Habang nagsesentimental ako tinulungan na akong maglinis ng isa pa namin kasama sa bahay—si Dina madali lang niyang itinaas ang sofa at nalinis na ito agad. Bumaling naman siya sakin. Ngumiti ako pero sumimangot siya. “Pabigat,” bulong niya. Namula ako sa sinabi niya. Akala ko pa naman mabait din siya kagaya ni nanay. Tumahimik na lang ako at bumalik na lang sa kusina dahil tinapos na niya halos lahat ng kailangan linisin sa sala at maid’s quarters na hindi nagagamit. “Bakit ka nakasimangot?” sita sakin ni nanay. Umiling ako. “Kapag nagluluto, Myra, dapat nakangiti para maging masarap ang niluluto. Adobo lang yan binabantayan mo baka maging mapakla pa ang lasa dahil sa haba ng nguso mo.” Napatawa naman ako sa sinabi niya. “Yan dapat! Alam mo ba mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti k

