Nang tuluyan akong makalabas ng clinic ay nakasalubong ko naman si Ate Yuri. Ngayon pa lang siya paparating kaya sinabi ko sa kanya na naroon sa loob ng clinic niya ang new professor at masama ang pakiramdam. Hindi ko na tinukoy ang mismong name niya dahil baka hindi pa rin kilala ni Ate Yuri.
"Ganun ba. Si Prof Levi ba?" Wika pa nito.
"Yes, Ate Yuri." Sagot ko naman. Kilala naman pala niya akala ko ay hindi. Sabagay, napag-meeting-an na siguro nila ang tungkol sa new professor.
"E ikaw? Bakit umalis ka?" Nagtatakang tanong pa niya sa akin. Alam kasi ni Ate Yuri na madalas akong puyat kaya pinapayagan niya ako palaging matulog sa clinic.
"Ahmm... nakakahiya po kasi kay Professor Levi kung ako ang hihiga dun sa bed dahil siya ang may sakit." Sabi ko na ikinatawa ni Ate Yuri.
"Ganun ba. Oh, sige. I-check ko muna siya. Pero pwede ka naman bumalik after ko siya ma-check."
"
"Huwag na po, Ate Yuri. Sa library na lang muna ako. Maaga pa naman kaya alam kong wala pang gaanong tao dun."
"Sige. Bawi ka na lang bukas, ha?" Pahabol na sabi pa niya sa akin.
Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob ng clinic.
Nang makita kong isinarado na niya ang pintuan ay naglakad na ako papuntang library at tama nga ang hula ko. Wala pang estudyante dito. Wala pa rin ang librarian kaya malaya akong naglatag ng karton sa pinakadulong bahagi nito. Ginawa ko pang unan ang bag ko at tuluyan na akong humiga. Nag-alarm naman muna ako sa phone ko bago ako tuluyang nakatulog.
-------
Ilang oras din ang nakalipas ng magising ako sa eksaktong pag-alarm ng phone ko. May mga ilang estudyante na rin pero dahil library ito ay bawal silang mag-ingay kaya napasarap pa rin ang tulog ko. Napakatulongges ko diba?
Bumangon ako at nagmuni-muni muna. Antok pa rin ako pero kailangan ko na talagang bumangon. Naghihikab ako habang nag-uunat ng aking kamay ng lumapit sa akin si Jarred. Kakilala ko siya mula sa kabilang section. Isang beses ko lang siyang nakasabay sa canteen noon at kada makikita niya ako ay palagi na niya akong inaayang kumain.
"Bakit dito ka natulog?" Tanong pa niya sa akin.
"Dito na kasi ako inabot ng antok ko kanina."
Tumayo ako at niligpit ko ang karton saka ko inilagay kung saan ko ito kinuha kanina.
"May klase ka ba? Gusto mo bang sumama sa akin sa canteen?"
"Meron eh. 3 subjects pa need kong attend-an. Mamaya na lang sigurong lunch."
"Okay. Hintayin kita dito sa library."
"Bakit dito pa? Dun na lang sa canteen."
"Pwede rin pero make sure na sisiputin mo ako, ha? Baka kagaya nung nakaraan na namuti na lang ang mga mata ko kakahintay sa'yo." Natawa naman ako dahil naalala pa niya talaga yun.
"Hindi, ah! Promise! Sisipot ako. Isa pa, need ko rin naman kumain."
"Good. I'll wait you there."
Nauna na akong lumabas sa kanya ng library at dahil nakatingin ako kay Jarred ay hindi ko napansin na may tao pala sa unahan ko! At nabangga ko pa!
"S-sorry po!" Sabi ko agad sabay yuko kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang nabunggo ko.
"I think your attention was too much on the conversation, so even though I was right in front of you, you still didn't see me, Miss Ferrer?" Biglang nanlaki ang mga mata ko ng mapagsino ko ang nabunggo ko. Dahan-dahan pa akong tumayo ng tuwid at nakita ko nga siyang titig na titig sa akin.
"S-sorry po talaga, Prof. Levi." Biglang namang lumapit si Jarred sa akin.
"Yanna? Okay ka lang ba?" Sabi pa nito sa gilid ko sabay check pa ng mukha ko. Hinawakan pa talaga niya ako sa baba ko kaya napatitig ako sa rito.
"O-okay lang ako, Jarred. S-salamat." Naiilang na sambit ko. Lumayo ako sa kanya ng bahagya kaya napadistansya na ako sa kanilang dalawa.
"Next time, you'd better be aware of what you're getting into, Miss Ferrer. I'll go..." said Prof. Levi.
"O-opo! Sorry po ulit!" Hinging paumanhin ko na naman at nakakatatlo na yata ako.
Nilampasan na niya ako. Napakunot nga ang noo ko ng lumabas siya ng library. Akala ko kasi ay papasok siya kanina kaya nabunggo ko siya dahil papalabas naman ang daan ko.
"Kilala mo?" Ani Jarred sa akin.
"Oo, new professor namin sa english. Kaya nga nahihiya ako dahil nabunggo ko ang prof ko."
"Sus! Okay lang yun. Hindi mo naman sinasadya. Huwag kang matakot. Akong bahala sa'yo."
"Tss! You're really full of yourself, huh." Natatawang saad ko pa sa kanya.
"Dahil malakas ka sa akin, Yanna." Aniya sabay kindat pa kaya naman iniwan ko na siya at naglakad na ako.
"Mamaya ha? Hintayin kita!"
"Oo na!" Pasigaw na yun dahil para magkarinigan pa kami.
After my first class with Prof. Delton ay lumipat ako ng pwesto ng upuan. Mahilig talaga akong pumwesto sa unahan pero dahil si Prof. Levi na ay parang mas gusto kong dito na muna sa likuran. Nasa pinakang dulo na ako katabi ng bintana kaya nakikita ko ang mga nagbabasketball sa malawak na court.
"Okay, Goodmorning, Class." Rinig ko ng boses ni Prof. Levi.
"Goodmorning din po..." balik na bati ng mga kaklase ko. Ako lang yata ang hindi bumuka ang bibig at nagpanggap akong kinukuha ko ang notebook sa loog ng bag ko.
"Arianna Ferrer."
"Present sir!" Bigla ay sagot ko sabay taas pa ng kamay ko. Nagtawanan naman agad ang mga kaklase ko.
"Arriana Ferrer. I am not asking if you are here or not. What I'm asking is why are you in the back and lined up with the boys?"
Medyo napahiya naman ako ng konti.
"And you're not even listening to me? Are you out of this world?" Masungit na saad niya. Hay... agang-aga ako agad ang nakita niya. Dahil ba sa nabunggo ko siya kanina? Nag-sorry naman ako, ah?
"Dito na lang po muna ako, Sir. Mas kumportable po kasi ako dito--"
"No. Go back to your own seat. Here in the front where I first saw you sitting." Wika pa niya habang nakaturo sa bakanteng upuan sa unahan.
"Okay, Sir." Sabi ko na lang dahil wala rin naman akong magagawa. Walang ganang kinuha ko ang bag ko pero hindi ko ipinahalata.
"Tss! May paglipat pa kasi. Masyadong papansin." Rinig kong sabi pa ni Fiona. Isa pa ito sa dahilan kaya umalis ako rito sa pwesto ko ay dahil hindi ko na rin gusto kung sino ang katabi ko.
"Okay, let's start!" Ani Prof.
Nagsimula na nga siya sa pagtuturo sa unahan. Nakikinig naman ako at hindi ko pinaaapektuhan ang pag-aaral ko. Konting tiis na lang sa lahat ay alam kong makakapagtapos rin naman ako ng pag-aaral ko. Isinusulat ko ang mga importanteng sinasabi ni Sir Levi ng biglang tabigin ni Fiona ang kamay ko. Nahulog ang ballpen ko sa sahig kaya naagaw ko na naman ang atensyon ni Sir Levi.
"Is there any problem, Arianna?"
"N-no, Sir."
"Okay, let's proceed!" Pagpapatuloy niya. Ako naman ay yumuko at kinuha ko ang ballpen ko. Ngunit pagtunghay ko ulit ay nakita kong napatingin sa akin si Sir Levi, hindi sa mukha ko kundi sa tapat ng dibdib ko. Nakita ko pang naggalawan ang adams apple niya ngunit hindi siya nagpahalata sa iba. Tumalikod agad siya at biglang nagsulat sa white board.
"Okay. Copy this! Pag-aralan nyong mabuti dahil may quiz tayo bukas."
Bigla namang nag-ingay ang mga kaklase ko ng makarinig ng quiz.
"What's the matter? Ayaw nyo ng quiz?" Pilosopo pang tanong ni Sir Levi.
Wala namang sumagot at tumigil na rin sila sa pag-iingay. Ako naman ay itinuon na lang sa notebook ko ang atensyon. Kapag nakatalikod si Sir Levi ay tumitingin ako sa whiteboard, at kapag haharap siya sa amin para i-check kami ay sa notebook ko naman inililipat ang tingin ko.
Nagpatuloy siya sa pagpapakopya. Ako naman ay kinopya ko lahat. Maya-maya pa ay natapos na rin ang oras ng subject niya. Nagpaalam na siya sa amin at tuluyan ng umalis. Pakiramdam ko tuloy ay palagi akong kinakabahan kapag nariyan ang presensiya niya.
After my third class ay dumaan muna ako sa locker upang ilagay ulit ang lahat ng mga gamit ko. Hindi ko dala ang uniform ko ngayon dahil iniwan ko na doon sa dressing room sa bar. Doon naman talaga yun. Nilabhan ko lang ang isusuot ko kaya ko iniuwi.
Nang lumabas ako ay wala akong dala kundi ang cellphone ko. Busy ako sa pagcheck kung may message ba ako pero heto at muntikan na naman akong may mabunggo. Mabuti na lang at medyo aware ako.
"You're really into something, Miss Ferrer. Talaga bang hindi mo ako nakikita everytime na makakasalubong mo ako? Am I invisible to you?" Si Sir Levi na naman. Nais ko rin sanang tanungin sa kanya kung bakit sa laki naman ng daanan ay laging nakakasalubong ko siya. Pero syempre, itikom na lang ang bibig, besh!
"I'm sorry, Sir. Kakagaling ko lang kasi sa locker..." hinging paumanhin ko na naman.
"No. This time, I won't forgive you, Arianna..." aniya at hinila ako sa kamay palayo sa locker!