Chapter 4

1735 Words
Nagpanggap akong hindi ko siya kilala at ngayon lang kami nagkita. Habang sumasayaw nga ako ay titig na titig siya sa mga mata ko. Pole dancing mix with sexy dancing. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Sa mata, sa labi, at sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit siya naririto at kung bakit ako pa ang napili sa vip room na ito. Sana lang ay hindi niya ako makilala. For sure naman ay hindi dahil ang layo ng hitsura ko ngayon kumpara sa Yanna na pumapasok sa school. "Do you know any other kind of dance?" Bigla ay tanong niya sa akin. "Of course, Sir." "How about hmm... you come her beside me and dance with me?" Patanong pa iyon. Ewan ko ba... dapat ay tatanggi ako pero hindi ko magawa. "O-okay po, Sir..." Naiilang na sambit ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ang lakad ko ay mabagal lang ngunit kahali-halina sa paningin niya. At first ay magkaharapan kami with sexy dance music naman. Hanggang sa pinatalikod niya ako habang nakapulupot ang braso niya sa bewang ko. I never imagined this. Ang makasayaw ng ganito kalaswa ang professor kong strikto sa eskwelahan. "How many men have you danced in this kind of music?" "I-ikaw pa lang, Sir. Kalimutan after pole dance ay umaalis na kami dahil hindi na sila nagrerequest pa. After pole dance ay ibang babae naman ang kukunin nila." "Oh? Really... so, swerte pala ako dahil ako ang una mo... What's your name again?" Tanong pa niya. Huminto naman ako sa pagsayaw dahil kinabahan ako. Sinabi kaya sa kanya ng manager namin ang tunay naming pangalan? Pero bawal naman yun. "I'm A-Ana, Sir." Pagsisinungaling ko dahil alam kong makikilala niya ako kapag totoong pangalan ang sinabi ko. "Oh... Ana, ha..." aniya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Can you drink with me?" Umiling ako. "No, Sir." Sagot ko. Hindi naman kasi talaga ako pwedeng uminom dahil may klase pa ako bukas. This is just a work for me. Priority ko pa rin ang pag-aaral ko. "But why?" Hinawakan niya ako sa kamay ko at hinila ako paupo sa tabi niya. Palagi talaga niya akong tinititigan lalo na ang labi at mata ko na para bang kinililala niya ako. "May problema ba?" Tanong ko pa nung mas ilapit niya ang mukha niya sa akin. "Can I remove your the mask on your face?" "N-no, Sir. I'm sorry. Pero bawal pong alisin yan." "O-okay. I just want to see your face..." Ngumiti naman ako sa kanya ng bahagya. "I'm sorry talaga sir pero hindi talaga pwede. Pero pwede kang kumuha ng ibang babae. Yung alam nyo na. Yung pwedeng--" "No. I don't want them. I just want you here accompany me. Don't worry. Nagpalipas lang ako ng gabi. Maya-maya ay pauwi na rin ako." "Uhm, okay." Napatingin naman ako sa pangbisig kong relo ng umilaw ito. Meaning ay tapos na ang 30 minutes na serbisyo namin as mask dancer. "By the way, Sir. Tapos na ang oras ko dito. Maiwan ko na kita--" "No. Hindi ka aalis. Just stay here a little bit longer, please? Hanggang makauwi lang ako." Pakiusap pa niya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. "But I really need to go, Sir. Bawal po namin i-violate ang rules dito. Maybe we can see each other some other time?" At kung pwede rin ay huwag na ulit siyang pupunta dito dahil kapag nakilala niya ako ay katapusan ko na. Narinig ko naman ang kanyang buntong hininga. "Is the capacity of your dancing and entertaining the guest really only up to thirty minutes? What if I add one more hour?" Hinarap ko naman siya ng maayos at ngumiti ako ng bahagya. Hindi ako nambabastos ng guest dahil pwede ko naman yun i-explain sa kanina. "Let's do that some other time and it's triple the price, Sir Levi." Batid kong napakunot siya ng noo! Kinabahan naman ako dahil nabigkas ko ang pangalan niya. "Wait! How did you know my name?" Nagtatakang tanong niya na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Hindi na ako nagsalita pa. Tuluyan ko ng hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at yumukod pa ako sa kanya bago ako tuluyang lumabas sa vip room na iyon. Nakalimutan kong hindi nga pala niya sinabi sa akin ang pangalan niya kaya mas lalo akong nagmadali na makaalis! "Oh? Bakit nagmamadali ka yata?" Ani Paula pagkarating ko ng dressing room dahil muntikan ko na siyang mabunggo. "H-ha? Wala. May ini-assign ulit kasi sa akin kaya need ko pa makapag-retouch ulit." "Hay naku! Kung pumapayag ka na lang bang magpa-table at magpatake out e di mayaman ka na? Alam mo bang hindi basta - basta ang nagiging costumer natin dito?" Ayan na naman siya sa palagi niyang sinasabi sa akin. Alam ko naman iyon noon pa pero sapat pa naman ang kinikita ko para sa amin ni nanay. Isa pa, ayokong pagsawaan ako ng kung sinu-sinong lalake para lang sa pera. Oo, malaki sa malaki ang kita pero parang hindi ko kayang sikmurain ang bagay na yun. "Okay lang ako, Paula. Huwag mo akong alalahanin. Isa pa, marami naman akong energy para sa pagsasayaw ko." "Ewan ko sa'yo, Arianna. Pero nasa sa'yo naman yan kung ayaw mo talagang yumaman!" Hindi na pang ako nakipagtalo pa sa kanya dahil magkaiba naman kami ng pananaw sa buhay. Nakailang costumer pa ako ng sinayawan at ng sumapit na nga ang bandang alas tres ay nagpasya na akong umuwi. Nagpaalam na ako sa manager namin at ang idinahilan ko nga ay ang maagang pasok ko sa eskwelahan. Bago ako umuwi ay naghilamos muna ako at nagtanggal ng make up ko. Hindi kasi pwedeng makita ni nanay na sobrang kapal ng make up dahil magtataka na yun. Pagkarating ko nga sa bahay ay mahimbing na ang tulog ni nanay. Nakaramdam naman ako bigla ng gutom kaya tiningnan ko kung ano ang pwede kong kainin sa kusina. Nakita ko naman na may nakatakip pang pagkain kaya tiningnan ko ito. Pritong isda pala. Kumuha na ako ng plato at kumain ako ng kaunti lang. Gusto ko lang maibsan ang gutom ko dahil mahihirapan din naman akong matulog kapag gutom ako. Umupo na ako sa lamesa with matching taas pa ng paa. Nakakamay rin ako dahil mas feel ko ang kumain kapag nakakamay ako lalo na kapag pritong isda ang ulam tas may sawsawang toyo, sili at kalamansi. Dalawang isda ang nakain ko. Nakadalawang sandok din ako ng plato at huminto na ako. Nagtira ako ng tatlong isda dahil alam kong isa-sarciado pa yun ni nanay mamaya. Nagpababa lang ako saglit ng kinain ko at maya-maya ay nagtoothbrush na ako. Hindi ko namalayan na mag-aalas kwatro na pala. Pero di bale, may tatlong oras pa naman akong itutulog kaya humiga na ako sa tabi ni nanay at niyakap ko siya. Halos ilang segundo pa lang ang nakakaraan ay hindi ko na namalayan na nakatulog na agad ako. Kagaya ng dating routine ko. Naligo ako at nagbihis ng school uniform. Wala na si nanay paggising ko pero tama talaga ang hula ko dahil naka-sarciado nga ang isda. May dalawang nakatakip doon siguro ay kinain niya ang isa at ang dalawa pa ay itinira niya sa akin. Pero hindi ko naman na yun kakainin para may ulam siya mamaya pag-uwi niya at bago nga ako umalis ay nag-iwan muna ako ng pera sa tukador niya. Pagkarating ko sa school ay dating gawi. Dumiretso ulit ako sa clinic at nahiga sa isa sa mga kama. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako makatulog gayong kulang pa naman ang tulog ko. Hindi na kasi nawala sa isip ko ang pagpunta ni Sir Levi sa club. Tapos nabanggit ko pa ang pangalan niya kagabi kaya kahit hindi naman niya ako nakilala ay nahihiya akong magpakita sa kanya. Kung pwede nga lang i-skip ang subject ay ginawa ko na. Kaso major subject ko siya kaya hindi pwede. Pinipilit kong matulog kaya naman ipinikit ko na ng tuluyan ang mga mata ko. Inayos ko pa ang palda ko at tumagilid ako ng pwesto ko. May takip naman na kurtina kaya kahit na may pumasok ay hindi nila ako makikita. Mamaya pa naman ang dating ni Ate Yuri kaya alam kong ako lang mag-isa ang naririto. Kumuha ako unan na may pundang kulay puti at ginawa kong dantayan ngunit nagulat ako at napabangon ng may biglang nagsalita! "Why are you so sleepy? Looks like you stayed up late last night, huh?" "Ahh--Ehh--B-bakit ka po naririto, Sir Levi?" Nauutal na sabi ko. Medyo inayos ko pa ang palda kong umangat na kaya napatingin siya roon. "This a school clinic? Bawal ba ako rito?" Nanlaki ang mga mata ko sa naging tanong niya. Hindi naman kasi yun ang ibig kong sabihin. "Uhm, What I mean po is... may sakit po ba kayo? Masama po ba ang pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tanong ko para makaiwas sa naging tanong niya kanina. "Yeah... I'm a bit sleepy too. Mamaya pa ang klase ko. Gusto ko rin sanang humiga?" Nataranta ako dahil ako ang nakapwesto sa higaan. "Ah! Dito po kayo mahiga sa pwesto ko. Okay lang naman po ako. Sige po. Aalis na po ako--" lalampasan ko ka sana siya ngunit natigilan ako ng hawakan niya ako sa braso at titigan ang mga mata ko. "B-bakit po, Sir Levi?" Kinakabahang saad ko dahil tila ba kinikilala na naman niya ako. "You look really familiar to me. Specially your eyes. Nagkita ba tayo kagabi?" Nanlaki ang mga mata ko! "P-po? Naku, malabo po yun. Hindi po ako gumigimik at lalong hindi ako nagpupuyat. Tulog na tulog po ako kagabi." Kinakabahang saad ko pa rin. Ngunit iniharap niya ako ng tuluyan sa kanya at nagulat ako ng amuyin niya ang leeg ko! "This perfume--" "Ahh-sige, Sir! A-aalis na po ako!" Inagaw ko ang braso ko sa kanya. Patalikod na ako ng muli niya akong tawagin. "Wait!" Aniya kaya napahinto ako ng paghakbang. "I know it's you. Why are you hiding from me?" Bigla ay sabi niya. Napapikit naman ako at hindi ko malaman ang gagawin ko. "T-teka lang po, Sir. Ano po bang sinasabi nyo? Baka po nagkakamali lang kayo. Sino po ba ang tinutukoy nyo?" "S-si Ana... But, yeah. Maybe magkaiba nga kayo. Ibang-iba..." wika pa niya na tila na-realize na malayo talaga ako sa iniisip niya. At dun pa lang ako nakahinga ng maluwag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD