“Pwede ba? Naglilinis ako dito, mamaya ka na sa kakahalik mo.” Inis kong siniko siya.
Dahil nag-text na kasi sa akin si Sir Kez na pabalik na siya. Kaya syempre, kailangan magmukhang malinis ang bahay na pinag-iwanan niya. Tapos itong lalaki naman na ito, simula nang pumayag ako, walang oras na hindi kami naghahalikan. Parang pakiramdam ko nga namamanhid na ang labi ko sa panggigigil niya. Ako naman, feel na feel ang init ng katawan.
Ewan ko ba, simula nang mapunta ako dito at dahil sa pagbubuntis ko, nagbabago nalang ako ng biglaan. Pero sinabihan ko ang lalaking ito na kapag andiyan na si Sir Kez, balik na ulit kami sa dati. Mahirap na, baka katulad sa pinagta-trabahuhan ko dati, ma-issue ako at matanggal. Hindi na pwede, lalo pa’t nasa college na ang kapatid kong si Maru, senior high school naman si Tania. Malaki-laking pera na ang kakailanganin nila.
“Come on,” bulong niya sa tenga ko mula sa likuran habang hinahalik-halikan ang leeg ko.
Jusko, eto na naman po tayo. Hinaplos-haplos naman niya ang tiyan ko na biglang nakaramdam ng sipa mula sa anak ko. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o nagagalit na hinahalikan ako ng hindi naman niya tatay.
Ibubuka ko sana ang bibig ko para sabihin na pabalik na si Sir Kez pero sinabihan ako ni Sir na huwag daw sabihin sa lalaking ito.
Nakagat ko ang labi ko nang maramdaman ang dila niya sa leeg ko. Buti nalang talaga, naligo na ako. Hindi na ako nagulat nang iharap niya ako sa kanya at dali-daling hinalikan na parang uhaw na uhaw. Hindi ko na rin napigilan at nagpaubaya sa masarap niyang paghalik. Napadiin ang paghawak ko sa balikat niya nang ipasok niya ang kanyang dila kaya’t lakas loob ko ring nilabanan ang dila ko. Nakaramdam ako ng pagkabasa nang bigla siyang umungol dahil sa ginawa ko.
Ungol palang niya, parang nakakabaliw na. Paano pa kaya kapag…no, thanks. Halikan lang ang usapan, Kiara.
Dahil sa sobrang tahimik ng bahay, ang tunog lang ng paghahalikan namin ang naririnig, na mas lalong ikinainit ng katawan ko. Lalo na pag sinisipsip niya ang dila ko na parang umiinom, na sinisiguradong ubos na ubos.
“Saglit.” Hinihingal na sabi ko. Tumigil siya sa paghalik sa labi ko, pero bumaba naman mula panga hanggang leeg.
“Sobrang dami mo bang oxygen sa katawan at di ka man lang hinihingal?”
Tumawa siya habang hinahalikan ang leeg ko kaya mas lalo kong ginilid para bigyan pa siya ng access.
“Sometimes I forget how to breathe while kissing you. It feels like you're my air.” Umirap ako sa hangin dahil sa kung ano-anong pinagsasabi niya.
“Nasty.” Nanggigigil na sabi niya at dinilaan ang labi ko.
“Tama na, kailangan ko pa maglinis.”
Nilagay niya ang kanang kamay sa bewang habang dinilaan ang kanyang labi.
“A preggy woman is so beautiful.”
“Ang lalaking nakahalik talaga, puro matamis ang nasasabi.”
“What? Do you think I’m lying?” nakasimangot na tanong niya habang nakaturo sa sarili. Eto nanaman sa mood swings.
“I’m just being honest, you know.” Nag-make face lang ako at nagpatuloy sa paglilinis.
Mahirap na, hindi ko alam kung saang parte na si Sir Kez; mamaya maabutan kaming naghaharutan.
“If your ex doesn’t say beautiful things, well, he has a bad mouth. I’m different from him.” Tumango-tango ako.
“Oo, siya gago, ikaw babaero.” Bulong ko na pakiramdam ko narinig niya kasi parang may usok na lumalabas sa butas ng kanyang ilong.
“What?! You... I’m not a babaero. If you knew the rumors—chismis about me, I’m snob.” Patuloy lang siya sa pagbuntot sa akin. At parang bata siyang nakikiusap na paniwalaan ng nanay na hindi sinulatan ang ref.
“Pwede ba, tigilan mo ang kakabuntot mo sa akin? Naiistress ako!” Napatigil naman siya sa ginagawa at tinignan ang tiyan ko.
“I’m sorry. I’m just clearing things up.” Nakasimangot na sabi niya habang malamig ang mga mata na nakatitig sa akin.
“That what? You’re a babaero?” sabay kaming napatigil ng marinig ang pamilyar na boses.
Sabay kaming luminga sa likuran ko at nanlalaking mata na nakatingin kay Sir Kez na malaki ang ngiti.
“You old man, why are you here already?”