GUSTO kong tumawa ng malakas nang makita kong lumabas sa ilong ni Gevren ang juice na iniinom niya at sunod-sunod na napaubo. Nang mahimasmasan ay tumingin siya ng seryoso sa amin habang tinatapik-tapik ang kanyang dibdib. "Seryoso? Pero bakit ang sabi niya kanina ay maid mo siya? And knowing you? Kahit kailan ay hindi ka nagdala ng babae mo rito." "Medyo nagkatampuhan lang kami kanina kaya siguro nasabi niya iyon sa ’yo. Right, baby?" tumingin ako kay Alexa at mas lalo ko pa siyang hinapit palapit sa akin. Dama ko ngayon ang malambot niyang katawan at nasasamyo ko ang kanyang mabangong amoy. She looked at me questioningly and her looks, hindi maintindihan kung natutuwa o naiinis sa ginagawa at pinagsasasabi ko. Muli kong inilapit ang bibig sa kanyang tainga para bumulong. "Just preten

