AGAD na tumakbo si Russel palapit kay Vanessa at hinubad niya ang suot na damit at pinangbalot niya iyon sa duguang talampakan nito. Nangingimi siyang tingnan ang hitsura ng talampakan nito kaya tinakpan na lang niya iyon. Pinangko niya si Vanessa upang dalhin sa kwarto. Habang buhat niya ito ay panay ang pakiusap nito na huwag na niya itong ibalik sa ospital. Inihiga niya si Vanessa sa kama, wala na siyang pakialam kung malagyan ng dugo ang puting bedsheet. Nagmamadali na nagtungo siya sa banyo na kadugtong lang ng kanilang kwarto. Naroon kasi ang medicine cabinet. Kumuha siya ng alcohol, bulak at benda. Nilagyan na rin niya ng tubig ang maliit na palanggana na nasa banyo. Matapos iyon ay binalikan na niya si Vanessa. Mangiyak-ngiyak na si Russel sa kalunos-lunos na kalagayan ng babaeng

