CHAPTER 19

1010 Words
Masayang-masaya ako habang nag-aantay kami ni Kvein ng pagkain dito sa isang restaurant. Hindi naman kasi talaga ako madalas mag-day off. Lalo na't sobra ang pag-iingat ng mga kapatid ko sa akin. Pansamantala kaming nag-uusap palagi sa Messenger. Kaya sobrang saya ko nang napag-isipan ni Sir Kez na mag-stay ako sa bahay ko muna habang wala pa siya. Napalingon ako kay Kvein na abala sa kanyang cellphone habang nakakunot ang noo. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano napa-oo si Sir Kez na sumama sa akin dito. Napairap na lang ako ng maalala ang pagtatalo nilang dalawa. "No, I’m coming with her." Parang naiiyak si Sir Kez nang makita niyang may dalang maleta. "We already talked about this, Kvein." Napalingon ako kay Sir, na parang sukong-suko na siya kakapilit kay Kvein na huwag bumuntot sa akin. "No," nakasimangot na sagot ni Kvein. Parang bata. Hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko. Excited na akong makaalis kasi syempre, sayang ang oras. Gusto ko nang mayakap ang mga kapatid ko. Pero hindi ko naman puwedeng ipush kung ganito ang sitwasyon. Lalo na, inaatake nanaman si Kvein ng kanyang mga abnormalidad at pati si Sir nadadamay. Sa totoo lang, hindi ko alam ang pinagusapan nila pero feel ko naman tungkol sa trabaho ni Kvein. Lalo na't palagi siyang chill na akala mo walang boss na nag-aantay sa kanya. Kaya feel ko yun lang ang inaalala ni Sir Kez, lalo na't malapit sa kanya si Kvein. "Wag ka nang sumama." OA na lumingon sa akin si Kvein na parang pinatay ko na siya sa sinabi ko. Umirap ako dahil hindi ko na rin talaga mapigilan kahit nasa harap lang namin si Sir Kez. "What? You don't want me there? Am I making you uncomfortable?" bulong niya na parang bata. Hindi naman sa hindi komportable. Pero kasi, yung trabaho niya. Malay ko ba kung saan construction worker siya pumapasok. At the same time, hindi naman parehas ang bahay ko dito sa mansion ni Sir Kez. "Hindi naman, pero magkaiba ang bahay naman ni Sir Kez." Paliwanag ko na akala mo hindi 35 years old ang kausap ko. Tinignan niya ako na parang ang tanga ng rason ko. As usual na naman sa madrama na ito. "Damn, I thought I’m making you uncomfortable. Let's go, time is running. See you, old man, I’ll work, no worries." Sigaw niya at nauna nang lumabas ng bahay, hatak-hatak ang maleta niya. Napalingon na lang ako kay Sir Kez na tumatawa habang naka-pamewang. "Don’t worry, trust Kvein," sabi ni Sir Kez. Nabigla naman ako ng may biglang humalik sa noo ko. Paglingon ko, si Kvein na nakatingin lang sa akin. Oo nga pala. "What were you thinking?" bulong niya. "Wala, naalala ko lang yung drama mo kanina." Umirap lang siya kaya natawa ako. Pagdating ng order, agad na kaming umalis ng restaurant. Nagtalo pa nga kami kung sino ang magbabayad. Hanggang sa huli, siya ang nanalo. Pasalubong ko kasi sa mga kapatid ko. Ngayon lang naman kaya willing sana akong gumastos, pero ayun, nanaig ang madramang lalaki. Paghinto sa tapat ng bahay, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa sobrang saya. Pinark muna ni Kvein ang sasakyan at naunang bumaba para pagbuksan ako ng pinto at alalayan akong makababa. Pa-seven months na rin ako, kaya nag-iingat na rin. Nagtinginan ang mga kapitbahay naming chismosa na walang ginawa kundi pag-usapan ang pagkabuntis ko sa iba't ibang lalaki raw. At ngayon, halos lumuwa ang mga mata nilang nakatitig kay Kvein. Kahit naka-simpleng white t-shirt, cargo shorts, shades, at simpleng silver chain necklace lang, ang lakas pa rin ng dating—gwapong-gwapo pa rin! “I’ll kiss you later, don’t worry.” Hinampas ko siya ng malakas na ikinatwa niya, sabay halik sa ulo ko. Sumilip ako sa mga kapitbahay na kontrabida at ngumiti, mamatay kayo sa inggit. Agad naman akong kumatok ng malakas sa pintuan namin. Nakasarado kasi yung tindahan at wala yung Lola ni Ekang. “Ate!” Agad akong niyakap ni Tania na agad ko ring niyakap pabalik nang mahigpit. Namiss ko talaga ang mga kapatid ko. “Bakit sarado yung tindahan? Akala ko wala kayo e.” Sabi ko paghiwalay namin sa yakap. “Nagrerequest po kasi si Lola kay Ate Ekang na gusto magbakasyon muna sa probinsya nila.” Napakunot-noo naman ako sa sinabi ni Tania. Bakit walang nabanggit sa akin si Ekang tungkol dito? “Ate, sino po yung lalake na pogi?” narinig ko naman ang tawa ni Kvein. Sinilip ko siya kasi for sure siya na naman ang sasagot, pero makalipas ang ilang segundo, nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. Kasi for sure sasabihin niyan, ‘Kalandian ng ate mo’, ‘boyfriend’, ‘asawa’. Pero wala! Nakatingin lang talaga siya sa akin kaya humarap na ako kay Tania. “Kasama ko,” obvious na obvious naman, self. Kumunot naman ang noo ni Tania na halatang nagtataka. “Pasok na tayo.” Sabi ko na agad niyang ikinangiti at nauna na sa amin ni Kvein. Pero hindi muna ako pumasok, tinignan ko si Kvein na nagtataka. Natatawa niyang hinapit ang bewang ko at hinalikan sa noo ko bago nagsalita. “It’s your family. Ayoko mauna. I respect you and your family.” Bulong niya at malambing na hinalikan ang tungkil ng ilong ko. Nakatitig lang ako sa kanya na parang gulat na gulat. Anong meron? Bakit biglang ganito itong lalake na 'to? Iba ba talaga ang aura o mood niya kapag nasa ibang bahay? Napakapa naman ako sa dibdib ko nang maramdaman ang bilis ng t***k ng puso. “Ikaw ba talaga yan?” bulong ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay at nauna nang pumasok sa loob. Bumuntong-hininga ako ng malakas. s**t, ano ba 'to? Nakakainis naman tong si Kvein. Nakakainis. Daming alam talaga. “Lalake mo?” napalingon ako sa kapitbahay na isa pang kontrabida. “Oh, bakit? Ikakalat mo na naman? Ikalat mo, sabihin mo may lalake na naman akong bago. Higit sampu, ah, sabihin mo?” ngumiti pa ako bago pumasok sa loob. Panira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD