Tinupad ni Levi na mamasyal kami ng araw na yun kaya naman tuwang-tuwa si Sab. Ini-enjoy talaga nila ang pamamasyal sa Manila Zoo at kumain na rin kami sa isang mamahaling restaurant. Isang selebrasyon din daw ang araw na yun dahil natupad na daw ang hiling niyang masundan ulit si Sab. "Mommy? Talaga po bang magkakaroon na ako ng kapatid?" Ngiting-ngiti na tanong ni Sab. "Yes, sweety," magiliw na sagot ko sabay kurot sa pisngi niyang super cute. "Uhmm... is it a girl or a boy po?" Tila ba excited na tanong niya. Hindi ko pa alam kung anong gender ni baby. Masyado pa siyang maliit para makita eh." Wika ko naman habang hinahaplos ang buhok niya. Pareho kasi kaming nakaupo sa sofa, nakaharap sa tv at nanunood. Maagang umalis si Levi kanina pero promise naman niya na sasamahan niya ako

