GULAT na gulat si Russel nang pagbukas niya ng pinto ng kwarto nila ni Vanessa ay nakita niya ito na nakaupo sa sahig sa tapat ng kanilang aparador. May hawak itong malaking piraso ng basag na salamin na nakatapat sa leeg nito. Sa paligid nito ay nagkalat ang basag na salamin. At ang isa pang nagpagimbal kau Russel ay ang hitsura ni Vanessa—may maliliit na piraso ng mga bubog na nakabaon sa mukha at braso nito! Naibagsak niya sa sahig ang hawag na supot kung saan nakalagay ang pagkain at gamot. “V-vanessa…” garalgal ang boses na tawag niya dito. Tigam sa luha ng nilingon siya ni Vanessa. “R-russel, hayaan mo na lang akong gawin ito. Ayoko na… Ayoko nang nahihirapan ka dahil sa akin. Mas mabuting mamatay na ako!” Nakita ni Russel ang dugong umaagos sa kamay ni Vanessa at dahil siguro iyon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


