CHAPTER 4

2398 Words
Alexa MALULUTONG na halik ang nagpagising sa aking mahimbing na pagtulog. Iminulat ko ang aking kabilang mata samantalang ang kabila ay nakapikit pa. "Happy birthday, ate!" "Happy birthday, apo!" Masayang mukha ng aking kapatid at lola ang bumungad sa akin kaya napadilat na ako nang tuluyan. Nagkusot ako ng mga mata pagkatapos ay bumangon at naupo sa aking kama. "Thank you, Bunso.Thank you, Lola." Pinupog ko rin sila ng halik sa mukha habang nakayakap ako sa kanilang dalawa. Nagawi ang aking paningin sa hawak ni Siri na cupcake na tig-anim na piso ang presyo. May nakalagay sa gitna nitong maliit na kulay pink na kandila at 18 na numero sa gilid gamit ang krimstix na tsokolate. "Oh, blow mo na." Nguso pa nito sa hawak. Naalala ko tuloy 'yong mga panahong kumpleto pa kami. Iyong tuwing birthday naming magkapatid ay may handaan. Sa umaga, ang gigising sa amin ay sina Nanay at Tatay, tapos may surpresang cake. Pero wala, eh, sadyang ang lahat nagbabago. Hindi rin lahat ng bagay na kapag nakasanayan mo na ay mananatili sa ’yo habang buhay. Iyong iba ay mawawala na lang nang hindi mo inaasahan. 'Yong iba nga mawawala pa nang hindi mo alam ang dahilan. Katulad ni tatay. Napabuntong-hininga na lamang ako pagkatapos ay muling pinasigla ang sarili. Birthday ko ngayon kaya bawal ang negatibong bagay. Umakto akong iihipan ang cupcake na bigay ni Siri. "Hep! Wish ka muna, Ate." Agaw ni Siri sa cupcake at inilayo ng konti. Pumikit ako at humiling nga ng wish kahit alam ko naman na malabong mangyari. "Lord, sana ma-meet ko na ang mag-aahon sa akin sa kalungkutan. Sana mahanap ko na ang superman ng buhay ko hihi." Natawa pa ako ng bahagya sa wish ko. Ang dami namang pwede, bakit 'yon pa? "Ano’ng wish mo?" curious na tanong sa akin ng kapatid ko. "Secret. Baka mausog pa, eh." Ginulo ko ang buhok ng kapatid ko pagkatapos hipan ang kandila. "Magluluto ako ng pansit at lumpiang shanghai mamaya. Tawagin mo si Angelique, apo, ha? Pasensiya ka na at 'yon lang ang kaya ng budget ng lola." "Okay lang, 'la. Kahit wala na nga sana dahil siya pang gastos." "Naku! Minsan lang naman, Ate. At saka debut mo naman ngayon. Sayang nga lang dahil wala kang eighteen roses." "Pang mayaman lang 'yon , ’no! Kapag ikaw nalang ang nag-debut. Sakto dahil nakatapos na ako no'n." Tiningnan ko ang relong nakasabit sa dingding. Alas singko y media na. Kailangan ko nang maghanda sa pagpasok. WALA sa tambayan namin si Angelique kaya tinungo ko na lang ang classroom. Pagbukas ko ng pinto ay biglang bumulaga sa akin ang ilan sa mga kaklase ko at isa-isang nagbigay ng pulang rosas habang isinasayaw ako sa saliw ng kantang Beauty and the Beast. Labing walo lahat ang mga iyon. Panghuling nagbigay si Anton. Kinilig na naman ako. Konting-konti nalang talaga mabibisto na ako na may crush dito. Siguradong si Angelique na naman ang nasa likod ng surpresang ito. Syempre sino pa nga ba? Hindi nga ako nagkamali dahil pagkatapos akong iikot ni Anton at tumigil ang music ay tumayo si Angelique na may hawak na pabilog na cake. May pangalan pa iyon ng isang sikat na bakeshop. "Surprise! Happy birthday, bes!" mahinhin nitong sabi habang nakangiti. "Hindi naman ako na-inform. May pa-party pala rito. Kung alam ko lang, eh ’di sana nag-gown naman ako para suwak na suwak" "Eh ’di hindi na surprise kapag sinabi namin sa 'yo, baliw!" "Ay, oo nga, ‘no?" “Sira!” “Thank you sa inyong lahat!" pasalamat ko. Saktong bumukas ang pinto at pumasok ang prof namin. Dudugo na naman ang utak ko. Financial Accounting ang una naming subject. Happy birthday, self. Kaya natin 'to. ALAS-KUWATRO ng hapon ang labas namin sa campus. Hihiramin ko nalang ang notes ni Angelique para sa bahay nalang ako mangopya. "Bes, tara sa bahay. Nagluto si Lola ng lumpia at pansit," pabulong kong sabi sa kaibigan ko. Baka kasi marinig ng ibang kaklase namin. Alam ko naman na kalahating kilong bihon lang iyon. Nakakahiya at hindi ko mayaya 'yong ibang kaklase namin kaya binulungan ko nalang ang kaibigan ko. "Susunod na lang ako. Magbibihis lang muna ako, tapos magpapaalam ako kay Nanay, ha?" "Oh, sige, basta sumunod ka, ha? Tatlo lang kami do'n. Hindi namin mauubos 'yon. Kapag 'di naubos, iinitin na naman ni Lola bukas. Kaumay." "Oo nga. Sige na mauna na ako para makasunod ako agad," paalam nito. Nauna na siyang umalis. Papara narin sana ako ng tricycle pero may tumawag sa pangalan ko. Napahinto ako at lumingon "Alexa!" ‘Yung kamay ko na nahinto sa ere para pumara sana ng tricycle ay muli kong ibinaba. Yung pamilyar na dagundong ng dibdib ko, hayan at nagpaparamdam na naman. Si Anton! Nginitian ako nito pagkatapos ay patakbong pumunta sa gawi ko. "Oh, Anton, may kailangan ka?" Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at niyakap ang aking libro. "Nakalimutan mo,” aniya sabay abot nito sa box ng cake at pumpon ng bulaklak sa akin. "Ay, oo nga pala. Naku, pasensiya ka na. Mukhang inihabol mo pa 'to." Akmang kukunin ko ang mga inaabot niya pero hindi ko pala kakayanin. Sa libro pa lamang na hawak ko at box ng cake ay hindi na kaya ng kamay ko. "Kaya mo bang hawakan lahat?" tanong ni Anton na mukhang napansin ang pagkaalangan ko sa pagkuha ng bulaklak sa kaniya. "Ilapag mo nalang. Sasakay naman ako sa tricycle, eh.” "Hatid na lang kita," alok nito pero tinaggihan ko. "Huwag na. Okay lang ako. Papara na lang ako ng tricycle kaya ilapag mo nalang." "Sure ka ba? Pauwi na rin naman ako. Baka mahirapan ka niyan.” "Oo, okay lang ako. Ano ka ba? Huwag ka nang mag-abala," nakangiting ani ko. "Pero baka kasi—" naputol siya sa pagsasalita nang may malakas na boses na tumawag sa akin. "Alexa!" Mula sa kabila ng kalsada ay lumabas sa isang magarang sasakyan ang isang matangkad at matipunong lalaki. Parang may kung anong sumipa sa dibdib ko nang makita ang gwapong mukha ni sir Magnus. Ang mga kapwa namin estudyante sa paligid ay nakuha agad ng atensyon niya. Pero ano’ng ginagawa niya rito? Ay iyong cellphone ko nga pala ay ihahatid ng poging kabalyero na ito—kabalyero na walang kabayo pero nangangabayo. Patakbo siyang lumapit sa amin ni Anton na nakangiti. "Kilala mo?" pabulong na tanong ni Anton sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. Hindi naman nila alam dito sa University na tatlo-tatlo ang trabaho ko tuwing week ends, eh. Hindi naman sa ikinakahiya ko ang pagiging working student ko kundi hindi ko naman kailangang ipagsigawan sa lahat iyon. "Sir, Magnus," sambit ko sa pangalan niya no’ng makalapit na siya sa amin. "Tara na." Sumulyap pa siya kay Anton na may basag na ngiti pagkatapos ay sa mga hawak-hawak ko. "Saan po?" tanong ko. Bakit niya ako niyayaya? Eh, cellphone lang naman ang ibabalik niya sa akin? "Nasa sasakyan ko ang phone mo. Hatid na lang din kita sa inyo,” sagot niya. Hindi na ako nakapagprotesta nang damputin niya lahat ng mga paper bag pati na ang karton ng cake na nakalapag sa semento. Iisang kamay lang ang ginamit niya para sa mga iyon. Ang kabila ay hinawak niya sa palapulsuhan ko. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya. May kakaiba kasi sa hawak niya. Para akong nakuryente at ang tiyan ko, parang may mga naglalarong mga kulisap sa loob. Parang naglalandian sila. Nilingon ko si Anton para magpaalam. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Sino ba naman ang hindi? Bigla nalang akong hinila ng lalaking 'to. "Ayos ka lang ba, Alexa?" Dinig kong tanong ni Anton. Saglit ko siyang nilingon para tanguan. Pinagbuksan ako ni Sir Magnus ng pinto ng sasakyan sa may bandang passenger's seat. Magkatabi kami! "Get in," may diin niyang utos. Nakadama ako ng takot. Sino ang hindi ’di ba? Makapag-utos feeling close. At saka unang encounter palang namin pangit na ang nakita ko sa kanya. Tapos ngayon ay basta-basta na lang nanghihila. Pero tila may nagtulak sa akin at kusa na lang akong sumakay. Mabilis siyang umikot sa may driver's side at kaagad na binuhay ang makina ng sasakyan niya. "Fasten your seatbelt, Alexa," maawtoridad niyang utos. Hindi ako nakatingin sa kanya pero sinulyapan ko siya sa gilid ng aking mga mata at doon ko nakita kung gaano kalukot ang mukha niyang pogi. May regla yata 'tong lalaking 'to, eh. "Manliligaw mo ba ’yon?" Biglang basag nito sa katahimikan. Lumingon ako sa kanya pero ’yong itsura niya parang hindi maipinta. Parang nagpipigil ng tae. Ano kayang kasalanan ko sa kaniya? Galit ba siya dahil naistorbo siya sa paghahatid ng cellphone ko? "Po?" tanong ko. Ang aliwalas lang ng mukha niya kanina. Bakit biglang nag-iba ang awra niya? "’Yung nagbigay niyang mga bulaklak at mga regalo sa ’yo," tanong niya sa mahinang boses. Pero paki naman kaya niya? "Boyfriend mo ba o manliligaw? Dapat sinabi mo kanina para isinabay na lang din natin siya. Nakakahiya tuloy sa kaniya." Malumanay ang pagsasalita niya pero nang mapatingin ako sa mga kamay niya na nasa manibela, mariing nakakuyom ang mga iyon tapos ang panga niya parang nagngangalit. Nakakatakot na siya. Sasabay pa ba ako pauwi o hindi nalang? Bumaba na kaya ako? "Sir, kaklase ko lang po si Anton." Hindi ko tuloy alam kung ano’ng mararamdaman kaya nagkasya nalang ako sa pagtingin sa labas ng sasakyan. Ilang sandali pa'y huminto kami sa isang Flower Shop. Tiningnan ko siya para sana magtanong kung bakit kami narito pero lumabas na siya at pumasok sa loob ng shop. Wala man lang paalam at basta iniwan nalang ako dito sa loob ng kotse niya. Limang minuto lang naman ang itinagal niya sa loob. Pagbalik niya ay may hawak na itong bouquet ng tulips. Ang ganda. Para siguro sa bago niyang babae. Napailing nalang ako ng palihim. Bagong flavor of the day. Tsk! tsk! Kawawang babae, paglalaruan lang siya ni kabalyero at idadagdag sa hilera ng mga babaeng kakabayuhin niya—este, sasaktan niya. "Para sa 'yo. Happy birthday, Alexa," mababang tono ng boses niya ang nagpalingon sa akin sa kanya. Napatingin ako sa bulaklak pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa kanya. Nakangiti na ito at maaliwalas na ang mukha. "Po?" Napaawang ang labi ko. Akala ko pa naman ay sa bagong babae niya sa araw na ito. Iyon pala ay para sa akin. "Anong po? Para sa iyo 'yan. 18th birthday mo, ’di ba? Sabi mo, October 30. Oh, ngayon ang araw na iyon." Naalala niya ang birthday ko? "Salamat po, sir Magnus." Nagyuko ako ng ulo at pinagmasdan ang bulaklak sa kandungan ko. Perstaym ko ito, day! "Maliit na bagay. Wala ka bang party? Makikikain sana ako ng lumpia at bihon," nakangiti niyang biro. Tumingin siya sa akin kalaunan. Ngumiti rin ako saka umiling tanda na wala ang sagot ko sa tanong niya. "Hindi namin afford ang gano'n, sir. Kung meron man po kaming perang sasapat, mas gugustuhin kong itago nalang para sa pag-aaral naming magkapatid o kaya para sa maintenance ni Lola." Nahihiya man pero nasabi ko iyon. Para tuloy close na close na kami sa isa't isa at nakapag-open ako sa kanya. Mula sa compartment sa harap ng sasakyan ay may kinuha ito at iniabot sa akin pero ang tingin ay nasa daan parin. "Ito na 'yong cellphone." Abot niya sa akin. Saglit lang siya sumulyap at ibinalik ulit ang tingin sa daan. Pero napansin kong hindi lang cellphone yung inabot niya. May maliit na box din na hugis parihaba. "Ay, sir, nasama po 'tong box," wika ko sabay lagay ng box sa harap ng dashboard. "That's for you. Regalo ko sa ’yo 'yan." Sumulyap siya sa akin at ngumiti pa. Muli niyang kinuha ang box at iniabot sa akin. "Ay, naku, sir, hindi ko po 'to matatanggap,” tangggi ko sabay iling ng ilang beses. "Naibigay ko na sa 'yo, eh. Malas daw ‘yung nagbabalik kaya keep it. Para sa ‘yo talaga 'yan. At saka pahihiyain mo ba naman ako?" Wala na akong nagawa kung hindi tanggapin na lang. "S-Salamat po," medyo nahihiya ko pang sagot pero kinuha ko na lang dahil sa sinabi niya. Mamaya ay baka sabihin pa niyang ang arte-arte ko. “Your welcome.” Hindi na siya ulit nagsalita pagkatapos no’n. Pero noong malapit na kami sa kanto kung saan niya ako dating ibinaba noong nakaraang gabi ay pumara na ako. "Sir Magnus, sa tabi nalang po ulit," ani ko. "Hatid na kita sa bahay niyo," sagot niya nang may ngiti. Namilog ang mga mata ko. Hindi bagay ang sasakyan niya roon. At saka baka kung ano pa ang isipin ng mga kapitbahay 'pag nakita akong bumaba sa sasakyang ito. Napakarurumi pa naman ng mga utak ng mga tao roon. "Naku, sir, hindi na po. Nakakahiya naman." "I insist, Alexa." "Pero sir—" "Huwag ka nang tumanggi. Don't worry ihahatid lang kita. Hindi mo mabibitbit ang lahat ng mga dala mo." Napasulyap ako sa mga dala ko sa kandungan ko. Marami-rami nga iyon. Bahala siya. Siya naman ang nagpupumilit. Tumango na lang ako. Makulit naman ang isang 'to kaya siguradong ipipilit din nito ang gusto. "'Yung regalo ko hindi mo ba bubuksan?" Tumango ako. Sinira ko ‘yong wrapper na nakabalot sa kahon na maliit. Namilog ang mata ko nang buksan ko ang maliit na box. Sa pangalan palang ng lalagyan alam kong mamahalin na. Isa iyong hugis paruparo na pendant. Kulay blue ang bato ng parang pakpak at may parang kristal sa gitna. "You like it?" tanong nito at inihinto pa ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Sir, hindi ko po matatanggap ito. Alam ko po kung gaano kamahal ‘to kaya, sir—" naputol ang sasabihin ko nang kinuha nito ang kuwintas sa kamay ko. Lumapit pa siya at isinuot iyon sa aking leeg. Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa aking punong tainga. Tumahip ang kaba sa dibdib ko. Muntik ko na tuloy ipikit ang mga mata ko dahil do'n. Tumitig pa siya saglit pagkatapos ay umayos ng upo. Napalunok ako sa kakaibang titig niya. Para akong napapaso. Buti na lamang at nagbawi na siya ng tingin dahil baka himatayin pa ako sa sobrang kaba. "There. Bagay na bagay sa 'yo. Nakasuot na kaya hindi na pwedeng ibalik," aniya na titig na titig sa akin. Ilang sandali lang ay muli nitong pinaandar ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD