"Mommy? Pwede po bang puntahan natin si Daddy sa work niya?" Ani Sab na tila ba inip na inip dito sa bahay. Isang araw pa pa lang niyang hindi nakikita ang daddy niya pero heto siya at para bang na-miss niya agad. Maaga kasing umalis ang daddy niya kanina. Pagkagising ko nga ay may pagkain ng nakahain sa hapag-kainan. Nag-iwan pa siya ng notes na, "You made me exhausted last night but I am super happy and satisfied by what you did," nang dahil sa nabasa ko ay biglang namula ang pisngi ko ngunit agad ko rin na itinago ang notes dahil baka mabasa ito ni Sab. "Pwede naman kaso baka busy si daddy doon. Hayaan mo at tatawagan ko muna siya bago tayo pumunta doon." "Huwag mo po siyang tatawagan, pleaseee..." mahabang pakiusap na sambit niya. Napatawa naman ako at napaisip kung bakit. "Bak

