CHAPTER 11

2575 Words
I almost fell under the magic of his spell. Muntik na niya akong mapapayag na halikan siya. Napaka- inviting naman kasi ng mga labi niya. God! Ang pula-pula. Ang lambot-lambot. Tapos ang bango-bango pa ng hininga niya. Pero sorry na lang siya dahil alam ko ang salitang self-respect. Kahit bastos minsan at walang filter ang bunganga ko, alam ko naman pahalagahan ang sarili ko. Kaya manigas siya! Kahit ubod pa siya ng gwapo at parang knight in shining armor ang datingan, hindi niya ako matityansingan. Buti na lang nalasing ang timang na 'yon at hindi natuloy. Pero what if natuloy yung kiss? Bakit parang nagsisisi ako na hindi natuloy? Asan na ang self-respect na sinasabi ko? Kailangan ko pa rin ipaalala sa sarili ko na boss ko siya. It's unprofessional to call him by his name pero siya naman ang may gusto no'n. Para libangin ang aking sarili at mawala sa isip ko ang gabing iyon, kinuha ko na lamang ang walis tambo sa cabinet na pinaglalagyan ng mga panlinis. Baka mamaya ay may naka-install palang CCTV cameras. Makita pa ako ni Magnus na walang ginagawa. Kahit pa nga wala naman talagang dapat linisin pa dito, maglilinis parin ako. Sobrang linis at kahit langaw mahihiyang dumapo. Kung tutuusin pwede na akong humilata maghapon. Walis-walis lang kahit wala namang kalat. Punas-punas kahit wala naman alikabok at magluluto pero ako lang din naman ang kumakain sa niluluto ko. Pangalawang araw ko na ngayon dito pero parang hindi ko nararamdaman ang pagiging katulong ko. Para lang akong nagbabakasyon dito sa penthouse ni Magnus. Ang sabi niya kaya kinuha niya ako rito kasi sawa na siya sa mga pagkain sa labas at gusto naman niya ng lutong-bahay. Pero hindi naman siya kumakain dito. Nasasayang lang ang mga niluluto ko. Ni hindi nga din niya ako masyadong iniimik. Nakakalungkot lang kasi no'ng una kong gabi dito, akala ko magkakasundo na kami. Nagbibiruan pa nga kami no'ng unang gabi ko dito. Tapos ngayon kapag makita niya ako, nagmamadali siya laging umalis. Iniiwasan yata niya ako. Dahil kaya hindi ko sinunod 'yong sinabi niyang halikan ko siya? Dapat ba ginawa ko na lang 'yon? Naapakan ko kaya ang pride niya sa pagtanggi ko na halikan siya? Parang humihingi lang naman kasi ng candy kung makautos na halikan ko siya. Ang dami namang pwedeng ipagawa sa akin, bakit kasi 'yon pa? Kahit sana pinagapang o pinagulong niya ako o kahit pinakain ng sili keri ko pa. Timang kasi talaga ‘yon. Porke't nakahalik na siya sa akin pwede na niyang ulitin? Namimihasa. Pero sayang din talaga. Mula sa kunwaring pagwawalis na walang direksyon, napalingon ako sa elevator ng tumunog iyon. "Himala, ang aga yatang umuwi ng bugok na Magnus na ‘to." Umayos ako ng tayo at dahan-dahang lumapit sa elevator. Hinintay kong bumukas ang lift pero iba ang taong iniluwa ng elevator at hindi si Magnus. Iniluwa nito ang isang matangkad at gwapong lalaki. Napaatras ako at itinaas ang walis tambo pang-self defense. Malay ko ba kung sinong pontio pilato ang isang ito? Mas mabuti na ang handa. Subukan niya lang gumawa ng masama ihahampas ko sa pagmumukha niya itong walis tambo na hawak ko. "Sige, lumapit ka nang magkamatayan tayong hinayupak ka," bulong ko sa sarili ko. "S-Sino ka?" I stuttered to speak. Halatang nagulat din ang lalaki nang makita ako. Nakakunot ang noo nito habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nakita ko pa ang pagpasada nito sa akin ng tingin mula ulo hanggang paa bago dere-deretsong naglakad patungo sa upuan. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa ngumiti ito sa akin at nagsalita. "Pwede mo nang ibaba ang walis tambo. Baka mamaya ipalo mo pa sa akin ‘yan, eh. Don't worry I'm harmless. Kaibigan ko si Magnus. And besides, hindi naman ako makakapasok dito nang walang access, ’di ba? Akala ko kasi nandito siya but I'm surprised na may kasama na pala siya rito." Dahan-dahan kong ibinaba ang walis tambo at pilit ang ngiting ibinigay sa kanya. "Sorry po. Wala kasing sinabi si Magnus na may dadating pala siyang bisita. Wala po kasi siya dito. Pumasok po sa opisina." Tumaas ang kilay ng lalaki at ini-stretch ang dalawang kamay sa backrest ng upuan. "Do you mind if I ask kung sino ka? Ngayon lang kasi nagkaroon ng ibang tao dito sa penthouse ni Magnus. And surprisingly, babae pa. Hindi kasi ‘yun nagdadala ng babae dito maliban sa secretary niya. Are you one of his. . .You know. . . one of his flings? Girlfriend?" "Ay, naku hindi po. Malaking ekis. Never na mangyayari ‘yon. Ako po si Alexa, maid po ako ni sir Magnus. Noong nakaraan lang po ako napunta rito. Pero huwag niyo pong sasabihin na nilagyan ko ng 'sir' yung pangalan niya, ha? Baka kasi magalit na naman ‘yun kung anu-ano na naman ang ipagawa sa akin. Ang lakas pa naman ng saltik nu’n. Parang palaging may regla." Napatakip ako ng bibig. Masyado na yata akong madaldal at kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig ko. Sinabi ko pa na saltik siya kaya baka isumbong nga ako nito sa kaibigan. Napakamot ako sa ulo noong tumawa nang malakas ang bisita. Halos maluha-luha pa ito nang tingnan ko. "You made my day. Don't worry my lips are sealed. Hindi ko sasabihin sa kanya kasi totoong may saltik ‘yon. I like you. Magkakasundo tayo." Pinilig-pilig pa nito ang ulo at parang ayaw nang tumigil sa kakatawa. May saltik din yata ‘to. Sabagay hindi naman malayong mangyari at magkaibigan sila ni Magnus. Birds of the same feather flocks together ika nga ng kasabihan. Katulad din namin ni Angelique. 'Yon nga lang, para kaming tubig at langis. But that's the wonder of friendship, right? Kahit pa magkaiba kayo ng personality kung nagkakasundo kayo sa mga bagay-bagay, you will definitely click. At sigurado akong si Magnus at itong kaibigan niya gano’n din. Baka parehas pa nga silang manyak. "Baka po mainip kayo sa paghihintay kay Magnus. Pwede po kayong bumalik mamaya pagdating niya. Gabi na po kasi ‘yon kapag dumadating. Hindi naman po sa pinapaalis ko kayo pero parang gano’n na nga." "Itext ko nalang si Magnus. Sasabihin kong nandito ako." He looked at me with an amused smile. Iiling-iling pa ito na may nakaplaster na ngiti sa labi sabay hugot sa cellphone na nasa bulsa. Nagsimula itong magtipa mula doon. "Ahmm. . . may gusto po ba kayong inumin habang naghihintay?" alok ko sa kanya. "Bigyan mo nalang ako ng whiskey. I'm sure maraming stock si Magnus sa mini bar. Hindi naman nawawalan ‘yon." "Ay, sir, maaga pa po para sa alak at saka hindi po pwede. Kung gusto niyo po, hintayin niyo na lang siya," aniko. Mula sa pagtitipa sa cellphone, napabaling sa akin ng tingin ang binata. "Bakit naman bawal? Ikaw na rin ang nagsabi na baka mamaya pa dumating si Magnus. Bakit ko pa siya hihintayin? Natatakot ka ba na malasing ako at may gawin akong masama sa 'yo?" Walang pag-aalinlangan akong tumango. "Opo. Baka mamaya m******s ka pala kapag nakainom ka na katulad no’ng kakilala ko. Kapag nakainom nagti-take advantage. Gustong manantsing." Bumunghalit ulit ng tawa ang lalaki. Napaisip tuloy ako kung ano’ng nakakatawa sa mga sinasabi ko. Mukha ba akong clown o komedyante para lahat ng sabihin ko tinatawanan nito? O baka naman siraulo din itong tulad ni Magnus? Aakalain mo ba na ang mga mayayaman at gwapong nilalang na katulad nila ay parang takas sa mental? "Ang cute-cute mo talaga. Sino ba ‘yung tinutukoy mo? Si Magnus ba? Sabagay hindi na ako magtataka." Nakangisi nitong sabi. Nag-init naman ang mga pisngi ko sa sinabi nito kasi totoong si Magnus ang tinutukoy ko. "Hindi ah. Ano—yung mga tambay sa amin. Oo tama. Yung mga tambay nga." Naglumikot ang aking mga mata at umiwas ng tingin sa kanya. "Oh, bakit ka nauutal?" "Sabihin mo na lang kasi sa akin kung ano’ng gusto mong inumin, sir, basta huwag lang alak. Tirik na tirik pa ang araw, oh. Masama sa atay ang alak. Gusto mo bang masunog ’yang atay mo? Juice nalang o kaya kape. Soda, tsokolate at gatas meron din. Basta huwag lang alak. Kung gusto mong uminom ng alak balik ka nalang mamaya kapag meron na si Magnus para sabay kayong magsunog ng atay." He smirked. "Napakaswerte naman ni Magnus sa 'yo. Baka pwedeng hiramin din kita minsan kapag magpapalinis ako ng condo ko? Don't worry harmless talaga ako. Kahit ipa-background check mo pa ako. Hindi naman ako nangangain ng tao. By the way para maniwala ka, I'm Gevren Nicholo Moretti. President and CEO of Universal Recording." Namilog ang mga mata ko sa narinig. Universal Recording lang naman ang pinakasikat at pinakamalaking recording company sa buong bansa at gumagawa na rin ng pangalan sa iba't ibang bahagi ng mundo. Marami na rin itong na-handle na mga sikat na singers abroad. "Talaga? Ikaw ang may-ari ng Universal Recording?" Parang hindi ako makapaniwala at bahagya pang lumapit sa kanya. "Yeah. Kaya kung may gagawin man akong masama sayo madali mo lang akong ipahanap. But I promise, I'll do no harm most specially sa 'yo. Hindi ako nangangagat. Hindi rin ako nagti- take advantage at higit sa lahat hindi kita ti-tyansingan." Kumindat pa ito sa akin. "Kahit na. Basta bawal pa rin ang alak. Juice nalang. Period." "Alexa ang pangalan mo, hindi ba?" Tumango ako at pupunta na sana sa kusina nang magsalita ulit ito. "Alexa. . . bagay sa 'yo. Maganda, kasing ganda mo." "Alam ko kaya hindi mo na ako kailangang bolahin. Hindi parin kita bibigyan ng alak. Kaya, sir, manahimik ka na diyan at ikukuha kita ng juice." Magnus NASA kalagitnaan ng pagbabasa si Magnus sa isang revision ng proposal nang may matanggap siyang text message. Sinulyapan niya lang ang cellphone at nakitang si Gevren iyon. Wala sana siyang balak buksan ang mensahe nito pero nasundan pa ng isang mensahe kaya napilitan siyang kunin at basahin. Nandito ako sa penthouse mo. Alexa is very adorable. Can I borrow her? Pagkabasa ng mga mensahe galing kay Gevren, agad niyang inayos ang sandamakmak na mga papeles sa ibabaw ng kanyang mesa at nagmamadaling lumabas. "That asshole! Subukan niya lang hawakan kahit dulo ng kuko ni Alexa. I'll squeeze his balls!" Agad na nabaling ang tingin ni Mahara sa kanya nang lumabas siya ng kanyang opisina. "Boss! Akala ko ba magiging busy ka kaya ayaw mong paistorbo? Saan ka pupunta? Parang may giyera kang pupuntahan, ah." "Take in charge. Bahala ka na muna dito. Aalis lang ako saglit at may puputulan ako ng kaligayahan." Malalaki ang hakbang niyang tumungo sa elevator at naiwang nakatanga si Mahara sa kanya. "Tumira na naman ng katol si boss. Sinusumpong ng tililing." Napailing-iling lang si Mahara at nagkibit balikat at saka muling umupo para ituloy ang ginagawa. While on the other hand, nagngingitngit sa inis si Magnus habang nasa daan. Nataon pa na traffic. Ilang beses niyang pinindot pindot ang busina ng sasakyan at dahil sa frustration, nahampas niya ang manibela ng ilang ulit. Kung ano- ano na ang naglalaro sa isip niya habang magkasama sina Gevren at Alexa. Knowing Gevren, alam na alam niya ang karakas nito pagdating sa mga babae. Napahilamos siya sa mukha gamit ang mga palad. Nakaisip siya ng ideya nang may dumaang motor sa gilid ng sasakyan niya kaya bumaba siya. Inabangan niya ang kasunod na motor at nang may paparating, agad niyang pinara. Tumigil naman ang motor at nagtatakang tumingin sa kanya. Tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa. Sino ang hindi? Nakasuot ng suit tapos nakasuot pa ng mamahaling sapatos. "Bakit po?" tanong ng lalaking nakamotor. "Do you want to switch? Take my car and I'll take yours. Nagmamadali lang talaga ako." Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito. Ang alam niya lang ay kailangan niyang makarating agad sa penthouse niya. Kung malalaman ng mga kaibigan niya itong ginagawa niya ay talagang pagtatawanan siya ng mga ito. Ngunit wala siyang pakialam. Agad na pumayag ang may-ari ng motor at iniabot sa kanya ang susi at helmet. Buti na lamang at 'yong pinakamurang sasakyan niya ang ginamit niya ngayong araw. Ang galing nga naman ng pagkakataon. Isinuot niya ang helmet at walang sinayang na sandali. Sumampa siya agad sa motor at pinaharurot iyon. Kung saan-saan siya sumiksik hanggang sa umabot sa bandang medyo maluwag at hindi masyadong traffic. Ni sa hinagap hindi niya aakalain na gagawin niya ang ganitong bagay kaya gusto niyang pagtawanan ang sarili. Wala pang trenta minuto ng makarating siya sa building. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga empleyado niya at mga tao dahil dumating siyang nakamotor lang. Agad siyang sumakay sa elevator. Nagiging oa na siya dahil halos murahin na niya ang elevator para makarating agad. He immediately stepped outside and saw Gevren sitting in the couch while drinking his glass of juice. Ngumiti pa ito sa kanya ng nakakaloko pero hindi niya ito pinansin at si Alexa agad ang hinanap ng mga mata. "Where's Alexa?" As if on cue, lumabas si Alexa mula sa kusina at may hawak na platito na may lamang empanada. Ngumiti ito sa kanya na kaagad nagpawala ng inis niya. What can I say? She's really a ray of sunshine. A breath of fresh air. "Hinihintay ka ni Gevren. Gusto niyang uminom ng alak pero sabi ko hintayin ka nalang." Napangiti siya sa sinabi ng dalaga. Bakit ba hindi siya nagtiwala dito na hindi siya mahuhulog sa babaerong si Gevren? Lumapit si Alexa sa kinaroroonan ni Gevren at inilapag ang hawak. "Thank you, Alexa," Gevren said. "Ikukuha rin kita ng miryenda. Upo ka na." She smiled at him like it was the sweetest smile he has ever seen. Pagtalikod na pagtalikod pa lang ni Alexa agad niyang tinabihan ng upo si Gevren at pasimpleng sinipa sa paa. "Ouch! What? Bakit ka naninipa diyan?" reklamo nito sa kanya habang hinahaplos ang paang sinipa ni Magnus. "Why are you here? Ni hindi ka nagpasabi agad na pupunta ka rito." "Dati na akong pumupunta rito kahit walang pasabi sa 'yo. So what's the problem now?" Ngumisi ito sa kanya at tumingin sa kusina bago muling bumaling sa kanya. "Is it because of Alexa? You don't want me to know about her, right?" Inirapan niya lang ang kaibigan at hindi agad nakapagsalita. "None of your business, gago." "Pwede ko ba siyang hiramin sa susunod?" "No! Hindi pwede. Maghanap ka ng sarili mo dahil hindi ko siya ipinapahiram kahit kanino lalong-lalo na sa 'yo," singhal nito sa kaibigan "Ang damot mo naman. Hindi ko naman aagawin sa 'yo, hihiramin ko lang." Nag-pout pa ito ng labi na parang bata. Nang makita niyang papalapit si Alexa nilapitan niya ito kaagad at walang pag aalinlangang niyakap sabay bulong. "Steady ka lang. You owe me right? Hindi ka pa bayad sa parusa mo no’ng nakaraan. 'Yang si Gevren may sakit sa utak 'yan. Nakakatakot 'yan kapag sinumpong ng sakit kaya kung anong sasabihin ko, huwag kang aangal, okay?" Nang maramdaman niyang tumango ang dalaga saka lang siya kumalas sa pagkakayakap niya pero ipinulupot niya parin ang kamay sa bewang nito. Ramdam niya na natigilan ang dalaga. Tumingin muna siya sa kanya at ngumiti bago bumaling kay Gevren. "Gevren, I want you to meet, Alexa." Isang beses pa siyang sumulyap sa dalaga bago muling magsalita. "My girlfriend. . ." Halata ang gulat sa mukha ni Alexa habang malalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Samantalang si Gevren ay napabuga ng juice dahil sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD