CHAPTER 4

1055 Words
Limang buwan ang nakalipas. Masasabi kong mahirap ang mga panahong iyon, lalo na’t buntis ako at ang kasalukuyang trabaho ko ay hindi ganoon kalakihan ang sahod, hindi tulad ng dati kong trabaho. Dagdag pa rito, nag-aaral pa ang dalawa kong kapatid. Ngunit kahit mahirap, hindi ko sila hinayaan na magtrabaho. Gusto man nilang tumulong, hindi ko sila pinayagan. Sa halip, bumabawi sila sa pamamagitan ng mga gawain sa bahay. Marami akong napasukang trabaho, pero buti na lang at malakas-lakas ang kita ng tindahan ko. Patuloy itong binabantayan ni Lola ni Ekang, habang si Ekang naman ay walang sawang tumutulong sa amin. Hindi ko alam kung paano siya nagkakaroon ng malaking pera, pero sabi niya, "Tsaka ko na ikukuwento kapag sureballs na." Gaga talaga! Samantala, si Benedict ay hindi pa rin ako kinakausap. Naka-block ako sa lahat ng social media niya, hindi sinasagot ang mga tawag at text ko. Ilang buwan ko rin siyang iniyakan. Hindi ko inasahan ang kanyang pagtataksil. Ang lalaking minahal ko ng ilang taon, gaganituhin lang pala ako. Buti na lang at hindi na ako iniinis ng janitor na iyon. Ilang linggo ko rin siyang nakakasalubong noon, at palagi lang kaming nag-aaway. Kaya sobrang saya ko nang hindi ko na siya nakikita. Salamat naman, dahil kung hindi, palagi akong uuwi nang stress at inis dahil sa kung anu-anong ginagawa niya. Napahawak ako sa tiyan ko. Masakit man, pero hindi ko alam kung itinatanggi lang ba ni Benedict ang bata o kung ano pa man ang dahilan niya. “Wag ka nang magluto, may dala akong pagkain.” “Sige, salamat, Ekang,” sagot ko bago niya pinatay ang tawag. Dahan-dahan na sana akong uupo sa sofa nang biglang magsalita si Lola ni Ekang. “Anak, may naghahanap sa’yo.” Pagtingin ko sa likuran ni Lola, napakunot-noo ako. Isang lalaking nasa 60s ang edad, mukhang mayaman. Tinitigan ko siya nang mabuti… parang may kamukha siya. “Uhm, bakit po?” Nagpaalam si Lola at umalis. “Upo po kayo. Uhm, ano po gusto niyo? Tubig? Juice?” alok ko. Ngumiti siya at umiling. Naupo siya sa sofa sa tapat ko, kaya dahan-dahan akong naupo rin. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want to hire you.” Napakunot-noo ako. Hindi naman siguro ito scammer, ‘di ba? O baka nagpapanggap lang na naghahanap ng empleyado tapos sa huli, pag may nakuha nang pera, biglang mawawala? “Legit po ba ito? Sir, kung balak niyo po akong i-scam, wala po talaga kayong makukuha sa akin. Pakiusap, buntis po ako at may mga kapatid na pinapaaral. Mahalagang-mahalaga po sa amin kahit isang piso. Kaya kung ii-scam niyo lang po ako, mas mabuting umalis na lang po kayo.” Napatawa siya nang malakas. Napataas naman ang kilay ko sa ginawa niyang pagtawa. Ano naman kaya ang nakakatawa? “You’re funny. But trust me, I’m not a scammer. Honestly… dati rin akong nagtatrabaho sa kumpanyang pinasukan mo noon… and they treated me badly. Kaya naisipan kong umalis at magsumikap. I have some businesses, yes, but they are still small. That’s why I want to help you.” Tahimik lang akong nakatitig sa kanya. Mukhang hirap siyang sabihin ang mga ito na parang labas sa ilong ang peg. “Paano niyo naman po nalaman na pareho tayo ng kumpanyang pinasukan noon?” “Na-chismis sa akin ng mga dating katrabaho ko na nandoon pa rin hanggang ngayon.” Natigilan ako. So nagkalat talaga ang balita? “Alam kong nagdududa ka sa akin. Pero trust me, I know what your ex did to you. Dahil ikaw ang na-promote, hindi ba?” Napayuko ako. Masakit pa ring maalala ang pangyayaring iyon, kahit pilit ko na itong kinakalimutan. “I want you to be my maid. But don’t worry, hindi mabibigat ang mga trabahong ipapagawa ko sa’yo.” Pagkalipas ng dalawang linggo, nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa isang mamahaling sofa, pinagmamasdan ang napakagandang mansyon. “Good thing you agreed,” nakangiti niyang sabi matapos naming pag-usapan ang rules and regulations at matapos kong pirmahan ang kontrata. “Kailangan ko lang po talaga,” sagot ko tumungo habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. “Don’t worry, hindi naman magulo o makalat ang bahay na ito. Kailangan ko lang talaga ng tao kasi kadalasan, wala ako rito.” Tumango ako. Mas okay na rin ito—hindi mabigat ang trabaho at maayos ang sahod. “I’ll just take this call.” Pinagmasdan ko siyang papalayo. Napabuntong-hininga ako at hinaplos ang tiyan ko. Hindi kita pababayaan, anak. Kahit ginago tayo ng tatay mo. Lalaban tayo, lalaban ako para sainyo. Kinaya ko nga noon, ngayon pa kaya? Hayaan mo anak, ilang buwan nalang mayayakap mo na ang mama. Kayo ang lakas ko, sa paghihirap na binigay sakin ni Benedict sa buhay kong ito. “Where the f**k is that old man?” Napataas ako ng kilay nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Paglingon ko, sakto namang nakatayo siya roon. Pareho kaming natigilan, at ilang segundo kaming nakatingin sa isa’t isa na parehong nanlalaki ang mga mata. Anong ginagawa ng janitor na ‘to rito? Tiningnan ko ang suot niya—naka-uniporme ng janitor. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. Tinaas niya ang kilay at itinuro ang sarili niya, parang iniisip kung seryoso ba ako sa tanong ko. “Really? I should be the one asking you that. Why are you here?” sagot niya habang nakataas ang kilay. Napababa naman ang tingin niya sa tiyan ko. “Buntis…ka? Are you really pregnant?” gulat niyang tanong. Umirap na lang ako at umiwas sa usapan. “Ho—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang magsalita ang matandang amo ko. “Oh, you’re fast—wait, why the heck are you wearing a janitor’s uniform?” Natigilan ang lalaki at umiwas ng tingin, parang may tinatago. “I… I’m working, duh?” sagot niya at umirap. Napailing ang matanda at bumuntong-hininga bago naupo sa sofa sa tapat ko. “Here’s Kiara. She will work here from now on.” Umupo sa gilid ng sofa ang lalaki at tinaasan ako ng kilay. “Be nice, Kvein,” mahigpit na sabi ng matanda. Magkakilala sila? Pero ang mas nakakapagtaka… paano nagagawang mapunta ng janitor na ito sa mga ganitong lugar? Anong klaseng janitor ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD