Agad na inagaw ni Tyron ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. I know na naiilang siya pero hindi ko intensyon na maramdaman niya yun. "P-pasensya ka na, Miss Arianna, pero hindi ko alam ang nais mong iparating. Isa pa, wala naman akong itinatago sa'yo at hindi ko rin magagawang pagsinungalingan ka," mahabang sabi niya. Inilagay pa ang kamay niya sa likuran niya. "Hindi ko naman sinabing nagsisinungaling ka. Ang gusto ko lang sabihin ay sana sabihin mo sa akin ang lahat ng gusto mong sabihin, gusto kong ipagtapat mo kung ano ba talaga ang ginagawa ni Levi, at kung bakit matatagalan pa bago siya makasunod." "Wala po talaga akong alam dahil ang ibinigay lang niyang trabaho sa akin ay bantayan ka, kayo ni Sab." Napahinga na lang ako ng malalim dahil alam kong wala akong mapipiga sa ka

