3

2815 Words
Amaryllis pov " Mas bagay sayo ang puti...pero hindi pwedeng puti lahat ng damit mo kailangan natin kumuha ng ibang kulay." Kumuha ako ng red,blue, yellow at green na polo. Ang iba naman ay tshirt na printed pero gusto niya puti daw kaya yun nalang kinuha ko. Sa pangtulog naman.. " Hindi kami natutulog Amara..." Oo nga pala ... " Sa underwear nalang... Ako na mamimili." Nagpakuha ako sa saleslady ng Medium all white, kinilig pa ang saleslady dahil alam ko daw size ng jowa ko. Kung di ko lang kasama si Cassiel kanina ko pa tinalakan itong Saleslady. Nang nagkapagbayad na ako at siya na ang bumuhat. " Amara...hindi ka ba nagugutom?" Actually gutom na ako. " Kakain muna tayo--este ako buti naalala mo." Sa Greenwich kami pumasok. Nag order ako ng pizza , lasagna at softdrinks. Kunwari ay pang dalawang tao para hindi nila sabihin makasarili ako. Pinapanood niya akong kumakain. Kumuha ako ng isang slice ng pizza at tinapat sa bibig niya. " Amara...." " Isang kagat Cassiel...hindi ka magkakasala sa isang kagat. Sabi mo hindi naman bawal..." " Pero hindi ko alam ang lasa..." " Kaya nga tikman mo para alam mo...sige na. Kung di mo bet...di wag mong kainin." Tinignan muna niya ako tsaka ito kumagat sa pizza. Hinintay ko ito para alamin ang reaction niya. " So?? Anong lasa?" Ngumunguya pa rin ito. Teka?? Bakit parang di niya nilulunok?? " Lunukin mo...." Utos ko naka nilunok niya naman. Tangna kung di ko sinabi ay di nga niya lulunukin. " Ang pagkain hindi lang kinakagat at ngumunguya Cassiel....nilulunok din. Tsk " " Masarap siya Amara....subuan mo ulit ako.." para na siyang batang nagpapasubo. " Kumuha ka na... bakit pa kita susubuan??" " Sige na....subuan mo na ako!" nagmamaktol na siya kaya nakaagaw kami ng pansin sa ibang table. " Ang sweet naman nila... nakakainggit" sabi ng babaeng katabi namin. " Ang gwapo ng lalaki ano..." Naningkit ang mga mata kong bumaling kay Cassiel. Sinubuan ko ulit ito masayang masaya siyang kumakain habang ako hindi na ako makakain dahil sinusubuan ko talaga siya. Paglabas namin hawak hawak ni Cassiel ang tiyan niya. " Ang sarap kumain Amara ng pizza hehehe kain ulit tayo sa susunod ng ganun ha..." Para siyang batang nagsasabi. " So kakain ka na kung ganun?" Tumango ito. Nagyaya na din itong umuwi. Nakita ko ang mga mata niyang pagod na ito. " Bakit parang inaantok ka? Akala ko ba hindi kayo natutulog?" Tanong ko ng nasa sasakyan na kami. " Hindi ko alam eh...gusto ko na din kausapin si Zadkiel para alamin bakit nag iiba na ako. Kung ano ano na nararamdan ko." " Zadkiel??" " Isa itong Archangel...isa siya sa parati kong kasama. " Hindi nalang ako umiimik pa. Pagdating namin sa condo nagulat nalang ako ng mawalan ito ng malay. Mabuti nalang ay nasa harapan ko ito at nasalo ko ito bago nawalan ng malay. " Grabe! grabeng parusa ito!!!" Hinila ko ito paakyat sa sofa. Hindi naman siguro ito maano dahil anghel naman siya. Hinayaan ko nalang ito at inayos ang mga pinamili namin. . . . Cassiel pov Nagmulat ako ng sobrang liwanag. " Cassiel... mabuti naman at nagising ka na. Alam kong may mga katanungan ka sa akin..ano nga yun?" Zadkiel Tumayo ako at lumapit sa kanya. " Zadkiel...bakit ganun ang mga nararamdanan ko? Bakit nakakaramdam ako ng nararamdan ng isang tao?" " Cassiel, nasa ibaba ka.. binigyan ka ni Michael ng kakayahan na maranasan bilang tao. Alam ko nagtataka ka din na kapag nagsasalita ng masama si Amaryllis ay hindi mo makontrol ang sarili mong lumapit sa kanya.... dahil konektado na kayong dalawa. " " Konektado?? Papaano Zadkiel?" " Ang alam ko sa ganyan ay noon pa man ay konektado na kayo sa isa't isa. Siguro dahil malapit ka kay Maria na siyang lola niya. " " Pero bakit sa ganung pamamaraan?" Tumawa ito kaya nagtaka ako. " Cassiel, kilala ka bilang isang guro...pwedeng ibahin ang pamamaraan kung iyong ang ipapaaral mo sa kanya." " Ang kapangyarihan ko....bakit nag iiba? Papaano ko magagawa ang mission ko ?" " Hindi buo ang kapangyarihan mo Cassiel, nang binaba ka ni Michael ay nawala ang iba. Ganun ata kapag binababa sa lupa." " Eh bakit nalalasahan ko ang pagkain nila ?" " Dahil nasa mundo ka ng mga tao Cassiel.... pwede mong kainin ang kinakain nila, umiyak, masaktan,masugatan, malungkot at matakot. Pwede mong maramdaman ang nararamdaman nila. Pero ang pinagbabawal lang ay ang umibig ka sa kanya." Umibig sa kanya? " Ano? Umibig??" " Kapag umibig ang isang Archangel ay hindi na ito makakabalik muli dito sa itaas. Hindi lang pakpak ang mawawala sayo Cassiel.. kaya kung gusto mo pang makabalik dito ay iwasan mong wag umibig sa kanya " " Pero Anghel ako... Ang isang Archangel ay hindi umiibig. " " Uulitin ko Cassiel....isa kang Anghel na binaba sa lupa na pinarusahan. Kaya hindi ka buong Archangel..." Natigilan ako. Hindi buo?? " Imposible na hindi ako buo Zadkiel....isa pa din akong Archangel.." " Kakausapin ko si Michael para siya na ang magsabi sayo. " Nagising ako ng may malamig na bagay na dumapo sa aking pisngi. " Cassiel..." " Cassiel!" " Amara..." Bumangon ako. " Akala ko ba hindi ka natutulog?? Eh ang sarap ng tulog mo...sa sobrang sarap ng tulog mo gabi na .." Pinagmasdan ko sa bintana. Madilim na nga. " Sabi saakin ni Zadkiel ay mararamdanan ko ang nararamdaman niyo bilang tao. " " Like Lahat??" Tumango ako , tumayo ako at nagtungo sa kusina. " Anong gagawin mo?" Tanong niya sa'kin. " Magluluto...." " Nakapag luto na ako kanina pa... maligo ka na at kakain na tayo." Utos niya saakin. " Maligo??" " Wag mong sabihin hindi ka naliligo??" Umiling ako " Paano ba maligo?" Napatampal ito ng noo. Paano ba? Hindi naman naliligo ang isang Archangel eh. " Buti nalang at kinuhanan kita ng pajama eh...nasesense ko talaga kanina pa....halika." Sumunod ako sa kanya. May isang kabinet itong binuksan. " Dito ang mga gamit mo..itong tuwalya gamitin mo pang punas pagkatapos mon maligo. Ito ang damit mo...ito ng damit pangtulog. Pumasok ka sa banyo." Pumasok naman ako pero nilingon ko siya. " Tapos.? Nakapasok na ako.." Napapikit naman siya sa sinabi ko. Pumasok na din ito at binuksan ang isang pigura at doon lumabas ang tubig. Tinuro niya ang isang bagay na nakalagay sa gilid. " Ito ang shampoo para sa buhok maglagay ka dyan sa buhok mo pero konti lang...ito naman sabon sa katawan..kapag nalagyan mo na tsaka ka magbanlaw ng katawan dito sa tubig. Naintindihan mo ba?" Tumango ako. Lumabas na ito. Inalala ko ang mga tinuro niya sa'kin. Nag shampoo, sabon at banlaw na ako. Kinuha ko ang tuwalya at pinunasan ang katawan ko. " Hindi na ako basa...hmmm mabango pala ang mga tao kapag naliligo. " Sinabit ko ang tuwalya at lumabas. " Cassiel tapos ka na ba?? Halika ka na kakain na tayo.." sigaw niya ito mula sa sala. Naglakad ako patungo doon. " Oo tapos na ako.." " Oh sige tara na----putang ina!" sigaw niya ng makatayo ito. Agad akong nahatak palapit sa kanya sa kanyang pagmumura kaya muntik na itong mabuwal kaya nasalo ko siya ang kaso ay nadulas ang isang paa nito kaya nabuwal kaming dalawa pahiga sa sofa. Ang di ko inaasahan ay nagkadikit ang labi naming dalawa. Inangat ko ang mukha ko sa pagkakagulat. Uminit ang aking pisngi ng makitang namumula ang kanya mukha. Nasa ganung posisyon pa rin kami ng may kung anong tumayo. Tumayo?? " s**t!! Cassiel umalis ka sa pagkakadagan sa akin.!" Sigaw niya saakin. Napatayo naman ako bigla. Anong klaseng pakiramdam ito? Agad siyang napapikit ng tumayo ko. " Bakit lumabas ka ng banyo na hindi nagdadamit??" Nakahiga pa din ito at nakapikit. " Walang damit sa banyo." " Tangna na Cassiel ----hmmm" agad nahatak ang katawan ko sa kanya kaya napalapit ulit ako sa kanya. Ito ba ang sinasabi ni Zadkiel na may koneksiyon kami kaya ganito? " Wag kang magsasalita Amara....wag kang magmumura dahil hindi ko kontrolado ang kapangyarihan ko kapag nagmumura ka.. pumikit ka at aalis ako. " Pakiusap ko sa kanya. Tumango itong nakapikit. Dahan dahan akong tumayo at nagtungo sa lagayan ng damit na sinabi niya sa'kin. " Hindi ko nagugustuhan ang nangyayari saakin." Bulong ko sa sarili ko. Lumabas na ako na nakasuot ng pajama na siyang tawag dito. Nakapikit pa di ito. " Nakadamit na ako Amara...kumain na tayo." Dumilat ito at tumayo. Wala siyang imik na naglakad papunta sa kusina. " Umupo ka na dyan at sasandok ako ng kanin." " Anong tawag dito ?" turo ko sa niluto niya. Dalawang bilog. Pulang mahahaba..ang isa naman ay may paalon alon. " Itlog, hotdog at baccon yan..." " Nakakain yan?" Turo ko " Cassiel hindi ako kasing galing ng iba na marunong magluto...mga prito lang ang alam ko." Prito? Nilagyan niya ng kanin ang plato ko. " Masarap yan...kaya tikman mo.." Kumakain kami ng magtanong ako tungkol kanina. " Amara...anong tawag kanina sa pagdikit ng labi natin?" Naubo naman ito sa tanong ko. " B-bakit mo naman natanong?? " " Hindi ko kasi alam yun... nakaramdam kasi ako kanina.." ~_^ " Hindi mo alam tawag doon?" Umiling ako at kinagat ang mahabang pula. " Masarap nga ito....anong tawag nito ulit?" " Hotdog " -_- " Sounds like aso.." " Ikaw marunong kang mag English....pero bobo ka sa ibang bagay..hanep!" " Amara....sa mundo may mga lenguwahe akong nalalaman. Pero ang mga gawain ng mga tao hindi ko alam." " Sa susunod...kung lalabas ka ng banyo gamitin mo ng tuwalya na lang tapal sa katawan mo..hindi pwedeng lumabas ka na lang ng nakahubo... aatakihin ako sa puso sa ginawa mo." Paano ko ba pag aaralan ang mga galawan ng tao? Mabilis naman akong matututo. " Amara... ngayon nakaramdam na ako ng pag antok...saan ako matutulog?" Natigilan naman siya at napaisip. " Sa sofa...." " Ngunit hindi ako kasya doon." " Oo ng pala... matangkad ka." " Sige doon ka muna sa baba ng kama ko..sa may sahig." Pumayag nalang ako dahil ngayon ko palang naman mararanasan ang matulog. Siya na ang naghugas nga napagkain namin. Pumikit ako para makausap si Zadkiel ulit. " Ano ang iyong tatanungin Cassiel?" " Itatanong ko lang sana.....kung katawan ko ba talaga ang gamit ko ngayon..." . . . . . . Amaryllis pov Halos sakalin ko na ang unan ko dahil sa nangyari kanina. " Akala ko ba anghel ito bakit siya naghahalik?? punyeta! Nakita ko na kabuuan ng katawan niya kanina.. !" Bulong ko. Nang makita kong nakabihis na ito ay niyaya ko na siyang kumain. Napaubo pa ako ng tanungin niya kung ano tawag sa magkadikit ang labi. Jusme naman! Malamang kiss ang tawag doon... Well sabay wala naman siyang alam ang tungkol doon. Natapos akong maligo ng pumasok ito sa kwarto. Oo dito siya matutulog pero sa sahig ito. May foam naman akong extra kaya pwede na siya doon. " Cassiel..." Tawag ko sa kanya. Napalingon naman ito sa akin " Bakit?" " Anong bakit? Bakit hinahaplos mo ang tv?" ".Tv?? TV ang tawag dito? Ano ang kakayahan niya?" Wala ako sa mood mag explain Kya binuksan ko ito gamit ang remote sa tabi ng lampshade. Nagulat naman ito ng may mabuksan ito tumambad sa kanya ang bakbakan na palabas. " Amara...nakakasakit sila...bakit? Papaano?? Hindi sila basta basta pumatay ng isang buhay!! Wag... Kasalanan sa itaas ang--- kawawang tao...nawalan ng buhay ito ." " Cassiel...palabas lang yan. Hindi totoong patay ang mga yan.." jusko ko naman, sana hindi ko nalang binuksan ang tv. Hindi na nagtigil sa pagtatanong sa kanyang napanood. Maya't maya ay nagtatanong ito. Kinaumagahan maaga niya akong ginising para makapag almusal daw at magsisimba daw kami. " Cassiel pinuyat mo ako kagabi tapos ang aga aga mo akong ginising....pwede bang manakal ng anghel??" lupaypay akong naglalakad palapit sa mesa " Mula ngayon araw araw na tayong magsisimba ... simba bago ka pumasok..." " Linggo lang...." " Bakit linggo mo lang ba kinakausap si Lord? " Natameme ako sa tanong niya. " busy akong tao Cassie may trabaho ako... Sabado at linggo lang ang off ko. " " hindi namab 24 hours kang nagtratrabaho eh... kahit saglit mo lanv kausapin. " " pwede ko naman siya kausapin kahit hindi ako mag simba diba Archangel Cassiel??" " pilisopo ka Amara....ikaw ang bahala..." wala na din siyang nagawa kaya hinayaan niya akong kumain. Ngunit magsisimba daw kami ngayon. Nauna na daw itong naligo kaya ako na man na ang maliligo. Ano kaya ang isusuot ko? Nagbibihis ako ng pumasok si Cassiel. " Cassiel nagbibihis ako... Ano ka ba!" " hindi yan ang isusuot mo.... Napakaikli. Sa bahay ka ng panginoon ka pupunta.... Ako mamimili ng isusuot mo." Hindi ako nakapagsalita ng nagtungo ito sa kabinet ko at namili niya ng isusuot ko. " heto, maganda ito. " inabot niya saakin ang isang dress na abot sakong ko. Maxi dress Yellow ito na flowere printed. Well di naman ganun ka pangit. Bagay din naman saakin. Kaya kinuha ko nalang. Paglabas ko ay may binabasa siyang libro. " sa wakas natapos ka din... Halika na." nauna na itong lumabas. " Cassiel may pupun----putang ina iniwan na naman niya ako. Tsk!" nag teleport na naman ito. Pagbaba ko sa lobby nandoon na nga ito at may kausap itong babae. " Ang gwapo mo naman... I'm Julie... What's your name? " " I'm Cassiel... You're so beautiful young lady. " puri naman nito. " Really? Can I have your number? If you want I'll invite you to my unit... What floor do you live here?" " ah----" umeksena na ako kaya napalingon ang dalawa. " Let's go Cassiel male late tayo.. " kinawit ko ang braso nito. " Amaryllis...? Do you know each other? " Julie ang maarte kong neighbour. Ewan sabi sabi eh tirador daw ng mayayaman na lalaki. Maganda kasi kaya iyon ang puhunan niya. " yes... He's my boyfriend... so you can't invite him Julie.." mataray kong sabi. " is this true Cassiel? Wala kasi akong balita na nagkaboyfriend itong Amaryllis... She's man hater person.." " Bakit ko naman kasi ibabalita sa inyo at lalo na sayo na boyfriend ako?? Sino ka ba?? " aakmang lalapit ko ito ng pinigilan ako ni Cassiel " Amara wag... sorry Julie magsisimula pa kasi kami ni Amara... Nice meeting you. " hinila na niya ako. Nilingon ko si Julie sabay dilat sa kanya. " balak mo ba talaga siyang saktan Amara?? " " muntik lang....." " hindi mo siya pwedeng saktan Amara...masama yun. Wala naman siyang masamang sinabi sayo. " Winaksi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. " manhid ka ba Cassiel?? iniinsulto na ako harap harapan yun ba ang walang sinabing masama?... Ayos ah! " Hinarap niya ako. " nagpapakilala lang siya saakin...iniimbita sa kanyang lugar. Walang masama doon" " di pumunta ka! sige pumunta ka....Di kita pipigilan" iniwan ko ito at naunang sumakay sa kotse. Sumunod naman ito at hindi na umimik pa. Pagdating namin sa simbahan nauna akong umupo samantalang siya ay lumuhod pa ito sa harap. Hindi pa din kasi nagsimula dahil maaga pa. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao. Bihira lang kasi ang lumuhod gaya sa kanya. Para itong kawal ng kaharian ang pamamaraan niyang pagluhod. Well, isa nga siyang Archangel kaya ganun siguro sila lumuhod. Maya maya ay hinanap niya ako at tumabi saakin. Hindi na kami nag usap pa. Nakatuon lang kasi siya sa harap. " ako ay sumasaiyo, iingatan kita saan ka man pumunta at hindi kita iiwan hanggang matupad ko ang pangako ko sayo" banggit nito. Hindi ko alam kung saakin ba o sa harapan? Nagsimula na ang misa. Hindi pa din kami nag imikan hanggang sa peace be with you na. "peace be with you Amara..." "peace be with you Cassiel" ngunit binalik ko ulit anh tingin ko sa harapan. Nailang kasi ako sa pamamaraan nitong pagtingin. Hanggang sa matapos ang misa. " magsisindi muna tayo ng kandila...." yaya niya saakin. Sumunod nalang din ako. Bumili kami ng kandila. Nang magsindi ako napaso ako sa isang nakasindi. " ouch!" Hinawakan ni Cassiel ang kamay ko na napaso. Nawala ang sakit ng haplusin nito ang kamay ko. Walang salita ang lumabas sa kanya, maging ako ay naging pipi na din. Pumikit ito pagkatapos niyang sindihan ang hawak niyanh kandila. Pinapanood ko lang ito sa kanyang ginagawa. Paglabas namin ay kinausap ko na ito. " Cassiel may pupuntahan ako... Mauna ka ng umuwi... Ihahatid kita sa condo." " saan ang iyong gawi?" " may VIP client akong kakausapin para sa design na gusto niya." Hindi na ito nagsalita pa at pumasok na din kami sa kotse. Pagdating namin sa condo binigay ko sa kanya ang passcode ng condo. Hindi na din ito nagreklamo kaya pagbaba niya ay umalis din agad ako. Isang anak ng isang senador ang magpapagawa saakin ng gown nito for JSprom nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD