“You know what, we’re so bored here.” Umirap ako habang patuloy sa pagdidilig.
“Kung ikaw, oo. Ako hindi. Paalala ko sa’yo, buntis ako at hindi pwede sa mga kalokohan.”
“What if… what if we kiss again? See, we won’t get bored.”
Ang dami nanamang naiisip nito. Isang linggo na ang nakalipas, pero pakiramdam ko kabisado ko na ang ugali ng isang ito. Parang sanay na sanay na ako sa mga lumalabas sa bunganga niya. Katulad na lang ngayon.
“Halikan mo ang pader.”
“We're both single. And it might help you to forget your lil ex.”
Tinutok ko sa kanya ang hose kaya saglit siyang nabasa.
“Gising ka na?” Akala ko maiinis siya, pero bigla siyang tumayo at tinanggal ang white t-shirt niyang nabasa. Kaya halatang halata ang abs niya sa loob.
Pinatay niya ang gripo at lumapit sa akin bago hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya.
“I wanna taste those sexy lips again,” bulong niya.
Naiinis ako sa sarili ko ng makaramdam ng init sa katawan. Kalma, Kiara. Normal sa buntis ang ganito. Saktong yummy at gwapo pa ang nasa harap mo. Pero siguro kung hindi ako buntis, baka nasapak ko na ito.
“Come on, baby,” bulong niya at dinilaan ang likod ng tenga ko.
“Hindi ako malandi na babae, tandaan mo yan.” Ngumiti naman siya.
“I know, baby. Don’t think negatively, because… we’re meant to be?” nakangisi niyang sabi na hinampas ko ang mukha niya.
Marupok ba talaga ang buntis? Mygad. Baby naman, kalma ka lang diyan. Bakit parang mas kinikiliti ka pa kesa sakin?
Bumuntong hininga ako at tinitigan siya ng maayos.
“Kiss lang?”
Lumaki ang ngiti niya at dahan-dahan na tumango.
“Kiss lang ah. Hindi ako pwede sa s*x!” Natawa naman siya ng malakas at dahan-dahan akong hinalikan na magpapabaliw ng aking ulirat.
Agad niyang pinasok ang dila niya na ikinaungol ko. Kumapit agad ako sa leeg niya at sinabayan ang kanyang paghalik. Bumaba ang mga kamay niya mula bewang pababa sa pwetan ko at pinisil-pisil ito. Dahil doon, nakagat ko ang pang-ibaba niyang labi.
Hindi ko na namamalayan kung ilang minuto na kaming nakatayo sa garden at parang mga uhaw na uhaw na naghahalikan. Pati mga kamay namin ay hindi mapakali at kung saan-saan napupunta sa bawat paghaplos.
Habang tumatagal, parang mas lalong nagiging pamilyar ang lalim ng paghahalikan namin. Para akong gutom ng isang linggo na ngayon ay busog na busog na. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito... o hindi ako nakaramdam ng ganito kay Benedict.
Ang lalaking hindi ako ginagalaw dahil nirerespeto raw ako, pero yun pala, gagamitin lang pala ang virginity ko sa madilim na plano.
Napasabunot ako sa buhok niya ng kagatin ang dila ko, na para bang may ibang pangalan na binabanggit ang aking isipan.
“Nangangalay na ako,” sabi ko sa loob ng paghahalikan namin.
Dahan-dahan naman siyang tumigil at hiningal na kagaya kong tinitigan ako sa mga mata. Nakabuka ng maliit ang kanyang labi na mamula-mula.
“Sorry, I didn’t notice.”
Hinalikan niya ako ng may halong lambing bago inalalayan ako para makapasok sa loob ng bahay at dahan-dahang inupo sa sofa.
Bigla naman siyang naglakad papunta sa kusina. Kinapa ko ang malakas na t***k ng puso ko na ngayon ko lang napansin.
“Here, drink water.” Napakurap ako nang makita ang baso na nilahad niya sa akin. Tumango naman ako at dahan-dahan itong ininom. Pero kahit anong inom ko ng masarap na malamig na tubig, parang walang kapantay ang makakasagot ng uhaw sa mga halik ng lalaking ito.
Nararamdaman ko ang pagsipa ng anak ko sa tiyan na ikinagulat ko. Don’t tell me natutuwa siya? E hindi naman niya tatay ito.
“Salamat.” Hinalikan niya ako saglit sa labi bago bumalik sa kusina.
Feel ko at hindi lang talaga feel, mapapadalas ang paghalikan naming ng lalaking ito.
Napakagat na lang ako sa labi ko at hinaplos ang tiyan.
Rupok pa more, self.