Kanina pa ako paiko-ikot dito sa loob ng kwarto. Hindi talaga ako mapakali at gusto kong sabunutan ang sarili kong buhok dahil sa karupukang ginawa ko. Nagpatangay na naman ako sa binubuyo ng isip ko at pinairal ang kalandian ko. Umiral 'yung mga naglalaro sa isip ko at sinagot ko siya agad. I did'nt even think twice at hindi man lang ako kumurap nu'ng sinagot ko siya. Basta sumige na lang ako without even thinking na hindi pa nga siya nanliligaw sa akin. And take note, two weeks palang kami magkakilala. Ni wala man lang akong kaalam-alam tungkol sa kanya maliban sa pangalan at ugali niyang pabago-bago. And addition to that, boss ko siya for heaven's sake! Ano na lang ang iniisip niya sa akin ngayon? Easy to get ako? Hindi ko man lang inisip 'yung mga possible prons and cons ng ginawa kon

