Episode 2: Kiss

1629 Words
Habang bumabyahe sakay ng kotse, naka tingin lang ako sa bintana. Nakaupo kasi ako sa gilid kung saan katabi ko yung bintana. Ngayon ko lang napagtanto may mga halaman pang natitira dito malapit sa bahay namin. Ang gaganda nila tignan, lalo pa't berdeng berde ang kulay nito. Bawat galaw may nakikita akong mga halaman, hanggang sa unti-unting nawawala. Malapit na pala ako sa paaralan, paaralan to na puro high school lang, simula Grade 7,hanggang Grade 10. Bale dito ko na tatapusin ang pagiging high school ko. Pagkapark ng kotse sa parkingan, binuksan na ni manong ung pintuan at inalalayan na ako pababa. Syempre maingat akong bumaba, humawak na din ako sa kamay ni manong na nakaabang, baka matisod pa ko, sayang ung pagentrance ko pababa. "salamat po manong". Pagpapasalamat ko kay manong. "walang anuman maam". Magalang na pagtanggap ni manong saakin. Pagkatapos nang napaka bongga kong pagbaba, dumiretso na kong room ko, saktong nakasalubong ko na si Mae, kaibigan ko. "Mare!!, kamusta?, ay oonga pala. Happy birthday!". Masayang bati sakin ni Mae sabay akap. "salamat!", Sabi ko habang naka yakap sa kanya. Grabe naman to makayakap ang higpit. Kaya niyakap ko din sya ng mas mahigpit. Oh ayan na!. "ay!, ano toh palakasan sa pagyakap?!". Natatawang sabi nya. Natawa na lang din ako, eh pano ba naman parang antagal naming hindi nagkita, eh parang madadaanan ko naman bahay nya. Sya si Mae Fillius, bale magkapatid sila ni Justine Fillius. Later makikilala nyo si Justine ko, hehe. So yaun, tawa lang kami ng tawa. Nang nahimas masan na, naisipan na naming tumuloy pumasok sa loob. Magkatabi kami ng upuan, sa kabila, ung manililigaw ko. Oh diba, may manliligaw na ko, haha!. Hanggang sa dumating na nga sya. Si Justine, manliligaw ko. Oo sya yung tinutukoy ko, Justine Fillius. Sa tagal na nyang nanliligaw sa akin, napagisip isip ko na ring sagutin sya ngayon. Mamaya kapag tinanong nya ulit kung sasagutin ko na ba sya. Bawat araw may dala syang panuyo sakin, sabay sasabihin kung sasagutin ko na ba daw sya. Di nagsasawa, makulit, mabait, atsaka sweet. Oh diba?! Pero nagulat ako nang wala syang dala kahit ano, pero ung ngiti nya wagas na wagas. "Happy birthday!". Bati nya, nag thank you naman ako sa kanya na may malawak din na ngiti pero di naman wagas na wagas gaya sa kanyan. "ay, infernes wala syang dala ngayong panuyo". Bulong sa kin ni Mae. Oo nga eh nakakapanibago, haha. Di ko nalang pinansin ung sinabi nya at tumabi na saakin si Justine. Habang nagmumuni, may binulong sakin si Justine. "pwede ka bang sumama sakin, Mare?". Nagulat naman ako, eh di ko naman alam kung saan, bahagya naman syang nangiti. Nawiweirdohan ako sa kanya. "saan naman, mamaya na lang dadating na ata si ma'am" "wag ka magalala, pinaalam na kita kay ma'am, tutal birthday mo naman daw, papayagan ka na, Tayo." sabi nya nang may ngiti pa rin sa labi. Tumango naman ako bilang tugon na pumapayag na sumama. Mas lumawak tuloy ung ngiti nya. Dapat pala di na ko tumango, baka mamaya sa kakalawak ng ngiti nya, litiral na umabot hanggang tenga ung hiwa. Wag naman sana. Pero syempre ako pa ba?, hindi sasama, eh nagpaalam nga naman. Pagkatayo namin pareho, sya