CHAPTER 5

1995 Words
HALOS humaba ang leeg at lumuwa ang mga mata ng mga kapitbahay namin nang makita akong bumaba sa sasakyan ni sir Magnus. Para silang bubuyog na nagbulungan pagkatapos ay titingin-tingin sa amin. Para bang may malaking krimen akong ginawa. Ang sarap pagtutusukin ng mga mata pagkatapos ay putulan ng dila. Didikdikin ang mga iyon, tapos ipakain din sa kanila para alam nila ang lasa ng makasalanan nilang mga mata at dila. Ang morbid kong mag-isip pero kung hindi lang talaga masama, kanina pa pakalat-kalat ang mga mata at dila nila sa kalsada. 'Yong ibang tsismosa talagang natigil pa sa ginagawa na akala mo ngayon lang nakakita ng tao. Kaya ayoko sanang magpahatid pa kasi alam kong magiging tampulan ako ng usapan ng mga chismosang kapitbahay. "Alexa! Nakabingwit yata tayo ng matabang isda, a! Baka pwede mo naman kaming ambunan diyan kahit isang case lang!" Napatigil ako sa paghakbang sa sinabing iyon ni Mang Dado. Nakakasura 'yong itsura niyang nakahubad tapos ang laki naman ng tiyan. Nagsitawanan pa 'yung mga kampon niyang lasenggo. Lahat sila sumang-ayon sa sinabi ng buteteng matanda. "Oo nga naman, Alexa! Pa-birthday mo na sa amin!" dugtong pa ni Mang Tino sabay kanta nila ng birthday song sa akin. Nakakabwisit. Ang kakapal ng mga mukha. Ang lalaki ng mga katawan pero hindi marunong maghanap ng trabaho. Mga palamunin ng asawa. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago ko sila hinarap. "Hindi ko po siya boyfriend. Nagmagandang loob lang po siya na ihatid ako rito kaya huwag naman po ninyong bigyan ng ibang kahulugan. Nakakahiya po sa bisita ko." May diin ang bawat pagbitiw ko ng mga salita. Hindi naman ako yung tipo ng taong tumitiklop nalang. Kung alam kong nasa katwiran ako talagang sasabihin ko 'yong nasa loob ko. "Ang sabihin mo ayaw mo lang na ambunan kami ng biyaya galing diyan sa boyfriend mo. Ang damot mo naman, Alexa, katulad ka rin ng tatay mo na nakabingwit ng mayaman sinarili na ang ginhawa. Baka nga barya lang ng bisita mo ang isang case ng alak, eh. 'Di ba, mga kasama?" Tanong pa nito sa mga kapwa niya lasenggo. Kumulo ang dugo ko at halos umusok sa init ang bumbunan ko. Bakit pa nila ipinaalala yung kasalanan ng tatay? 'Yung mga tsismosa patuloy sa pagbubulungan. Nakakawala ng pasensiya. Ang kakapal talaga ng mga mukha. Sisinghalan ko na sana ulit sila dahil hindi na ako makapagtimpi pero nakita ko sa gilid ng aking mata ang paggalaw ni Sir Magnus. Dumukot ito ng lilibuhin sa pitaka pagkatapos ay ibinigay sa kanila. Siguro nasa tatlong libo rin 'yon! ''Sir Magnus!" tutol ko pero kinuha na agad ng mga hinayupak. 'Yung mga ngiti nila abot-abot hanggang tainga. "Thank you, bossing!" tuwang-tuwang pasalamat nila. "Oh, Alexa, galante pala 'yang boyfriend mo, eh. Thank you ulit bossing!" "Hindi ko nga siya boy—" "Hayaan mo na ipasok nalang natin tong mga 'to," putol ni sir Magnus sa sasabihin ko. Gusto ko siyang pagsabihan tungkol sa pagbibigay niya ng pera sa kanila pero hindi ko naman pera yung binigay niya. Baka sabihin pa niyang pakialamera ako. Tumango nalang ako tapos nagpatiuna na akong pumasok sa maliit naming gate. Sakto naman ang paglabas ni Siri sa bahay. Halatang nagulat pa nu'ng makita ako na may kasama. Lalo pa noong bumaba 'yong tingin niya sa mga hawak kong bulaklak. Nangungusap 'yong mga mata niya at alam ko na agad kung ano ang gusto nitong itanong. Chismosa din 'tong kapatid ko kung minsan, e. "Ate, may kasama ka?" tanong nito agad pero alam kong may laman 'yong tanong niya. "Ay, wala... wala akong kasama. Aparisyon lang ang nakikita mo," biro ko sa kanya. Nanulis ang nguso nito na ikinatawa ko. "Si Sir Magnus. Siya yung may-ari nung condo na pinalinis sa akin ni ate Sally nu'ng nakaraan." Tumango ito pero nakatitig siya kay Sir Magnus. "Sir, kapatid ko nga po pala, si Siri." Ngumiti si Sir Magnus at inilahad ang kamay sa kapatid ko. Sa una ay parang hindi ito agad nakagalaw. Napapailing ako sa inaakto niya. "Uy! Simonette Rinoah," tawag ko sa kanya no'ng nakatunganga lang ito sa kamay ni Sir Magnus na parang ngawit na ang brasong nakalutang sa ere. Napangiwi pa ito dahil sa pagbanggit ko ng buo niyang pangalan. "Hi Siri, nice name. Alexa and Siri, galing sa sss at Apple's digital voice assistants. Baka may kapatid pa kayong may pangalan na Google assistant?" Bahagya pa siyang tumawa at parang kakaiba 'yong dating no'n. Natawa rin ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang din napansin kung saan galing ang pangalan namin. Parang nataranta si Siri nung tinanggap 'yong kamay niya. "Hello po," bati niya kay Magnus. Bumitiw agad siya pagkatapos ay wala sa loob na pumasok sa bahay. Luh? Anong nangyari sa kapatid ko? Gusto kong matawa sa hitsura niya dahil para bang nakita niya 'yong crush niya. "Pasensiya ka na sa kapatid ko, Sir Magnus. Hindi pa yata nakakainom ng gamot sa utak. Natotorete na naman," hinging paumanhin ko na ikinatawa niya. "Upo muna po kayo. Pasensiya na po kayo at maliit lang po 'tong bahay namin. Parang kasing laki lang ng kwarto niyo." Pinagpag ko muna ang foam ng sofa namin na luma saka ko siya pinaupo. Parang hindi siya bagay sa upuan. Mukha kasi siyang hari tapos uupo lang sa mukhang basurang upuan. "Okay lang, ang mahalaga naman sa bahay ay 'yong mga nakatira. Sandali lang may kukunin lang ako sa sasakyan, ha?" paalam nito. Ano naman kaya? Lahat naman ng dala ko kanina nandito na. Tinanguan ko na lamang siya dahil baka may gamit lang siyang naiwan. Hinanap ko si lola nang makalabas si Sir Magnus. Naamoy ko ang niluluto niyang pansit. Parang natakam ako sa amoy. "'La?" tawag ko sabay silip sa munti naming kusina. Naghahain na pala siya. Lumapit ako at nagmano. "May bisita ka raw sabi ng kapatid mo? Nasaan na?" Nakangiti nitong tanong. "May kinuha lang po sa sasakyan niya 'La." "Lola parang pamilyar po 'yong kasama ni ate, hindi ko lang po alam kung saan ko nakita," sabat ni Siri na noo'y nilalantakan na ang lumpia. "Saan naman? Hmmm. . . baka sa mga magazine o internet? Businessman 'yang si Sir, e. Baka do'n mo siya nakita." "Magandang hapon po." Sabay-sabay kaming napalingon nu'ng may baritonong boses na nagsalita sa b****a ng kusina. "Ano po 'yang mga 'yan?" kunwari'y tanong ko pero obvious naman sa packaging palang. Tuluyan na siyang lumapit at inilapag ang mga iyon sa mesa. Hindi pa nagkasya dahil sa dami no'n. "Ay, 'La, si Sir Magnus po. Siya po 'yong may-ari ng condo na pinalinis ni ate Sally." Iyong hitsura ni Lola ay parang nag-iba. Para bang nangingilala. Kinuha ni sir ang kamay ni Lola at nagmano. “Kaawan ka ng Diyos, hijo. Kay guwapo palang bata ireng amo ni Sally, ano? Nakakatuwa. Pagpasensiyahan mo na lang itong bahay namin, hijo. Pero sana hindi ka na nag-abala pa. Nakakahiya naman sa iyo.” "Ayos lang po, birthday naman po ni Alexa." Tumingin pa siya sa akin. Biglang tumahip 'yong dibdib ko sa uri ng titig niya. Kakaiba. Binaling ko sa iba ang tingin ko at kunwari ay kumuha ng pinggan at kutsara para sa kanya. "Lola, magmiryenda na po tayo at baka gabihin si Sir Magnus sa daan." Agaw pansin ko nalang para maiba ang usapan. Si Sir Magnus na ang naglabas ng mga pagkain na dala niya. Tinulungan siya nina lola at Siri na ihain ang mga iyon. Sobrang dami. Wala naman akong ibang bisita kundi si Angelique lang. "Magbibihis lang po ako," paalam ko sa kanila bago pumasok sa kwarto ko. Inilabas ko muna ang cellphone mula sa aking bulsa para i-text si Angelique. Ang usapan kasi ay susunod siya pero wala pa rin naman. Nasaan ka na bes? Ilang segundo lang nag-reply na siya agad. Angelique: Saglit lang wala pa si nanay. Hintayin ko lang para makapag paalam Okay, wait kita. Hindi ko na siya hinintay pang mag- reply. Nagbihis na ako agad. Nakakahiya naman kay Sir Magnus. Ayoko siyang paghintayin. Lumabas din ako agad pagkatapos magbihis. Dinig na dinig ko ang tawanan nila. Napatingin sila sa akin nu'ng lumabas ako ng kwarto. Umayos pa ng upo si Sir Magnus at matamang tumitig sa akin. Hayan na naman 'yung titig niyang parang nanghahalukay sa tiyan ko. "Eh, lola, eighteen na si ate, ibig sabihin pwede na siyang mag- boyfriend?" Parang inosenteng tanong ni Siri kay lola. Bahagyang uminit ang magkabilabg pisngi ko. Matatampal ko 'tong bibig ng kapatid ko, eh. Pinandilatan ko siya ng mata na parang wala lang sa kanya. Nakuha pang ngumisi. Napatingin ako kay Sir Magnus na noon ay sa baba ng lapag nakatingin. Biglang naging seryoso 'yung mukha. "Ikaw talagang bata ka, sa ate mo nga wala pa 'yang pagbo-boyfriend na 'yan. Mukhang ikaw pa yata ang magtutulak sa ate mong magboyfriend na, ah." Pabiro niya itong kinurot sa tagiliran pero tumawa lang ang kapatid ko. "Kumain na tayo, mamaya pa raw dadating si Angelique, hinihintay pa si aling Elizabeth." Pag-iiba ko sa topic. Hindi na ako komportable sa pinag- uusapan lalo na at nandito si Sir. "Ay, ate, nag-text si kuya Macky, pupunta raw sila rito kasama sina kuya Billy at kuya Santi. Oh, hayan na pala sila." Baling nito sa pinto. May hawak pa ang mga itong dalawang medium size na bilao. Malamang biko iyon at puto. 'Yon kasi ang negosyo nila Tita Mylene. 'Yong mama ni Kuya Macky na kapatid ng nanay ko. "Happy birthday, Alexa!" bati nila sa akin. Kasama niya 'yong iba naming mga pinsan. Parang naging lata tuloy ng sardinas ang bahay namin dahil sa siksikan. "Sir, ayos lang po ba kayo?" bulong ko sa tainga niya. Saka ko lang naisip ang ginawa ko nang lumingon siya at nagtama ang labi namin. Shuta! Nanlaki ang mga mata ko. Parang nagkagulo ang mga lamang loob ko at hindi ko alam kung ano 'yong naramdaman ko. Bigla akong umayos ng tayo dahil para akong napaso. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko. Buti nalang naging busy ang mga kasama namin dito sa bahay. Nasa labas sila at inaayos ang lamesa para doon nalang ilabas ang mga pagkain. Tatakbo ba ako o magtatago sa kwarto? Nakakahiya! Mariin kong ipinikit ang mata at dinig ko ang pagtahip ng dibdib ko. Parang tumatalon ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtambol nito. "Alexa!" tawag ni Kuya Macky sa akin. Napatalon pa ako sa sobrang gulat. "Oh, gulat na gulat. Relax lang, birthday girl," aniya saka bumaling sa katabi ko. "May bisita ka pala?" Tumikhim ako para matanggal ang bara sa lalamunan ko. "Ah, kuya si sir Magnus po," pakilala ko sa kanya. Bahagya ko siyang sinulyapan. Nag-init ang mukha ko dahil nakatitig pala siya sa akin habang nakalagay ang dalawang daliri sa bibig at bahagyang hinahaplos 'yon. Gusto ko na talagang lumubog sa kinatatayuan ko. Punyemas! "Ah, sakto may kasama kaming iinom mamaya. Okay lang po ba?" Baling nito sa kanya. In my peripheral vision, nagbawi siya ng tingin sa akin at bumaling kay kuya Macky at tumango. Mukhang may balak pa yatang magtagal. "Ah, kuya, baka gabihin si Sir Magnus," awat ko sa pag-aaya ni Kuya Macky sa kaniya. Pasimple akong tumingin kay Sir Magnus na noon ay nakatitig parin sa akin. "Ayaw mo ba? Hindi naman ako maglalasing. Pero kung ayaw mo akong uminom, hindi ako iinom." Napatanga ako sa sinabi niya. Bakit parang nagpapaalam pa siya sa akin? Nang pumaling ako ng tingin kay kuya Macky ay parang kakaiba na 'yong ngisi niya. Mukha siyang tuyo na kakaahon lang sa initan! "K-Kayo po ang bahala. Maiwan ko muna kayo rito, tulungan ko lang po sina lola sa labas,” pautal-utal kong wika bago bumaling sa pinsan ko. “Kuya, ikaw muna ang bahala kay Sir Magnus,” bilin ko bago dali-daling umalis. Parang gusto ko tuloy magtago dahil sa nangyari. Shuta talaga! Parang wala sa sarili akong humawak sa labi at hinaplos ito. Shit! First kiss ko 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD