"Oh, anak? Bakit tulala ka dyan? May problema ka ba?" Nagsasalita na pala si Nanay sa harapan ko pero tila ba blanko ang isip at paningin ko. Nakatingin lang ako sa kawalan habang malalim ang iniisip ko. "Arianna? Anak? Okay ka lang ba?" "Po?" "Aba? Hindi na maganda yan. May problema ka ba? Pwede mong sabihin sa akin yan..." Tuluyan ng lumapit sa akin si nanay at tinabihan ako sa inuupuan kong mahabang upuan na gawa sa kawayan. "Wala lang ito, Nay. Sa school lang po ito. Malapit na rin po kasi ang sembreak, medyo na-eexcite lang po ako sa darating na graduation." "Hmm? Sigurado ka bang yan ang iniisip mo? Bakit parang hindi naman. Inlove ka na ba? O nagka-boyfriend ka na?" Biro pa sa akin ni nanay. "Wala pa po, nanay. At tsaka hindi pa ako na-iinlove." "Naku, anak. Ganyan

