NAGHILAMOS muna si Russel bago siya lumabas ng bahay upang bumili ng gamot para kay Vanessa. Nagpahatid siya sa isang tricycle driver sa pinakamalapit na drugstore. Tinanong niya sa pharmacist na naroon kung ano ba ang gamot sa sugat upang hindi masyadong maramdaman ang gamot. Binigyan naman siya ng angkop na gamot. Dumaan na rin siya sa isang fast food restaurant upang bumili ng pagkain. Ngayon lang niya naramdaman ang gutom. Hindi na nga pala siya nakapagtanghalian at hapunan. Muli siyang sumakay ng tricycle nang pauwi na siya. Habang sakay ng tricycle ay hindi napigilan ni Russel ang mga ginawa ni Vanessa sa sarili nito at hindi rin niya napigilan ang hindi mapaiyak. Nag-init ang gilid ng kanyang mga mata hanggang sa lumaglag na ang mga luha. Mahal na mahal niya si Vanessa kaya siya n

