CHAPTER 6

2325 Words
s**t! First kiss ko 'yon! Pucha! Susmaryosep talaga! Kapag naalala ko talaga 'yong pagdampi ng labi niya sa akin, para bang tumatambol at sumisipa ang dagundong sa dibdib ko. Ang weird ng feeling. Ang lambot kasi ng labi niya. O baka naman lahat talaga ng labi malalambot na katulad niya? Malay ko ba? E, 'yon palang naman ang unang labing lumapat sa labi ko. Aksidente lang naman 'yon. Pero malay ko ba kung iniisip niyang sinadya ko 'yong nangyari at iniisip niyang gusto ko siyang tiyansingan? Ilang beses akong napamura sa isip ko. Dahil birthday ko ngayon, naging tampulan ako ng tukso lalo na ng mga pinsan ko. Pagkatapos kasi ng masaganang hapunan, nagsimula na silang uminom. Nagkatuwaan pa silang mag-rent ng videoke. Pinipilit nila akong kumanta pero wala naman akong hilig do'n. At saka, para kasing kinakatay na baboy ang boses ko. Hindi rin agad umuwi si sir Magnus at nakisali pa sa inuman. Paminsan- minsan ay nakikita ko siyang sumusulyap sa akin na para bang bawat pagtagay niya ay ipapaalam pa sa akin. Hindi ako komportable kaya nagkasya nalang ako sa pag-upo sa isang tabi kasama si Siri. Nagpapak nalang kami ng barbeque at fries na pinabili pa ni sir Magnus para sa aming dalawa. "Ate, ang bongga ng birthday mo ngayon. Ang dami mong handa, may pa-videoke pa. Manliligaw mo ba 'yang si kuya Magnus?" Inginuso pa nito ang gawi niya. Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi niya. Nakuha tuloy namin ang atensyon ng nag-iinuman kaya yumuko ako. Kakaltukan ko talaga 'tong babaeng 'to, eh! "'Yang bibig mo baka marinig niya, nakakahiya. Napakamalisyosa mo talaga. Mabait lang talaga 'yang si sir Magnus," ani ko. Para iwasan ang mga susunod pa niyang tanong, tumayo na lang ako para pumunta sa kusina. Nagsandok ako ng kilawing baboy at minatamis na taba. Napansin ko kasing konti nalang din 'yung pulutan sa mesa nila. Kumuha na rin ako ng pinaputok na isaw ng manok. Mga dala ng mga pinsan ko lahat ang mga 'to kanina. Kumakain kaya si sir ng ganito? Lumaking may gintong kutsara sa bibig iyon, baka naman sumakit ang tiyan kapag kumain nito. ’Di bale, may loperamide naman. Paglabas palang ng bahay ay agad akong sinalubong ng tingin ni sir Magnus. Iba talaga ang dating sa akin ng mga titig niya. Parang hinahalukay no'n ang buong sistema ko. Para tuloy nanlambot ang tuhod ko at nanginig ang kamay ko. Nakakapanghina kasi 'yung uri ng titig niya. Para ngang gusto ring lumuwag ng panty ko dahil sa tingin niya! Punyemas. Umakbay si kuya Santi sa akin nang makalapit ako sa mesa nila. Halos mapangiwi ako nang masamyo ang pinaghalong amoy ng alak at pulutan sa hininga niya. Ang baho! "Happy birthday ulit, insan! Talagang dalaga ka na. Pwede ka nang tumanggap ng manliligaw," aniya na susuray-suray. Ngumiti lang ako habang inilalapag ang mga dala kong pulutan sa mesa nila. Halatang tinatamaan na ng espiritu ng alak si kuya Santi. Kapag hindi naman kasi nakainom, tahimik lang naman siya at hindi pala-imik. "Pwede na ulit manligaw si Howard kamo. Aba'y hindi ka lugi roon, Alexa. Bukod sa magiging abogado na, mababait pa ang mga magulang. Hindi ka mamomroblema sa mga byenan mo kung sakali," sabat ni kuya Macky. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa gawi ni sir Magnus na nasa tapat ko lang. Bahagyang nakayuko ito at nakatingin sa bote ng alak at nahinto sa pagsalin nito sa kanyang baso. Bigla siyang natahimik at sumiryoso samantalang nakikipagtawanan lang siya kanina sa mga pinsan ko. Lasing na kaya siya? "Kuya, naman, wala pa sa isip ko 'yong ganyang mga bagay. Magtatapos muna ako ng pag-aaral para kapag nagkita ulit kami ni tatay hindi na kami magmumukhang kawawa sa paningin niya," walang buhay na sabi ko. Biglang natahimik ang mga pinsan ko dahil sa sinabi ko. 'Pag ganu'ng usapan kasi alam nilang sensitibo ako. Kaya siguro tumahimik nalang sila para maiwasang humaba ang usapan. Iniba nila ang usapan at hindi na ako pinansin. Mga lintik na 'to, ah! Napansin ko ang biglang pagtayo ni sir Magnus at tinatahak ang gawi ko. Lumapit pa siya hanggang sa halos magkayakap na kami sa sobrang lapit niya. Ilang dangkal nalang ang pagitan namin. Pinagpawisan ako ng malapot at napalunok dahil sa sobrang kaba. Ano’ng gagawin niya? Napapikit ako nang bumaba ang ulo niya. Aatras sana ako pero wala na akong maatrasan sa likod ko. Pucha! Damang-dama ko ang init ng hininga niya na tumatama sa aking balat. Naamoy ko rin ang pinaghalong amoy ng alak at natural na pabango ng kanyang katawan. Hahalikan niya ba ako? Bumaba pa ang labi niya sa punong tainga ko. Kakagatin niya ba ako sa leeg? Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya bigla akong nagmulat ng mata. Para akong binuhusan ng tubig nang makita ang nakakalokong ngisi niya. "Excuse me, Alexa. Ilalagay ko lang 'yung number ng kakantahin ko. Nahaharangan mo kasi," bulong niya sa akin. Nasa likod ko pala ang videoke at nahaharangan ko ang pindutan. Pisti! Nag-init ang mga pisngi ko sa sobrang hiya. Ano ba kasi ang ine-expect ko? Akala ko kasi. . . Anak ng tokneneng! Nataranta ako at ngumiti para mapagtakpan ang pagkapahiya ko. Humakbang ako papaalis at mabilis na pumasok sa kusina. Para akong nag-marathon dahil sa lakas ng dagundong ng dibdib ko. Nakakahiya 'yon! Napahawak ako sa aking dibdib. Damang-dama ko ang bilis ng pintig nito. Kumuha ako ng malamig na tubig, baka sakaling makatulong para pahupain ang dagundong sa dibdib ko. "Ate! May pahabol kang bisita!" malakas na tawag ni Siri na nasa bungad lang ng kusina. Tumango ako at pinuno ng hangin ang dibdib. "Sige lalabas na!" Paglabas ko ng sala, agad kong nabungaran ang sinasabi niyang bisita. Halos hindi ko pa siya nakilala dahil ang laki ng pinagbago ng itsura niya. Ang dating patpatin, ngayon ang laki na ng katawan. Wala na rin 'yong malaki niyang reading glasses. Sobrang pogi na niya. Halos isang taon din na hindi ko siya nakita. Busy daw kasi sa pag-aaral. Kanina lang ay nabanggit siya ni kuya Macky ngayon ay nandito na. "Happy birthday, Alexa!" magiliw na bati sa akin ni Howard. "Howard! Kailan ka pa dumating?" "Kakauwi ko lang, dumiretso na talaga ako rito para humabol sa birthday mo. Para sayo nga pala." Abot niya sa kumpol ng pink na rosas at stufftoy. May cake din at hugis parisukat na maliit na box. "Salamat dito, nag-abala ka pa." "Kahit kailan naman hindi ka naging abala, Alexa," nakangiti nitong sabi. Confident na confident na siya habang nakikipag-usap sa akin. Samantalang dati halos hindi makatingin kapag nakikipag-usap. Hindi naman siya pangit dati, mukha lang siyang nerd at yung hairstyle niya parang pang-80's. "Kumain ka na ba? Hindi mo na naabutan si lola, tulog na. Tara sa labas." Hinila ko siya sa kamay at naramdaman ko na natigilan siya. Hindi man lang ako nakaramdam ng kahit ano 'di tulad kapag napapadikit ako kay sir Magnus. Ang weird. Nakita ko ang pagbaba ng tingin ni sir Magnus sa mga kamay namin na magkahawak. Para bang napaso ako at bumitaw agad. 'Yung tingin niya para bang patalim. Nakakasugat. Gumalaw din 'yung panga niya na parang may pinipigil. Nagbawi agad ako ng tingin at bumaling kay Howard. "Dito ka na maupo." Turo ko sa upuan sa tabi ni Siri. Kumuha ako ng pinggan at pinaghanda ko siya ng pagkain. Sa tabi ng lamesa ng mga nag-iinuman nakalagay ang mga pagkain. 'Yung mga pinsan ko bagsak na. Tanging si kuya Macky at sir Magnus nalang ang nag-iinuman. "Kuya Macky, baka malasing si sir Magnus niyan. Uuwi pa siya at magda- drive baka mapano siya sa daan," sita ko sa pinsan ko. "Hindi naman tinatamaan sa alak itong si bossing, eh. Sa iba siya tinamaan." Humalakhak pa ito. Kung ano-ano na ang pinagsasabi niya. Lasing na talaga. Buti naman para hindi niya mapansin na nandito si Howard. Maya-maya'y tumunog ulit ang videoke palatandaan na may kakanta. Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong si sir Magnus ang nakahawak ng mic. Isa sa paborito kong kanta 'yung nag-play. You're Beautiful ni James Blunt. My life is brilliant. My love is pure. Noong humarap ako, nakatitig pala siya sa akin habang kumakanta. Namula ang mukha ko kaya agad akong nagbawi ng tingin. Ang ganda ng boses niya. Parang mas maganda pa nga ang pagkakakanta niya kesa sa original na kumanta. Kung siguro para sa akin 'yong kanta? kanina pa ako kinikilig. Gano'n 'yong epekto ng boses niya. Nakakakilig. Inilapag ko sa mesa ang pagkain ni Howard. Muli akong sumulyap sa gawi ni sir Magnus. Nakatitig parin habang kumakanta. You're beautiful it's true. . . Pucha! Kinikilig ba ako? Pinakalma ko ang sarili ko dahil hindi ko na maintindihan ang damdamin ko. Crush ko na ba si sir? Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko. Crush ko na nga yata siya. Marami kaming napagkwentuhan ni Howard habang si kuya Macky at sir Magnus patuloy lang sa pag-inom. Parang hindi nila alam ang salitang 'lasing'. Si sir Magnus, lagok kung lagok. Parang ginawa lang tubig ang alak. May problema siguro siya? O talagang mataas lang ang alcohol tolerance niya? Malayo-layo pa rito 'yong condo niya, baka kung mapaano pa siya sa daan. Kargo de konsensya ko pa siya kung nagkataon. Hindi namin napansin na malalim na pala ang gabi. Tumayo na si sir Magnus habang si kuya Macky bagsak na rin. "Alexa," tawag nito sa akin nang makalapit siya. Napansin ko pa ang pagtalim ng tingin nito kay Howard. Bigla tuloy ako nakaramdam ng kaba. Para kasing may nakita ako sa mata niyang iba. Parang. . . Ay, basta! "Sir!" 'Di ko alam pero 'yon lang ang nasabi ko. Namumula na ang mukha at leeg niya at ang mata niya'y parang inaantok na. "Sabi ni Sally nagpa-part time job ka raw?" tanong nito. Tumango ako bilang sagot. "Kung gusto mo sa penthouse ka na lang magtrabaho." "Talaga po?" Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Syempre oportunidad 'yon. Siya pang dagdag sa ipon ko. "I-text ko nalang sa ’yo ang address tapos pag-usapan natin ang sahod mo. Nakakahiya naman kasi kung sa harap ng boyfriend mo natin pag-usapan," baling nito kay Howard at parang biglang lumamig 'yong boses niya. "Pero, sir, hindi—" "Ayos lang naman po kung pag-usapan niyo sa harap ko. I don't mind anyway. Mas mabuti nga 'yon para alam ko ang mga detalye," biglang salo ni Howard sa sasabihin ko. Parang inamin niya na kami kahit hindi naman. Gusto kong magprotesta pero nakita ko ang pagdilim ng mukha ni sir Magnus. Natahimik ako. "Alexa, mauna na pala ako. Kanina pa kasi nangungulit si mommy. Sinabi ko lang na nandito ako sa inyo kaya tumigil na sa pangungulit," paalam ni Howard. Tinanguan ko siya pero mabilis niya akong hinalikan sa pisngi. Nanlaki ang mata ko. Nasa harap lang kasi namin si sir Magnus! Nakakahiya, baka sabihin niyang basta-basta nalang ako nagpapahalik. Napansin ko pa ang mahigpit na pagkuyom ng kamao niya. "Happy birthday ulit, Alexa. Mauna na po ako, sir." Tumalikod na ito at lumabas ng gate. Habang ako naiwang nakatanga at hindi alam kung ano ang gagawin ko. Nawindang ako. Tumikhim ako nang makabawi para makuha ang atensyon ni sir Magnus. "Sir, gusto niyo po ba ng kape bago kayo umuwi? Pampatanggal ng hilo," alok ko kahit nahihiya ako. Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. "Okay, thank you." Nagpakulo muna ako ng tubig sa takure pagkatapos inilabas ko ang dalawang sachet ng 3 in 1 coffee at dalawang tasa. Isa para sa kanya at isa para sa akin. Sasamahan ko nalang muna siyang magkape. Pampatanggal din ng antok dahil marami pa akong dapat linisin at aayusin. Tulog na kasi si Siri at ako nalang mag- isang gagawa no'n. Paglabas ko ng bahay, nabungaran ko siyang nagliligpit na ng mga kalat at upuan. Halos wala na nga akong gagawin. Ipapasok ko nalang ang mga natirang pagkain sa loob. Nahiya tuloy ako. "Naku! Sir, ako na po riyan, upo na po kayo." Inilapag ko ang kape sa lamesa at akmang aagawin ang nililigpit niya pero mabilis niyang iniiwas 'yon. "Ayos lang. Alam kong wala ka nang makakasama sa paglilinis. Hindi pa natatapos ang gabi kaya birthday mo parin. Alangan naman na 'yung birthday girl pa ang maglinis," nakangiti nitong ani. Naupo na siya at kinuha ang kape pagkatapos isalansan ang huling upuan. "Kelan mo gustong magsimula?" "Po?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang tinutukoy niya. "Kelan mo gustong magsimula sa trabaho," muli niyang tanong. Sumimsim pa siya ulit ng kape sa tasa niya. "Kayo po, sir. Kayo po ang boss kaya dapat kayo ang magsabi." Lumawak ang pagkakangiti niya. "Kung gusto mo sa biyernes na. Magdala ka na ng damit mo hanggang sa linggo. Du'n ka nalang din magbihis bago pumasok sa school mo sa lunes." Nangunot ang noo ko. Wait, damit? Process, Alexa.. process.. Paganahin ang kakarampot na utak. "Stay-in po ba sir?" Tanong ko. Gusto ko'ng makasiguro. Tumango siya. "Ayaw mo ba? Doblehin ko ang sahod mo. Sawa na kasi ako sa fastfood at mga luto sa labas. Gusto ko 'yung lutong-bahay naman." Magaling akong magluto kung 'yun lang. Pero baka kasi hindi ako payagan ni lola. "Sir, pwede po bang magpaalam muna kay lola? Baka kasi 'di ako payagan nu'n kapag stay-in." Tumingin ako sa kape ko. Baka kasi sabihin niyang pakipot ako, eh, ako na nga lang ang tinutulungan. Saglit pa siyang nag-isip bago magsalita. "Okay. Gusto mo ba ako ang kumausap sa lola mo?" "Naku! hindi na po kailangan, sir. Ako na po ang bahala," tanggi ko. Napahikab pa ako nang 'di sinasadya. "Looks like you're sleepy. Aalis na ako para makapagpahinga ka na." Pinisil nito ang pisngi ko sabay haplos doon. Natameme ako sa simpleng ginawa niya. Namumuro na 'to, ah. Tumayo na siya at tuluyang lumabas ng gate. Minsan pa siyang sumulyap sa akin at kumaway bago tuluyang sumakay sa sasakyan nito at pinaharurot iyon. Naiwan akong nakatulala at napahawak sa pisnging hinaplos niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD