Alexa Nagulat ako sa tunog ng alarm clock sa tabi ko kaya agad akong napabalikwas sa higaan. Alam kong hindi gagana ang body clock ko ngayon dahil napuyat ako kagabi kaya kinailangan kong mag-set ng alarm. Halos kakaidlip ko nga lang at inumaga na ako ng tulog. I tried my best to get a sound sleep but thoughts of me and him while kissing intensely kept playing in my mind. Ang dami ko na ngang ginawa para dalawin ng antok pero walang nangyari. Nagbilang ako ng isang daang tupa sa kisame ng paulit-ulit, uminom din ako ng ilang basong gatas pero walang nangyari. Gosh! I never thought na magagawa kong makipaghalikan ng ganun ka-intense. Even in my wildest dream hindi ko nakita ang sarili ko sa gano'ng sitwasyon. Ang wild! Wild to the extent na muntik na akong magpabasag. I've almost surrend

