Chapter 11: Do it on your own

1246 Words

Walang imik na pumasok sa loob ng bahay si Baste at hindi pinansin ang tanong ko. Kumunot ang noo ko at akmang sisitahin siya pero nahuli na ako dahil bigla siyang lumapit kay Mang Temeong. “Kailangan po natin mag-usap.” Diretsong sabi niya. Tumango naman si Mang Temeong at dumiretso sila sa bakuran sa likod ng bahay. Habang pinagmamasdan ko sila sa labas, lumapit naman sakin si Manang Ising. “Iyon ba si Baste?” Humarap ako sa kanya at tumango. “Gwapo naman pala at mukha mabait.” Ngumiwi ako at sinabing, “Mukha hindi naman po siya mabait.” Ngumiti lang siya at inakay ako sa loob ng silid. “Dito ka matutulog habang wala ang anak namin ni Temeong. Siguradong hindi pa uuwi yun.” Malamlam ang mga mata niya habang sinasabi ang huli. Niyakap ko siya. Sana ma-realize ng anak nila na napaka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD