“Are you sure you're okay here?” nag-aalalang tanong sa akin ni Sir Kez.
Dahil meron siyang pupuntahang branch ng kanyang small business at hindi pa raw niya alam kung kailan siya makakabalik. Kaya eto ang trabaho na gagawin ko dito. Parang mas more on tagabantay-bahay ang portion.
“Promise po, okay na okay lang po,” nakangiti kong sabi. Tumango-tango naman siya.
“But… my—I mean, that man will be staying here for the meantime.”
Isa 'yan sa mga pinagtataka ko. Kaano-ano ba niya yung janitor na 'yun? Parang ang casual lang nila sa isa't isa.
Pero nakakahiya namang magtanong, lalo na't kabago-bago ko pa lang dito. Masasabi ko namang okay pa naman ang araw-araw ko nung andito si Sir Kez, kasi parang hindi ako maloloko-loko ng janitor na 'yun. At oo, nakalimutan ko na ang pangalan niya.
“Huwag po kayong mag-alala,” nakangiti kong sabi.
Mga ilang minuto pa siyang naninigurado bago tuluyan na ring umalis. May mga bodyguard naman daw, pero hindi ko alam kung saang parte ng bahay sila naroroon. Basta sabi ni Sir Kez, safe na safe ako dito.
Pagkaalis niya, naisipan kong magdilig muna sa garden. Total, maaga pa naman, kailangan ko rin maglakad-lakad. Bago mag-isang oras, pabalik na sana ako sa loob nang marinig ko ang boses ng lalaking 'yun.
Please, morning, be literally good.
“So that old man left already? Good.” Umiirap lang ako habang patuloy sa paglalakad papunta sa kwarto ko na andito lang sa first floor.
“Hey, preggy.” Tumigil ako at tinaas ang dalawa kong kilay. Tumingin muna siya sa tiyan ko bago nagsalita ulit.
“Did you eat breakfast already?” tanong niya sa malalim na boses na halatang kakagising lang.
“Hindi pa, pero ano gusto mong almusal para makapag-luto ako?” Mahirap na, baka magsumbong 'to kay Sir Kez at sabihin kinakawawa ko tong lalaking 'to.
Tinaasan naman niya ako ng kilay. Eto na naman tayo.
“May I remind you, you're pregnant,” sabi niya sa tonong para bang wala akong common sense.
“Alam na alam ko, at kaya nga andito ako para magtrabaho.”
Mas lalong umasim ang mukha niya. Sino ba talaga sa amin ang buntis? Ako o siya? Kasi parang siya pa ang mas moody sa aming dalawa.
“Where’s your husband or the father of that child anyway? What a stupid man... no—what a stupid boy he is to let you work.” Napatigil ako sa sinabi niya, na mukhang nahalata naman niya.
Kasi… sa totoo lang, kapag naririnig ko ang tanong na 'yan, parang isang sampal sa akin na ang walang kwentang tao. Hindi ko alam saan hahanapin ang sagot.
“Puwede ba, hayaan mo ang pagiging buntis ko. Usapang almusal 'to, saan-saan napupunta,” umiirap ako at pumunta na sa kusina.
“You, preggy. I will cook. You're pregnant. The baby might be hurt because you move too much.” Agad naman siyang tumakbo papunta sa puwesto ko at siya na mismo ang nagsimulang kumuha ng mga kailangan.
Mukha nga siyang seryoso e, nakakapanibago ah. Buntis nga ata rin 'to, grabe ang pagiging moody. Masungit, tapos magiging anghel.
“Sit, let me do this. Choo.”
Dahan-dahan akong naupo sa sofa sa sala at hinaplos ang tiyan ko. Ang dami-dami pa ring tumatakbo sa isipan ko hanggang ngayon. Pero hindi pwedeng ma-stress.
Priority ko muna makapanganak ng safe para sa amin ng anak ko, at saka na ako magpapaka-stress. Tsaka ko na aalamin ang lahat-lahat.
Nang matapos siyang magluto, pinaghila niya ako ng upuan bago siya naupo at sabay kaming kumain.
“Wala ka bang pasok ngayon?” Baka mamaya wala na siyang sahod na makuha, kasi ilang araw ko na siyang nakikitang nandito na parang walang trabaho.
“What?” Tinaasan ko siya ng kilay, aawayin pa sana siya nang magsalita ulit siya.
“I’m not a student anymore,” seryoso pa niyang sabi, na ikinanganga ng bibig ko.
Umm, ay talagang ganun?
Napabuntong-hininga ako sa inis.
“Sa trabaho kasi, ano ka ba?”
Napatango naman siya sa sinabi ko.
“Nope, I’m the boss. Why would I need to work?” seryoso niyang sabi.
Natawa naman ako. Minsan talaga, may sanib 'to.
“Head ng mga janitor?”
Natigilan siya sa sinabi ko, na parang may nagawa siyang mali.
“Y-Yes, I’m their boss.”
Umiirap ako, mga kalokohan talaga. Asa naman na magiging seryoso talaga tong lalake na toh.
Sa araw na lumipas na kami lang ang magkasama, masasabi ko namang hindi na kami masyadong nagkakainisan. Slight pikunan na lang talaga. Lalo na pag sobrang abnormal ng lalaking 'to.
Katulad na lang ngayon. Kakapasok ko pa lang sa sala nang makarinig ako ng mga ungol.
Imposible namang totoong tao na gumagawa ng milagro sa sala. Kasi nag-e-echo ang boses, parang galing sa speaker o sa TV.
Nakataas naman ang kilay ko habang tinitignan siyang akala mo hari na nakaupo sa sofa, habang blangko ang expression na nakatitig sa TV na porn ang pinapanood.
“Sira ulo,” bulong ko at aalis na sana nang tawagin niya ako.
“Preggy, watch with me.”
“Sira ulo ka ba? Kailan pa nagkaroon ng movie marathon sa porn?”
Tumawa naman siya ng malakas, na ikinatibok ng puso ko.
“Why? Preggy can also be horny, right?”
Nanliliit na mata ko siyang tinitignan.
Tumayo naman siya at dahan-dahan akong inalalayan upang maupo sa sofa, na agad naman niyang tinabihan.
“Para kang high school. Ang lakas ng trip mo, nanonood ng porn sa sala?”
“Why? What’s the difference between watching it on a cellphone and on TV? Besides, I’m just bored. I’m better in bed than them,” sabi niya sa boses na parang nangaakit.
Nakatitig siya sa akin, na para akong kakainin. At pabalik-balik ang tingin niya sa mata at labi ko.
“I know s*x is also good during pregnancy,” bulong niya habang papalapit ang mukha sa akin.
Hindi ko mapigilan ang pagtibok ng puso ko nang malakas.
Pero lumagpas ang ulo niya sa akin at inilapit sa leeg ko, inaamoy-amoy. Hindi ko rin namamalayan na hindi ko maigalaw ang katawan ko para umiwas.
“Oh, tapos? Anong gusto mong gawin ko ha?” inis na sabi ko, pero dinilaan niya lang ang leeg ko. Maya-maya lang ay hinahalikan na.