"M-may problema ba sa manggang hilaw?" Nakakunot ang noong tanong ko. "Wala naman..." aniya. "Eh, bakit ngiting-ngiti ka diyan?" "Nothing. I was just thinking if you're pregnant?" "P-pregnant? No! I was on my period last---" at hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil last month pa yun before kami nagsama sa iisang bubong at halos araw-araw din na may nangyayari sa amin ni Levi. "When?" Tila ba excited pa na tanong niya ng hindi ako agad nakasagot. "L-last month pa yun..." nakangusong sambit ko. "Great! Let's go to the doctor today!" Tumayo na siya at nagbihis agad ng simpleng damit. Hindi ako makatayo. Hindi ako excited kagaya niya. Ito na nga ba ang hindi pumasok sa isip ko. Ang mabuntis ako dahil nag-aaral pa nga ako. Nang hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko a

