"Are you really my daddy po?" Rinig ko ng tanong ni Sab. Lumapit pa talaga siya kay Levi. Hinawakan niya ang mukha nito gamit ang dalawang kamay at pinakatitigan ang daddy niya. "Uhm, Sab--" tatawagin ko sana si Sab para palapitin sa akin ngunit bigla akong tinawag ni nanay. "Anak? Arianna? Pwede ba kitang makausap?" Sa sinabi ni nanay ay nakaramdam na naman ako ng kaba. Alam ko kasi na galit siya kay Levi kaya naman sobrang lakas na agad ng kabog ng dibdib ko. "Opo naman, nay..." "Halika... doon tayo..." Inaya niya ako palabas ng bahay. Dinala niya ako upuan malapit sa garden sa may likod bahay. Tila ba ayaw niyang iparinig sa iba ang pag-uusapan naming dalawa. "Maupo ka, anak..." kalmadong saad ni nanay, iba sa ini-imagine ko kanina na pagagalitan niya ako dahil narito na n

