"What are you doing here again, Carla? I thought you're leaving here for good?" Malamig na tanong ni Levi. Humawak pa siya sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa kanya. Hindi naman agad nakasagot si Carla at napatingin pa sa ginawa ni Levi sa akin. "Ako ang nagpabalik sa kanya. May problema ba, Levi? She's your fiance anyway. So what's the problem kung dito siya tumira?" At sabay kaming napalingon ni Levi sa nagsalita. "Mom?" Ani Levi habang nakakunot ang noo. Natigilan ako ng makita ko siya. Hindi ako nagkamali sa hinala ko nung una kong narinig ang boses niya. Siya lang naman ang dahilan ng paghihiwalay ng nanay at tatay ko. Siya ang naglakas-loob na sirain ang pamilya namin. Ngunit ang hindi ko inaakala ay siya pa pala ang mommy ni Levi. Mommy ng taong minamahal ko. "What? Hu

