Lizley's POV
*Kringgg!!!!! *
Tumunog ang unang bell bilang hudyat ng recess, buti na lang may baon akong kanin, walang ulam kac bibili pa ko sa canteen.
Ako si Lizley Khan (lizli with accent para maganda, oh dba bongga), but other call me "taba" kasi nickname ko yun, kapansin pansin naman diba?, sa nickname palng alam na agad ung itsura, syempre; mataba, matangkad, medyo morena na may pagkaputi at syempre di mawawala ang pagiging cute ko. Huy! Kahit ganto ko cute pa rin ako noh.
Masayahin akong tao na may pagka seryosong mukha kapag tahimik, minsan natatakot sila kac malakas boses ko at mas malaki ako sa kanila lalo na sa mga boys.. Hehe.
14 pa lang ako, walang lovelife kac may hinihintay akong lalaki, future boyfriend ko, kaibigan ko din sya kaso marami syang ginagawa kaya di nya ko nasasamahan kapag kumakain ako sa canteen, atsaka may pagkabitter ako, matapang kung kinakailangan. Kayo na lang maghusga sa ugali ko para masaya.
Oo nga pala, recess na masyado na kong madaldal. Dahil nga sa lonely ako, ako lang magisa ang pumunta sa canteen may nakakasalubong ako syempre, recess. At syaka di naman ako fame para mapansin nila-nakikita? -oo malamang malawak ang school.
Nasa tapat na ko ng bilihan ng mga ulam dala dala ang kanin ko, mura lang naman ulam dito mga 20 lang, madami pa. Haha!.
"Ate, ung adobong atay nga po", ay di ko pa nasasabi sa inyo mga paborito ko, syempre kasama na mga laman like: ayun nga adobong atay, adobong takway, sisig, tocino, atbp.
Madami besides sa mga junk foods, nakakasawa na kac, nung bata ako, oo kumakain ako pero dahil nagdadalaga na tumigil na. "oh etoh, kuha ka na lang nga kutsara kung kelangan mo". Sabi ni ateng nagbebenta ng ulam, sabay bigay ng inorder ko.
Kumuha na din ako ng kutsara syempre may tinidor kasi nakalimutan kong kumuha sa bahay, nagmamadali eh. Habang dala dala ang kakainin, naghanap ako ng mapepwestohan. Saan ba? *lingon lingon*-ayun!
Pumwesto na lang ako sa tabi ni kuyang magisa, tutal magisa naman atsaka parang di naman nya ko dama kaya dito na lang ako.
Habang lumalamon-ay mali parang ambaboy naman ng lumalamon, sige repeat, habang kumakain, syempre kelangan damhin ung bawat subo para masaya. Mayamaya. Hindi ko napansing may natapon sa uniform kong chocolate juice. "ooppss!, napadami ata". Sabay tawa, parang timang lang.
Nang tignan ko kung sino ung tumapon di ko nalang pinansin. Si Jiazmine (yazmin ung pagbigkas) pala habang hawak pa ang baso ng juice na wala ng laman, as in simut na!.
Pinunasan ko ung natapong juice sa uniform ko at tinuloy ang pagkain ng masarap kong ulam, kahit nasabuyan na to ng kaunting kaunti lang naman na Juice, as in kaunti lang talga. Sayang naman ung kanin at ulam kung di ko uubusin.
Kaso nagulat ako nang hatakin nya ang braso ko habang may nginunguya pa. Grabe sya, muntikan ko nang maibuga. Sayang ung pagbuga kung di tatama sa kanya.
"Anu ba yan!, may kinakain pa eh, bakit, ano ba problema mo!". Tanong ko sa kanya habang naiirita, iniistorbo kac ung kinakain ko. Tss.
"Ikaw!". Sabi ni Jiazmine na paran timang.
"oh!!, ano naman ako? Kumakain pa ko?". Yan cge sigawan kami.
"wala lang trip ko lang-ay! Bagay pala sayo yang ganyang kulay ng uniporme, wag mo lalabhan ah. Baka lalo kang pumanget. Hahahaha!". Sabi nya habang may malademonyong tawa. Problema nito?. Okay, sya lang natawa.
"oh?!". Sabi nya with lingon lingon pa sa paligid habang nakataas ung dalawang kamay. Medyo napahiya sya dun.. Bwahahaha!
"Tumawa kayo!!". Sabi nyang medyo naiinis na. Eh pano ba naman kase pupunta punta dito ng di sinasama mga kaibigan nya para samahan sa kung anong trip neto. Paran timang den.
*tunog ng kuliglig*
"hahahahahaha.... ha-haha!"
Tawa nilang mga nakapansin saamin, ung iba nakisabay, napilitan lang na parang may naghihingalo pa sa huli.
"tss". Sabi ko at umalis na lang, nakakasayang lang ng oras amputek!. Pero bago ako umalis, di ko alam kum bakit pero napasulyap ako kay kuyang katabi ko kanina.
Nagulat ako kasi nakatingin rin pala sya sakin na parang may pagka cold na naiirita, siguro dahil sa natalsikan din sya ng Juice, so sad sayo kuya. Ay! Pogi naman pala, ngayo ko lang napansin, haha!. Sayang di ko natanong pangalan nya, yaan mo na!.
Pagkatapos nang parang ewan na pangyayari, dumiretso na lang ako pabalik sa room ko na parang walang nangyari. Syempre uubusin ko na lang dito ung pagkain ko, sayang talaga. Kahit medyo nasusuka na ko, medyo lang naman, inubos ko tlga ung pagkain ko. Pagkatapos ay itinabi na ito sa bag ko. Saktong pagdaring ni ma'am.
Hindi nyo naitatanong, matalino din ako, pero tahimik-slight!.. Kaya ayon, kineg kineg kay ma'am habang pasulyap sulyap sa relos ko.... aaatt... Unti na langgg...
*Kringgg!!!! *
Bell na! Ambilis diba?. Ganun talga. Pagkatapos ng uwian ay dumeretso na ko sa bahay. Nagbless ka mama, at deretsong kuwarto.
Matutulog muna ako pagkatapos gagawa nang assignment at unting scan sa mga libro. Hinubad ko na muna lahat maski panloob-char.. Oh wag ano!. Pagkatapos ng pagtatangal tumalon ako sa napakalambot kong kama at na tulog.
...... Zzzzzzzzzzzzz.....
*********************
"Mare, baby?." boses ni mommy habang niyuyugyog ako ng madahan. "mmm..". Sagot ko naman. Inaantok pa kac ako eh.
"Wake up, may pasok ka pa, nakahanda na ko na makakain sa baba". Malambing na saad ni mommy . "mm.. Opo mom, tatayo na po". Mga sandali pa napingiti ako sa cnabi ni mommy sakin. "HAPPY BIRTHDAY, anak". Sabi ni mom nang may paglalambing. "Thank you po mom". Naramdaman ko namang lumabas na si mommy sa kuwarto ko kaya nagdisisyon na kong bumangon kahit malamya pa ang mata ko.
Nagunat unat ako para magising at dumeretsyo sa cr upang maligo. Kaarawan ko ngayon, kaya dapat happy lang.
Pagkalabas sa banyo, sinimulan ko nang magbihis ng uniporme at inayos ng mabuti ang sarili sa salamin. "Eto ako, si Mare Khan (its Meyr) , sexy, maputi, mayaman, at buo ang pamilya". sabi ko sa aking sarili habang nakatapat sa salamin at nagsusuklay ng buhok. I'm so thankful kasi di lahat ng mga katulad ko may buong pamilya.
I have a lovable parent which is my mom, Margie Khan, and also my dad, Filliam Khan.
My mother told me that she is a half American, while my dad is pure Pinoy. That's why, I love them cuz they have a unique attitude, not just because of being lovely but being close to each other even they are busy.
Bumaba na ako pagkatapos dala dala ang bag ko. Unti lang nman laman nito, isang makapal na notebook, ballpen, at personal hygiene ko. Nakasalubong ko sa pagbaba si yaya at sya ring bati naman nito saakin ng happy birthday.
Dumeretsyo naman na ako sa hapag-kainan. "Good morning po mom, dad". Maligayang bungad ko at pagkatapos ay binigyan ng matamis na halik sa pisngi si Daddy at Mommy sabay yakad sa mga ito bago ako batiin ni daddy ng happy birthday.
Masaya kaming kumaing magpamilya at nauna akong matapos para makapasok ako ng maaga. Kikitain ko din ang best friend ko na si Mae. "Goodbye mom, dad!". Masayang pamamaalam ko kila mom. "Take care!". Sabay na tugon ng magulang ko.
Pagkalabas na pagkalabas, nakita ko si manong, ang personal body guard kong naghihintay na pala pero bago ako sumakay binati muna ako ni manong at pinag bukas ng pinto ng sasakyan.
*Kringgg!! *
Minulat ko ang mata ko at napagtantong nanaginip lang pala ako. Kaso bakit putol?, nubayan. Napatingin ako sa orasan at-6:48 PM na!. Tss, napasarap ang tulog ko grabe. Mula sa pagiimagine ng ewan, bumangon na ko at ginawa ang assignment ko, pagkatapos ay nagscan ng mga libro para dagdag kaalaman, oh diba.
Bumaba na ako ng kuwarto ko at pumunta sa hapagkainan para kumain, buti na lang nakapagluto na si mama. Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna ako saglit at natulog na. Grabe kakagising ko lang tas tulog na?, lupet mo teh!. Ay di pala natulog pinipilit palang matulog, eh pano naman kase, binabagabag ako nung panaginip ko kanina. Ang creepy!!.
Sana matuloy ung panaginip ko. Bat kaya ko nanaginip nun?, mag pahiwatig ba yun?, ano kaya yun?, haiistt!.. Hayaan mo na nga. Hanggang sa nahikab na ako nang di ko namamalayan at dinalaw na ako nang buwan-char.. Antok kasi talaga un.