at loaf bread. Dinalawang hakbang lamang ni Tyler ang pagitan ng pinto at ng kama kung saan nakaupo si Erika dahil sa labis na pagaalala sa nakitang tagpo.
"Hey, are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo? Do you want to see a doctor? Totoo ang pagaalalang iyon ni Tyler. Bigla talagang parang nagrambulan ang mga daga sa dibdib niya pagkakita sa nakakunot na noo ni Erika na tila nahihirapan.
"Huwag na, Sir Tyler okay naman ako nahilo lang ako siguro dahil sa puyat"
Bigla siyang hinatak ni Tyler patayo sa kama. Madiin ang hawak nito sa magkabilang balikat niya.
"When was the last time you had s3x, huh? Buntis ka ba? Bakit hindi ka ba gumagamit ng proteksiyon?" Parang pasinghal na ang tono ni Tyler. Ayaw isipin ni Erika na nagagalit ito dahil bakit naman?Umiling-iling si Erika.
"Anong ibig sabihin ng iling na yan? Hah? When was the last time you sold yourself, hah?" Tanong ulit ni Tyler.
Pero hindi sinagot ni Erika ang tanong. Bagkos ay inakay ang lalaki palabas ng silid.
"Hindi ako buntis kung yan ang iniisip mo, kaya safe pa rin akong angkinin" sabi ni Erika.
Magsasalita sana si Tyler at ide-deny ang iniisip ni Erika ng tawagin na sila ni Dos.
"Mommy upo ka na, tingnan mo oh ang laki ng hotdog ni Tito Tyler, di tulad sa tindahan ni Aling Norma sing leet ng daliri mo." sabi ni Dos.
"Psst Dos anak, nagusap na tayo diba? Sir..Sir dapat, okay" sabi ni Erika pero nakangiti naman sa anak. Umupo na rin siya sa silyang hinila ni Tyler at katabi iyon ng lalaki habang nasa harapan niya si Dos.
"It's fine, Erika. Ako ang nagsabi sa kanya na tawagin na lang akong Tito Tyler. Mas gusto ko naman yun kesa sa Sir o kaya mamang costumer." sabi ni Tyler na sinulyapan si Dos.
Dinampot ni Tyler ang isang hotdog at inilagay sa plato ni Erika. Nilagyan rin ng scramble egg saka dalawang patong na loaf bread. Pagkatapos ay kumuha ito ng saging at ipinagbalat na si Erika.
Dadamputin sana ni Erika ang tasa ng maunahan siya ulit ni Tyler. Eto na rin ang nagsalin ng kape sa tasa niya.