CHAPTER 18

1096 Words
“What? Don’t tell me you’re ashamed?” Sinilip ko si Kvein na may mapaglarong ngisi sa labi na parang tuwang-tuwa. “Gaga ka ba? Si Sir Kez 'yun. Boss natin,” sabi ko at binato siya ng unan. Tawa naman siya ng tawa. At nang mahimasmasan na siya sa kaligayahan niya, inabot niya sa akin ang kamay at naiinis na tinanggap ko naman iyon. “Boss mo lang.” Umirap na lang ako. Wala namang sisisihin dito. Nasarapan din naman ako. Napanguso na lang ako sa iniisip at umiling bago sabay na lumabas ng kwarto ko kasabay ni Kvein. Bawat hakbang, lakas ng t***k ng puso ko ang naririnig ko. Kinakabahan ako. What if madismaya sa amin si Sir Kez? I mean, nakakadismaya naman talaga. Hindi naman niya kami… I mean ako lang pala, boss ko lang daw e. Hindi naman niya ako binabayaran para lumandi. Tapos ko naman na ang trabaho ko pero nakakahiya pa rin! Boss ko, narinig ang mga ungol ko? Napalunok ako ng makitang nakaupo si Sir Kez sa sofa na walang expression sa mukha. Eto na nga ba ang sinasabi. Sapul ka talaga, Kiara. “Patawa—” Iyuyuko ko palang sana ang ulo ko pagdating sa tapat ni Sir Kez nang agad akong pigilan ni Kvein. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ano na namang trip ng lalaking ‘to? Nakakainis. Kung kaya niya makipag-trato na parang tropa kay Sir Kez, pwes, ibahin niya ako. Dito nakasalalay ang future ng anak at mga kapatid ko. Well, sana yan muna inisip mo, Kiara, bago bumuka. “What?” Napalingon ako kay Kvein pagkaupo namin ng magsalita siya ng seryoso. Habang ngayon, nawiwindang pa rin ako kapag naririnig ko ang ganyang boses niya. Sanay kasi ako sa ka-abnormalan lang niya. Lalo na para kaming aso at pusa na palaging nagkakainisan… maliban sa isang bagay. Ang unang beses kong narinig ang ganyang boses niya ay yung nakasalubong namin si Benedict pagkagaling namin sa OB. Tapos eto ang sumunod. Hindi ko alam kung kailangan ko na bang masanay na may mga pagkakataon na nagseseryoso siya, at nakakatakot din. “Why so serious, Kvein?” mahinang natawa si Sir Kez. Pero imbis na kumalma ako sa tawa niya, mas lalo akong kinabahan. Napayuko na lang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko, pero agad din natigil 'yon nang hawakan ni Kvein ang kamay ko at pinagsiklop niya ito. Gusto ko man siyang lingunin, samaan ng tingin, pero hindi ko magawa dahil sa takot ko kay Sir Kez. “Why call us? Nang-iistorbo ka and you’re scaring her,” seryosong sabi ni Kvein na ikinaangat ko ng tingin sa kanya. “Oh, I didn’t mean to scare you, Kiara. My apologies,” mahinahong sabi ni Sir Kez at ngumiti ng malaki. Kumalma naman ako dahil doon. Mukhang… wala naman sa kanya 'yung narinig niya? “Ako nga po dapat humingi ng pasensya. Narinig niyo pa ho ang…” Napalunok na lang ako at di matapos-tapos na sasabihin. “No worries, iha, personal such is not my part anymore. Well, you’ve done all your duties naman na e. So it's okay. And by the way, Kvein doesn’t force you?” Nanlaki naman ang mata ko at agad na umiling. Kahit nakakainis itong lalaking ito, hindi naman niya ako pinilit sa bagay na alam niyang hindi ako komportable. Sadyang magaling lang talaga siyang manglandi. “What the?” “Hinding-hindi, wag po kayo mag-alala.” Ngumiti ako para pagaanin ang loob ni Sir Kez. Tumango-tango naman siya sa sinabi ko. Salamat at hindi ito isyu sa kanya. Akala ko magkakaproblema na naman ako. “I called you two here because of an important announcement. Next month, I’ll be leaving for the States for the whole month. Well… wala naman kasi masyadong linisin sa bahay ko. That’s why I decided na umuwi ka muna sa inyo, Kiara. Don’t worry, your salary will continue.” “Well, knowing you, Kiara, ayaw mo na nagsasahod ka nang walang ginagawa. I will leave you my duplicate keys para once a week you can clean,” paliwanag ni Sir Kez habang nagbigay sa akin ng ngiti. Tumango-tango naman ako at nakahinga ng maluwag. Yun lang pala ang dahilan kung bakit kami pinatawag. Makakasama ko rin ang mga kapatid ko. “Wait… what? How about me?” tanong ni Kvein, na nakakunot ang noo. Napasimangot naman sa kanya si Sir Kez. “You don’t have work to do, young man?” nakasimangot na sabi sa kanya ni Sir Kez. “Don’t ‘young man’ me, you old man. I’m already 35.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Parang nasa 28+ lang siya. Sabagay, sobrang gwapo naman. Pero ilang taon lang pala ang pagitan naming dalawa. I’m just 32. “Focus on your work.” Napailing na lang si Sir Kez. “I wanna stay at Kiara’s house.” Kinurot ko siya sa tiyan niya. “Why do you two have a thing?” may mapaglarong ngiti ang nasa labi ni Sir. “Ye—” “W-wala naman po.” Agad kong agap sa sasabihin sana ni Kvein. Tinignan niya ako na para bang may kataksilan sa sinabi ko. As usual, OA talaga itong lalaking ito. Sabay kami napalingon sa malakas na tawa ni Sir Kez. “Damn, rejected a girl at last. Rumors said—” “Rumors are rumors.” Naiinis na sagot niya kay Sir, at lingon sa akin na nakabusangot ang mukha, pero gwapo parin. Unfair. “What about your work then? Masyado ka nang tinatamad na naman,” seryosong sabi ni Sir. “May trabaho na raw po ulit siya, construction worker po,” sabi ko para ipagtanggol si Kvein. Kahit hindi ko alam ang topic kung nasan na. Nagulat si Sir Kez sa sinabi ko at nilingon si Kvein na para bang hindi kapani-paniwala ang sinabi ko… may mali ba sa sinabi ko? Namumula ang mukha ni Kvein ng lingunin ko. Binalik ko ang tingin kay Sir Kez na umiiling-iling habang nakangiti. “Get a check-up, kid.” Tumawa pa ito ng malakas bago tumayo at iniwanan kami sa sala. Nilingon ko si Kvein na may ngiti sa labi. Nilapit naman niya ang mukha sa akin. Habang magandang-magandang pa rin ang ngiti sa labi. Dinampian niya ako ng isang halik at tinitigan ako sa aking mga mata. Dinilaan niya ang kanyang mapupulang labi at ngumiti na parang may isang anghel na kumikiliti sa kanya. “You're so damn cute,” bulong niya sa paos at malalim niyang boses na biglang ikinabilis ng t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD