School
Kakapasok ko lang nang room ng biglang lumapit si Marc sa tapat ng upuan ko, future boyfriend ko.haha. Napatitig naman ako sa mukha nyang maputi at sa tingin ko ang lambot kung hahawakan, ang kinis, ano kaya ginagamit nito.
Napatigil naman ako sa pagtitig sa kanya ng pumitik sya sa hangin malapit sa mukha ko. "pwede ba kong manligaw". Deretsong sabi nya, napabalikwas naman ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi nya maangas to!, kaya tumawa muna ako para di nya mahalatang namumula ako, ambilis naman di kapanipaniwala, amazingg!!, ligaw agad agad.
Sya si Marc Fillius, matangkad, may dimples, mapayat, pogi syempre di mawawala yun, haha. Classmate ko simula Grade 7 hangang ngayon, Grade 9. Mabait na may pagka playboy, pero okay lang sakin kahit ganun sya, kasi diba nga sabi nila, kapag mahal mo ung isang tao, kahit ano pa yan tatanggapin mo. Wag mong baguhin, hayaan mong magkusa.
Nang mahimasmasan ako, tumango naman na ko at napasigaw sya sa hangin ng yes pero pabulong lang. "tutal, pinayagan mo na naman akong manligaw, bat di mo na ko sagutin". Kasunog ng sinabi nya.
Ay!, wow grabe advance to magisip. Pero ambilis naman talaga diba?, nakakapagtaka, parang kelan lang magkaibigan tas ngayon magiging kami na.
"sagot agad,? Bat ambilis naman ata". Sabi ko
"matagal na naman tayong magkaklase at magkaibigan, ngayon lang talaga ko naglakas ng loob, kaya sagutin mo na ko. Alam ko namang may gusto ka sakin". Ay kumakapal ung mukha neto, ang hangin.
"Marc, nakatapat ba sakin yung electric fan dito?, ang lakas kasi ng hangin, grabe". Sabi ko na syang kinatawa naman nito. Geh pagpatuloh mo lang yung pagtawa, baka mamaya di lang puso ko yung mahulog, baka pati panty ko-charot!.
Bago ko sinabi ang dapat kong sabihin ay pinag masdan ko muna sya, ang gwapo nya talaga. "oo, sinasagot na kita". Napatigil naman na sya sa pagtawa at napatingin sakin na di makapaniwala. Tumango na lang ako para sabihing oo talaga yung sinagot ko, sya namang pagyakap sakin nito. Niyakap ko na rin para masulit.
"Liz, di mo alam kung gano mo ko pinasaya". Sabi nya habang naka akap pa din sakin. "ako din naman". Tugon ko.
Pagkatapos nang pangyayaring iyon, ay dumating na si ma'am at nagturo.
*Kringgg!! *
Tunog ng bell, hudyat na recess na. Pagkatapos ng pagtuturo ni ma'am, dumiretso na ko sa canteen dala nanaman ang kanin na nakalagay sa baunan ko. Sana di na ulit to matapunan ng juice katulad ng nangyari kahapon. Nakakasuka pa naman.
Hindi na sumabay sakin si Marc kasi may gagawin daw syang importante kaya, hinayaan ko na.
Pumila na ulit ako sa bilihan ng ulam at pinili ang adobo ulit, gusto ko ulit ganin para malasap ko ulit ung tunay na lasa. Nagdala nadin ako ng kutsara't tinidor para di na ko pumunta pa af makilagsiksikan sa gilid makuha lang ung kutsara,'t tinidor.
Pumunta ulit ako sa pinuwestuhan ko kahapon at napansin na nandoon ulit si kuyang nadamay sa pagsaboy ng chocolate juice ni Jiazmine sa damit ko. Grabe, nagkanda hirap hirap ako sa paglalaba nung uniform ko para lang mawala ung mantsa, nakakagigil.
Pagkaupo, kinausap ko naman ito. "ah.. Kuya, pasensya na kahapon ah, natalsikan ka pa ng choco juice. Ako na ang magpapaumanhin". Sabi ko at tinignan syang mabuti kung titingin oh hindi. Busy sya sa pagbabasa, pero alam ko namang naririnig nya yon.
Tumingin sya sakin. "okay lang, nasumbong ko na kay mama yun". Sya habang binalik ulit yung tingin nya sa binabasa. Mama?, "ibigsabihin, magkapatid kayo?". Nagugulat na sabi ko. Eh bat parang di halata, kasi parang hangin lang ung nakita nya si Jiazmine.
Tumango naman ito bilang tugon na magkapatid nga talaga sila. "ako nga pala si Lizley, Lizley Khan." pagpapakilala ko habang naka angat ang kamay upang makipag kamay.
Lumingon naman sya sakin. "Levin, Levin Dhei". Sabay shake hands, totoo nga magkapatid sila kasi parehas na Dhei.
Jiazmine Dhei at Levin Dhei (its dhey) .
Si Jiazmine Dhei ang dating kaibigan ko kaso di na ngayon, nagaway kami dahil kay Marc kasi may gusto din sya dito. Di ko na ngalang pinapansin yon, pero nagpapapansin sya, tss.
Pagkatapos ng shake hands scene, binalik nya na yung tingin nya sa librong binabasa habang ako naman kumain na, buti na lang di nagpapansin si Jiazmine dito siguro na pahiya na sya kaya tumigil na. Mabait naman yun dati-pati pa rin naman ngayon tinotopak lang tsaka mataas yung pride nya kaya pinanindigan ung pagaalitan namin.
Nasimot ko na ung pagkain ko, salamat talagat hindi nanggulo si Jiazmine kaya nalasap ko nang maayos yung ulam ko, thank you Lord.
Pagkatapos ay lumingon muna ko kay Levin at nagpaalam na mauna na ko. Tumango naman ito at bumalik sa binabasa. Di parin sya tapos?.
Babalik na sana ako sa room ng makita ko si Jiazmine sa malayo na papunta sa direksyon ko. Sya lang magisa?. Himala napapansin ko atang di na nya nakakasabay mga friends nya.
Naghanap ako ng matataguan. Baka kasi magaway na naman kami. Nagtago ako sa isang poste na pa square, sana di nya ko makita.
"nakikita kita". Nahinang bulong ni Jiazmine sa tenga ko na nagpakuryente sa buong mukha ko. Ilapit ba naman ung bibig sa tenga ko, tingin mo di nakakakuryente yun.
Humarap naman na ko sa kanya. "oh ano na naman, maghahanap ka na naman ng away". Nabuburyong sabi ko habang nakatingin sa seryosong mukha niya.
"hindi naman, babalaan lang kita. Magbreak na kayo ni Marc habang di pa huli ang lahat." naiinggit na naman siguro toh. "may girlfriend sya at hindi ikaw yon, niloloko ka lang nya". Pagpapatuloy nya. Medyo nagulat naman ako dun sa huli nyang sinabi. Girlfriend?, at hindi daw ako yun!?.
"ano na naman bang sinasabi mo, siguro naiinggit ka lang no!!, kaya gusto mong maghiwalay kami, at gumagawa ka pa ng kwento". Naiinis na sabi ko.
"bahala ka, kung ayaw mo maniwala, edi wag, basta binalaan na kita". Naboboring na sabi nya at umalis na. Medyo kinabahan ako don ah, pero di naman ata gagawin ni Marc yun.
Hayaan mo na, baka naiinggit lang talaga sya kaya nya ginawa yon. Dumiretsyo na lang ako papasok sa room at nakita kong wala pa si Marc sa pwesto nya. Umupo na lang ako sa upuan ko at nagscan ng mga gagawin, baka, mamaya magparecite si ma'am, wala kong masagot. Ano kaya yung importanteng ginawa nun kaya antagal.
*Kringgg!!! *
Tumunog na ang bell at lahat, di parin bumabalik si Marc dito, nagcutting siguro yun, tss. Kakatapos lang magturo ni ma'am at uwian na.
Dumiretsyo naman na ako sa bahay pagkatapos kung ligpitin ang mga gamit ko. Nagbless ako kay mama pagkatapos. Kami lang ni mama ang nandirito, wala na si papa, namatay na daw sabi ni mama.
Si mama lang ang bumubuhay sa akin, tindera sya sa palengke at sakto lang naman ang kita nya sa pangaraw araw.
Dumiretsyo na ko sa kwarto ko. Mamaya ko na lang gagawin ung assignment ko. Ng bigla kong maalala yung lanaginip ko-ayyy!., oo nga pala di pa tapos yung kissing scene, matutylog na ko.
Tinanggal ko na ang uniform ko at tinira ang sando at short, sabay lundag sa kama at mayayamayay nakarulog na ako.
............ Zzzzzzzzzzzzzzzz...........
************************
Pagkatapos kong halikan si Justine ay niyakap ko ito ulit. Sobrang saya ko dahil sa tagal naming naghintay ay magiging kami na.
"Mare, di mo alam kung gano ako kasaya, hinding hindi kita bibiguin, mahal na mahal kita". Nakayakap pading usal nito sa akin. Napangiti naman ako at tumugon.
"ako din, Justine, maraming salamat at di ka nagsawa saaking maghintay. Mahal na mahal din kita". Naluluhang usal ko habang kumakalas na sa pagkakayakap.
Pinagmasdan ko naman ang mukha nitong namamasa dahil sa pag luha nya.
Pinunasan ko naman ang mukha nito habang nangingiti na. Mahal na mahal talaga kita. Napangiti na rin ito at umayos na kami ng tayo.
"haha, tama na ang drama, kainin na natin ung pinaghirapan mo". Nangingiti ng sabi ko at bumalik na kami sa pwesto. "haha, tama nga". Tugon nito na may pagsinghot pa dahil sa paiyak.
Pagkatapos ng pagsasalo namin, ay bumaba na kami, sakto naman ang pagtunog ng bell. Hudyat na recess na.
Magkahawak ang kamay naming bumaba papunta sa room na may ngiti sa labi, habang kinikilig ang bawat nakakakita saamin. Boto talaga silang lahat saaming dalawa.
"sila na kaya?"
"ayyy!, kinikilig ako!"
"bagay talaga sila!"
"sana lahat"
Kahit pagkaupo, magkahawak pa din kami ng kamay. Napapangiti na lang tuloy ako. Magkatabi kami ng upuan, napansin naman kami ni Mae kaya siniko nya ko nang mahina.
"huy huy,,! Ano yang paghawak ng kamay na yan!?." kinikilig na wika ni Mae habang palipatlipat ng sulyap sa kamay naming makahawak at saming dalawa ni Justine.
Inangat ko naman ang kamay naming dalawa ni Justin at ngumiti. "Kami na".
Malawak na saad ko kay Mae (mey).
Nagkatili tili naman si Mae kaya naka agaw sya ng pansin sa loob ng room. Sabay sigaw nang. "sila na!!". Kaya ayun, napatingin ung iba tas napalakpakan at ung mga babae kinikilig. Nakakatuwa naman, nakakataba ng su-puso!.
Pinatapos lang naming tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang recess at hinintay na dumating si ma'am.
Pagkalabas ng gate papunta sa parkingan ay naghiwalay na kami ni Justine, kasi may kanya kanya kaming kotse kaya di nya ko mahahatid sa bahay. Hinalikan ko na lang sya sa pisngi at umalis na. "bye, ingat". Paalam ko sa kanya, tumugon naman ito.
Pagkauwi sa bahay ay nadatna ko lang si papa. Wala si mama kasi nasa work, bale salit salitan silang dalawa sa pagmamanage ng kumpanya namin.
Nagbeso naman ako kay papa at pagkatapos ay umakyat na sa taas para tapusin ang mga assignments ko. Naramdaman ko namang tumunog ung cellphone ko kaya napatingin ako doon.
Nagtext si Justine, napangiti naman ako.
("nakauwi na ko, i love you") - Tine (justine)
("ako din, i love you") - me
Pagkatapos kung tumugon ay pinatay ko na ang cellphone ko at natulog na. Di na muna ko kumain kasi nabusog pako kanina sa kinain namin ni Justine.
........ Zzz zzz zzzzz.......