Hindi ko alam kung anong plano ni Levi pero may tiwala naman ako sa kanya. Kina nanay muna kami dumiretso ni Sab. Kasama ko ang iniwan na assisant ni Levi na si Tyron. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa niya akong iwanan ng alalay eh. "Nasaan pala si Levi? Bakit hindi nyo kasama?" Tanong ni nanay habang hinahayinan kami ng pagkain. "May inaasikaso lang po, nay, pero susunod din po siya dito. Plano po namin na dito na kami manirahan sa Puerto." Hindi ko alam kung bakit pero biglang napahinto si nanay sa paglalapag ng ulam dahil sa aking nabanggit. "Bago yata yan, ah. Kung gayon ay iiwan na niya kung ano ang meron sa maynila?" Ani nanay at ipinagpatuloy na ulit ang paghahain. "Parang ganun na nga po." Pagsang-ayon ko sa sinabi niya. Kahit naman ako ay nagtataka rin pero me