namang hatak sakin sa braso, pero di naman marahas. Slowly but surely, lol. Nagtanong muna si Mae kay Justine. "hoy hoy hoy!". Mabilis na sabi nya. "saan mo dadalhin ung best friend ko?!". Grabe sya oh, kung makasigaw wagas, kala kikidnapin ako, haha!. Ngumiti naman ng nakakaloko tong si Justine sabay sabing. "basta...". May pahaba haba pa sya jan ng pagbigkas ng basta. Di ko alam pero nakakakilig. Geh tawa pa. Ampogi nya, di ko nga alam kung anyare dun, ang alam ko lang isang araw nanligaw na sya, wala manlang clue o sign na napansin ko. Eh pano ba naman, torpe!, patagong sumusulyap, pero ngayon,nabawasan na. Tas joker pa sya sa lahat, kaya madaming naiinlove dito eh. Piniringan nya pa ko nyan, bago lumabas ng room. Yung iba namang nakamasid, kinikilig, boto sila samin eh. Ba-bbakit a-Andilim ng paligid?-ay oo nga pala nakapiring ako,natimang lang. Habang inaalalayan ako ni Justine, ako naman tong palingon lingon at nakikiramdam habang winawagayway ung kamay ko. Malay mo naman kasi may mabunggo kaming ano diba. Oh wag ano, mga gamit tinutukoy ko. Ayaw kulang bumangga, masakit. Haha! "paakyat na tayo ng hagdan, be careful, aalalayan kita". Sabi naman nya habang hawak padin ako sa may braso. Ako naman tong si ewan, kumakapa padin. Hanggang sa, "aaahhh!!". Sigaw ko, eh pano, puro sa kamay lang ako nakatuon! Kaya ayan, natisod, kaboboban pinapairal, tss. "oh, sabi ko be careful, yan tuloy muntikan kana sumubsob". "sorry naman". Medyo napahiyang usal ko. "Malapit na tayo sa tuktok". Bundok lang?, haha malay mo naman. Nakakaramdam na ko ng sariwang hangin. Sariwa ba talaga, haha naamoy ko lang naman ung pabango ni Justine. Singhot Singhot lang, sulitin na baka mawala bigla. Tumigil na kami sa patag na lugar, mahangin, sariwa, at tahimik. Nakakatakot naman dito, madilim pa. Hanggang sa dahan-dahan na nya tinanggal ung piring ko. Nakaka excite, I adjust my eyes to see the creations that he made for me. Medyo malabo pa kasi atsaka masilaw. Until I see a wonderful hills up there. Nasa rooftop kami ng school building. Nilibot ko naman ang mata ko at napagtantong may lamesa dito at may maayos na presentation ng mga pagkain. Kaming dalawa lang nandito, ang sweet naman pala. At nagulat ako ng may inabot sya saking bouquet, di ko napansing kumilos na sya. "happy birthday ulit, Mare". Sabi nya at ginayak na ako papunta sa upuang simple pero maganda ang pagayos, bagay na bagay sa isang katulad ko. At inusog nya ng dahan dahan ang upuan para makaupo na ako nang mayos. Napansin kong pagkaupong pagkaupo namin, parang may gusto syang sabihin na di maumpisahan, kaya inunahan ko na. "May i-". Nahihiya nyang sabi. "kungtatanungin mong sasagutin na ba kita?, oo ang isasagot ko". Pagputol ko sa sasabihin nya. Lumalabas na naman ung katorpehan nya, Haha. Nagulat naman ito sa sinabi ko, parang di pa pumapasok sa isip nya ung sinabi ko. Habang dahan dahan na syang nangiti at tumayo. Ngayon ako naman ang nagulat, kasi tumakbo syang pumunta sa pwesto ko at napatayo naman ako. Sabay yakas sakin, niyakap ko na din para masaya. Lumalande! Haha. Sulitin. "thank you so much, Mare! Di mo alam kung gaano mo ko pinasaya". Nakayakap pa ding sabi nya. "thank you din sa paghihintay, at sa araw araw na surpresa". Nakakatuwang sabihin na kami na, sa tagal tagal na paghihintay. Sinadya ko talgang sa saktong birthday ko to sinabi, para maging maganda ang araw na yun at para mapasaya ko na din sya bilang gantimpala sa paghihintay. Mga ilan pang minuto, humiwalay na kami sa isa't isa at pinagmasdan ang sarili. Umiiyak sya. Kaya naman hinawakan ko ang pisngi nya at lumapit ako sa mukha nya para halikan,. Kahit malungkot na mukha ang pinapakita nya sa labas dahil sa pag iyak, sobrang saya naman ang makikita sa mata nito. Napapikit naman ito upang di mahilo sa papalapit na mukha ko at hinahantay ang halik ko hanngang sa-.. *Kringgg!!! * Bwiset!!!... panaginip na naman!, ang ganda na eh. Sa susunod di na ko mag papaalarm, hahayaan ko na lang na gisingin ako ni mama. Pumikit ako para ituloy ung panaginip kaso ayaw na bumalik! Naaayyy!!!!.. Sayang yung kiss, di pa pinatapos!. Haiiisshht! Dahil sa pagkairita bumangon na lang ako at tinignan ang oras. "tignan mo?!, ang aga aga pa!". 3:56!, oo! 3:56!AM. Late na ko grabe!, ung pasok ko 7:10AM! Eh anong oras palang!. Nakakainis naman oh, kung kelan kissing scene na dun pa ko nagising. Tas di na ko makabalik sa tulog, ininis na ko ng katawan ko eh. Nagtataka kayo kum bakit 3 o'clock natunog yung alarm?!, eh bwiset nagloloko sya eh, kaya nga di na ko magpapaalarm ulit. Ung imbis na 6 napunta sa 3! Nagunat unat muna ko ng katawan bago bumaba ng hagdan papuntang sala. Binuksan ko ung ilaw kasi di pa gising si mama. Hello?! 3 o clock palang. Para mabawasan ung inis ko, nagluto na lang ako ng isang hotdog at dalawang itlog, para makagawa ako ng imahe. Imahe ng isang poging lalake, bwahahahaha! Pagkatapos kumain, ay umakyat na ko sa taas para ayusin ung mga gamit ko papasok sa school. Unti lang naman laman nito, isang notebook, ballpen, at persona-.. Teka?, parang nangyere na to, sa panaginip? Habang nagaayos ng mga gamit, inaalala ko naman yung mga pangyayari sa panaginip ko. Kahapon tumigil ung panaginip ko sa papaandar na kotse, tas kanina naman natuloy ang kasunod. Hala! Baka mamaya matuloy ung kissing scene-ayyyy! Excited na ko matulog! Hahaha. Tumingin na ko sa orasan at namalayang malapit nang mag 5 o'clock. Kaya napagdesisyonan kong maligo na para may time pa kong gumawa ng kahit ano. Pagkatapos maligo ay pinatuyo ko na ang buhok ko para matalian ko na sya. Tumingin naman ako sa orasan, grabe antagal ko maligo mga naabot ng kalahating oras, eh nagkuskus lang naman ng saglit, ganun na katagal yun?. Saktong pagkatapos kong gawin ang lahat lahat sa sarili ko, bumaba na ko. Nakita ko namang gising na si mama. "oh taba, ang aga mo ata nagising, kumain ka na?". Sabi ni mama habang nagwawalis sa sala. "opo ma". "sige, alis na po ko, ilalakad ko nalang po para excersise" . Sabay halik kay mama. Maliwanag na naman sa labas kaya feel free akong maglakad, matao-tao na din naman. "oh sige, magiingat hah?" "opo ma". At gumayak na ko palabas. Sya si Kyley Khan (its kayli), mama ko. Matangkad din, maputi pa saakin at parang kapatid ko lang daw sabi nila kasi mukha parin syang dalaga kahit nasa 49 na sya. Bongga diba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD