CHAPTER 7

992 Words
“Ano ba naman itong pinag-oorder mo?” nakasimangot kong tanong ng makita ang napakaraming kahon sa tapat ng gate. Sinilip ko siya sa likuran ko na naglalakad papunta sa akin, walang suot na pang-itaas at naka-sweatpants na gray. Kaya hindi maiwasan na hindi… bumakat, nevermind. “If you say thank you, mas matutuwa pa ako.” Tinaasan ko siya ng kilay. “May sanib ka na naman ba? At bakit naman ako magpapasalamat?” Tinawag naman niya ang mga bodyguard ni Sir Kez at inutusan ang mga ito. Akala mo naman siya ang boss. Ang lakas talaga ng sanib. Napailing na lang ako at dahan-dahang naglakad papasok sa bahay. Umupo ako sa sofa habang hinahaplos-haplos ang tiyan ko. “Palaki na ng palaki ang baby ko ah,” malambing kong bulong habang nakangiti nang malaki. “Put it here.” Napaangat naman ako ng tingin nang makita ang lalaking walang pang-itaas habang tinuturo kung saan ipapalagay ang mga kahon na pinabili niya. At nang makuntento na siya sa kung ano ang pinalagay sa mga bodyguard, pinaalis niya na ang mga ito at naupo sa harap na sofa. “Which one you wanna open first?” “Bakit ako? Sayo yan ah.” Sumimangot naman siya. “I bought it for you. Choose, you can't bend since your baby is getting huge.” Bumuntong-hininga na lang ako at tinuro ang malaking kahon. Agad naman niyang binuksan ito. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kung ano ang laman ng kahon na iyon. “Bakit mo ako inorderan ng ganyan?” Tumawa naman siya na parang ang saya-saya niya. “Well, your baby is going to come into this world, so, yeah?” Hindi ko alam pero parang naiiyak ako. Parte ba ito ng pagbubuntis? Masyadong madrama? Tumutulo ang aking mga luha kaya agad ko naman itong pinunasan. Ewan ko ba pero parang ang gaan-gaan sa dibdib ko. Sobrang na-touch ako sa ginawa ng lalaking ito. Kahit minsan napakasiraulo niya. “Salamat,” madamdaming sabi habang pinagmamasdan ang di pa naaayos na crib. “It’s plain for now, you can decorate it if the baby comes out.” "Wag mo munang ikabit, kapag malapit na siyang lumabas.” Napatango-tango naman siya sa sinabi ko at tinabi muna niya ang crib. “Anak, meron na akong mapaglalagyan sa'yo.” “Nag-abala ka pa. Natanggal ka na nga sa trabaho, gumastos ka pa.” “Nah, don’t worry about it. Money is easy.” Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. “Anong 'money is easy'? Magsabi ka nga. Akala ko ba dito ka na rin nagtatrabaho kay Sir Kez. Pero bakit parang negatibo naman ang sinasabi mong 'easy money'?” Wag naman sana galing sa illegal ang pinangbili sa crib ng anak ko. Dibale nalang sa sahig matulog ang anak ko kesa sa ganyan. “I’m a hard-working man, preggy.” Nakangisi niyang sabi. Dahan-dahan naman akong tumayo. Nakaramdam ng antok. Palibhasa kasi hapon na at busog na rin. “Where are you going? You're not finished opening the others.” Sabi niya na parang bata na iiwan sa cashier. “Mamaya. Magpapahinga muna ako. Inaatok.” Hindi ko na inantay ang sasabihin niya at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Pagka-lock, lumapit agad ako sa kama at nahiga ng dahan-dahan. Lalo na’t medyo bumibigat na rin si baby. Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng lamesa at tinignan ang mga message ng mga kapatid ko. Ang daily routine, ang pag-uupdate namin sa isa’t isa. Buti nalang at kahit papaano andun ang Lola ni Ekang na nakakasama nila pati na rin si Ekang. Palibhasa kasi malapit lang ang bahay nila sa amin at the same time, yung Lola ni Ekang ang nagbabantay ng tindahan ko doon. “Hind parin ako pinapansin ng gago mong ex.” Napasimangot ako sa chat ni Ekang. Halos ilang buwan na rin niyang kinukulit si Benedict, pero magaling daw talaga itong umiwas. Binaba ko ang cellphone sa gilid ng kama ko at pinunasan ang luha na di ko inaasahang tutulo. Kahit ilang buwan na pala ang nakalipas, masakit parin pala talaga. Halo-halo kasi e, pero ang lalaking minahal ko, tinaraydor ako para lang sa posisyon sa kumpanya. Dahil sa nangyari, punong-puno ng tanong ang buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari; daming tanong. Pakiramdam ko, sinira ni Benedict ang buhay na ilang taon nang maayos. Pero kahit ganun, kahit hindi ko man alam kung paano ako nabuntis, o ginago ni Benedict para iwan ang anak namin, para sa akin, may mga tao akong kinakapitan para lumaban. Hindi ko namalayang sa kakaiyak ko ng mahina, nakatulog na pala ako. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, nang may naririnig akong nagsasalita. Sino na naman ba ‘to? “Preggy, it's 6:58 PM. You need to eat.” Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang yuyugyog sa balikat ko. “Mamaya na,” bulong ko. “No, you need to eat. Let me feed you, come here, doggy.” Agad akong napadilat at dahan-dahan na naupo. Siraulo, sa dami ng pwedeng itawag, “doggy” pa talaga, at ginawa pa akong aso ng siraulo. “Gago ka na naman ba?” naiinis kong tanong. Bagong gising pa talaga. Tumawa naman siya. “I need to think how to wake you up. Anyway, I cooked sinigang. I heard you last night, you want to eat it.” Napatitig naman ako sa kanya. Hindi ko alam bakit naiiyak na naman ako. Bakit ba ang drama ko ngayong araw? “Bakit mo ba ‘to ginagawa?” bumulong ako, pero tinaasan lang niya ako ng kilay. As usual naman, syempre, may magbabago pa ba? “Your ex is a little boy for sure, let him be. Stop waiting.” Napangiti ako ng mapait. “Hinding-hindi naman maiiwasan. Ang tagal din naming nagkasama.” "And yet he didn’t ask you to marry him? If I were him, I’d marry you right away."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD