Amaryllis pov
Hapon na ng matapos kaming nag-meeting ng client ko. Bukas din ay gagawan ko siya ng damit at ipapa approve ko sa kanila ang design. Nagyaya pa silang mag-dinner ngunit tumanggi ako dahil inaalala ko si Cassiel.
Pagdating ko sa condo walang Cassiel kaya napatingin ako sa CCtv record ko sa computer.
Hindi pa ito pumasok...saan naman kaya nagpunta ang lalaking yun?
Lumabas ako para tanungin sa guard kung napansin niyang lalaking nakaputi. Kaso pipindutin ko palang sana yung down ng elevator biglang bumukas ang unit ni Julie.
At nakita kong lumabas si Cassiel na halos masubsub na sa sahig.
" Putang ina!" Napalakas ata pagkakasabi ko ng biglang nasa harapan ko na si Cassiel at amoy alak ang hinayupak na ito .
" A-Amara ..." Inakay ko na ito papasok sa unit ko ng marinig kong lumabas si Julie mukhang hinahanap siya.
Binagsak ko ito sa sofa.
" Sino nagsabi sayo'ng uminom ka kasama si Julie!?" para akong tanga na nanenermon ng asawa.
" M-masyarap ka-she y-yung inumin.."
" Aba sumasagot ka pa ...naku! Kung di ka lang anghel sinakal na kita. Maghapon lang akong nawala naglasing kana."
" Hindi ko alam p-paano bukshan bahay mooh eh" kahit lasing na ito maayos pa din itong nakaupo. Mapungay ang kanyang mga mata.
" Ikaw ang matigas ang ulo eh .. hindi' ako"
" Paanoh mawalah itowh? H-hindi kaya ng kapangyarihan kowh"
" Bah ewan ko sayo!"
" A-Amara...!" pati pag sigaw hindi ka man lang masisindak. Tsk!
" Manahimik ka dyan Cassiel galit ako sayo..."
Nagulat ako ng tumayo ito at niyakap niya ako. Naestatwa ako sa ginawa niya. Bakit niya ako niyakap?
Tinulak ko ito kaya napaupo ito sa sofa.
" Bakit mo ako niyakap??"
" Shabi ni Julie, k-kapag gayit daw ang tao niyayakap* hik* " malilintika talaga saakin yung babaeng yun.
" Humiga ka nga dyan....dito ka lang. Wag kang aalis dito. Kapag umalis ka malilintikan ka sa akin." nang makita kong nakapikit ito ay lumabas ako sa unit ko at kinatok ang pintuan ni Julie.
Pagbukas niya sinampal ko agad ito.
" What the hell Amaryllis!?.."
Ngumisi ako tsaka siya tinulak.
" gawin mo pa kay Cassiel yun..hindi lang sampal ang Ibibigay ko sayo. Wag na wag mo akong kakalabanin Julie. Oras na lapitan mo pa ang boyfriend ko ...lahat ng inaapakan mo mawawala sayo." banta ko sa kanya.
" I didn't do anything...."
" Sh*t the f*ck up Julie...! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo..."
" Pardon?? Bakit?? Ilalabas mo baho ko sa lahat ng tao? ..My gosh! Walang maniniwala sayo.... You can't frame up on me.... tsaka ano magagawa ko kung mas maganda ako sayo kaya lumapit saakin ang boyfriend mo!" Nagmayabang pa talaga siya.
" Sino naman nagsabi ilalabas ko lahat ng baho mo sa lahat ng tao??? ako?? Gagawa nun?? Hahahha stupid! Ofcourse hindi ko yun gagawin....." ngumiti pa ako sa kanya.
" ..... dahil ikaw mismo ang gagawa nun para sayo " at naging seryoso ako bigla.
Sinampal ko ito ng dalawang beses magkabilaan. Tsaka ko siya iniwan.
" I'll sue you Amaryllis!!"
" Do it b***h! "
Pumasok ako at hinarap si Cassiel...ang kaso tulog na ito. Wala akong mood para asikasuhin siya. Dumeretso ako sa kwarto at hinarap ang laptop ko.
You can't mess me!
Naligo ako pagkatapos tsaka ako nanood ng tv. Habang hinihintay ang response ng ginawa ko. Nang matanggap ko na ay ginawa ko naman ng skin routine ko for a night.
Masayang masaya pa akong natulog.
.
.
.
.
Cassiel pov
Pagka akyat ko sa unit ni Amara nakasalubong ko si Julie binati niya ako kaya binati ko din siya. Gusto ko ng pumasok ngunit hindi ko alam kung pa'no buksan ang pinto. Gusto akong tulungan ni Julie ngunit umiling nalang ako,sabi ay sabihin ko nalang daw ang passcode pero minabuti ko nalang na wag sabihin. Nagpanggap akong hindi ko maalala kaya niyaya niya akong pumasok sa unit niya. Pinakain pa niya ako. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa nagyaya siyang uminom. Noong una hindi ko alam na alak pala yun,mabango kasi ito. Habang umiinom kami nagkweto siya tungkol sa kanyang sarili. Inamin niyang ginagamit niya ng kanyang ganda para mabuhay. Hindi ko alam kung paanong pamamaraan ang tinu niya kaya dinamayan ko nalang siya,pinayuhan na lang siya. Malungkot ito kaya gusto kong matanggal ang kalungkutang niya....ang sabi kapag malungkot at galit ang isang tao isang yakap lang mawawala daw ito. Kaya niyakap ko siya.
Hindi nagtagal ay naging malikot ang kamay ni Julie, umiikot na din ng aking paningin kaya nagpakuha ako ng tuwalya para makaligo. Tumayo naman ito at agtungo sa kanyang kwarto. Pinilit kong tumayo para makalabas.
Nanghihina ako maging ang kapangyarihan ko. Nang makalabas ako boses ni Amara ang narinig ko.
Narinig kong nagmura ito mula sa harapan ng elevator. Wala pang dalawang segundo ay nasa harapan na ako niya.
" A-Amara...."
Nahihilo na ako kaya inakay niya ako papasok.
Kinabukasan sinag ng araw ang tumama sa aking mukha kaya ako napabangon. Parang panaginip ito....nasapo ko ang aking ulo sa sobrang sakit. Bakit ganito?? Parang mabibiyak na ito sa sobrang sakit. ?
" Gising ka na pala.... lasinggerong Anghel....maligo ka na at kakain na tayo. Sasama ka sa akin sa work ko..." Napansin kong seryoso ang kanyang mukha.
" Anong oras ka nakauwi kagabi?" Tanong ko sa kanya.
" Mas nauna pa ako sayo...kaya tumayo ka na dyan at maligo na. " inirapan niya ako. Anong kasalanan ko?
Pagkatapos ko ay nagdamit ako ng puting tshirt at black pants. Nagtitimpla ito ng kape.
" Uminom ka ng kape ... para mawala yang sakit ng ulo mo.." utos niya saakin.
Tinignan ko siyang tumingin sa relo nito. Maya maya ay tumawa siya bigla.
" Ang saya ko ngayon hahahaha" nagtataka naman ako sa kanya.
Tumatawa na may pagsayaw sayaw pa itong alam. Lalo tuloy akong nagtaka.
" Anong nakakatawa Amara?"
" Secret hahahha"
Hinayaan ko nalang ito. Nasarapan kasi ako sa itlo na may halong sibuyas. Sabi niya ay isasama na daw niya ako sa pagpasok sa trabaho niya, delikado na daw kapag iiwan niya akong mag isa.
Paglabas namin agad akong nagulat ng galit na sumugod si Julie saamin.
" Walang hiya kang babae ka!" Aakmang sasabunutan niya si Amara ng pumgotn na ako sa kanila.
" Maghunos dili ka Julie bakit mo gustong saktan si Amara?"
" Dahil sa kanya...dahil sa kanya iniwan na ako ni Kurt! hindi na daw niya ako gagawing modelo sa brand nila....ikaw ..! Ikaw ang alam kong may kagagawan ...! Hayop kang babae ka... demonyo ko!"
Demonyo??
" Julie wag mong tatawagin si Amara ng ganu'ng pangalan...masama yun.."
" Masama naman talaga yang babaeng yan eh...no wonder walang magmamahal sa kanya. Naiingit siya dahil mas maganda ako sa kanya. "
" Sa dami ng tao Julie... bakit naman ako maiinggit sayo? Hindi ako katulad mo na maganda nga pero bobo naman. .as gugustuhin ko pang maging demonyo kesa sayo nagpapanggap kang anghel na pinagdidirihan ka naman ng ibang tao... Diba sabi ko wag mo akong susubukan?..hahaha deserve mo yan girl..." Sagot ni Amara kaya hinila ko na ito papasok sa elevator.
" You b***h!" Huling salitang narinig ko bago magsara ang elevator.
" Amara...anong ginawa mo sa kanya?"
Tinignan niya ako ng masama.
" Ang nararapat Cassiel..kaya pwede ba,kung pagagalitan mo ako tsaka na. Wag mong sirain ang magandang araw ko." Winaksi niya ang kamay nito at iniwasan na niya ang tingin ko.
" Dahil diyan paparusahan kita Amara .."
" You can't do that... Ang paghiganti ko sa kanya at nararapat lang. Nakuha niya ang posisyon yun sa pamamaraan ng pagsasabotahe sa dapat na modelo. Bago mo ako parusahan ay sana alamin mo muna bakit ko yun ginawa "
Ting! Pagbukas ng elevator.
Pagdating namin sa shop nito sinalubong kami ng isang babae medyo matanda ito.
" Liza siya si Cassiel, dito lang ito. Cassiel siya ang secretarya ko kung may kailangan ka ay sa kanya mo sabihin. Papasok ako sa office dahil may gagawin ako. Ayoko ng naiistorbo " tsaka ito pumasok sa silid nito.
" Kaano ano ka ni Mam Ara?" Tanong sa'kin ni Liza
" Nobyo niya ako..." Yung kasi pakilala niya sa'kin kaya yun nalang din sasabihin ko
" Ano??nobyo? Napaka-imposible??"
" Bakit hindi ko naniniwala?"
" Hindi naman sa hindi kasi kilala ko ang Mam ko ..wala ni isang lalaking nagbalak hawakan man lang siya sa kamay. Takot ang mga lalaki sa kanya. Iba siya magalit...at man hater yan eh..."
Takot ang mga lalaki sa kanya??
" Pero kung ikaw ang nobyo niya well bagay naman kayo, maganda naman yan si Mama Ara... gwapo ka at mukhang mabait...si Mama Ara lang kasi hindi ko man lang nakitang ngumiti ng totoo eh..mga peke ang ngiti niya sa mga clients namin. Ganun pa man ay marami pa din kaming client dahil sa magaganda ang mga design niya "
" Liza, pwede ba akong magtanong sayo?"
" Sige po ..ano po yun?" Liza
" Dati na bang ganyan yang si Amara?"
Napakunot noo ito..
" Amara ang tawag mo sa kanya??"
" Oo... bakit?"
" Kasi ayaw niyang tinatawag ng ganyang pangalan...Ara ang pakilala niya."
" Amara ang tawag ko sa kanya pero hindi naman ito nagalit saakin."
" Wow, ikaw na ...hehehe pero ano po ba tanong niyo saakii?"
" Matagal na bang ganyang si Amara?? Malupit ito sa iba. ".
Nag iisip ito tsaka niya ako hinila malapit sa maya kusina.
" Sasabihin ko sayo ito pero wag mong sasabihin sa akin na ako nagsabi sayo. Ayaw niya kasing may nakakaalam sa buhay niya."
Nagtimpla ito ng kape namin at kinuwento mga niya ito.
" Hindi totong anak si Mam Ara ng nakilala niyang pamilya. Noong nalaman niya ay nagalit ito, siya ang dahilan bakit namatay ang lola niya. Mahal na mahal niya ang lola Maria nito. Nang malaman niya kung sino talaga siya ay nagalit siya ng sobra sobra. Nahanap na kasi siya ng totoong tatay niya. Isa ako sa katiwala ng nanay niya. Namatay din ito at hinabilin saakin na ako magiging secretary nito. "
" Papaanong nangyari? Magkamukha sila ng lola Maria niya..."
" Ganun ata daw kapag pinalaki nagiging kahawig mo daw ito. ..Iba ang tatay niya Cassiel. Oras na malaman niyang may nobya ang anak niya magagalit ito pag nagkataon. Isang mapanganib ang tatay niya...kaya mag ingat ingat ka." Babala niya sa'kin.
" Ano ang tatay niya?"
" Isa siyang Druglord. ..kasali ito sa Mafia Group..mataas ang posisyon nito "
Kaya ba gusto nilang iligtas ko si Amara para hindi magaya sa kanyang tatay?
" Kung nobya mo nga siya sana ikaw na bahala sa kanya. Gusto ng nanay nito na hindi matulad ang anak niya sa tatay nito. Mabait ang nanay ni mam Ara kabaligtaran naman siya. Kaya sayo ko na siya ihahabilin. Turuan mo siyang magmahal sa kanyang kapwa. Ayokong lamunin siya ng galit."
" Galit siya dahil hindi sinabi sa kanya ang katotohanan na siya ay isang ampon?"
" Hindi...nagalit siya dahil kinuha siya noon...kinidnap siya noong baby pa siya...hindi ko na alam ang ibang kwento dahil namatay na si Mam Arabella."
Arabella??
" Cassiel, bantayan mo siya. Iba itong magalit...nananakit siya ng tao." Bulong niya sa akin.
Saktong pagbukas ng pinto.
" Liza, paki send saakin ang email ni Miss Ochoco para maipakita ko sa kanya ng schetch ng wedding gown niya...and please coffee.." sabi nito at nagtungo sa harap ng maniquin.
" Sure mam Ara..." Tumayo ito at nagtungo sa kanyang mesa . Lumapit ako kay Amara.
" Kailan mo ako ipapakilala sa mga magulang mo?"
" F*ck!" Mura niya kaya nagdikit ng labi namin. B-bakit....bakit ganito na naman??
Napadilat siya sabay tulak saakin. Napalingon siya kay Liza na tulala sa nakita.
" Ano ba Cassiel! .."
" Pasensya na ..hindi ko kontrolado ang kapangyarihan ko. Hindi ko alam bakit kapag nagmumura ka ganito nangyayari."
" Ang landi ng kapangyarihan mo... tsk! Tsaka bakit mo naisip na ipapakilala kita sa mga magulang ko?" Taas kilay nito sa akin.
" Dahil kamo ay nobyo mo ako...ang nobyo ay dapat pinapakilala sa mga magulang."
" Cassiel, hindi totoong nobyo kita... sinasabi ko lang ito dahil hindi ko alam sasabihin ko. Nakatira ka sa akin ...kaya yun lang ang pwede kong sabihin"
" Bakit di natin gawing totoo?"
" Damn!!"
Mwuah!
Hindi ko na alam gagawin ko sa kapangyarihan ko. Bakit ganito??
" Wag kang magmura kung ayaw mong magkadikit ang labi natin Amara... sinasabi ko sayo hindi ko na kontrolado ang kapangyarihan ko..."
" Hindi kita ipapakilala Cassiel kaya umupo ka dyan dahil magtratrabaho ako." Masungit niyang sabi sa'kin. Wala akong nagawa kaya kay Liza ako lumapit.
" Naks, nakita ko yun..ang sweet niyo naman.."
" Anong tawag sa ginawa namin?" Tanong ko sa kanya kaya natawa ito.
" Malamang kiss ang tawag doon...ikaw palabiro ka ha..."
Kiss? Halik sa Tagalog...
Kailangan kong makausap si Rafael.
Pumunta ako sa upuan para matulog. Umupo ako at pinikit ko ang aking mga mata.
Rafael: Cassiel....
" Rafael.... naguguluhan na ako. Anong nangyayari sa'kin?
Rafael: Cassiel, upang maalis niya ang kanyang kaugalian na mag mura, ganun ang mangyayari sainyong dalawa.
" Pero kasama yung sa kontratang ginawa ko para siya magbago."
Rafael: ang kontratang ginawa mo ay wala namang bisa ... Ang kontrata ni Michael lang ang may bisa.
" Rafael bakit ganun ang pamamaraan? Hindi ba't bawal yun sa atin?"
Rafael: gaya ng sinabi ni Zadkiel, hindi ka buong Archangel....kaya hindi bawal sayo ito. Ang umibig lang sa kanya ang pinagbabawal.
" May nalaman ako sa kanya, mukhang mahihirapan akong proteksyonan siya. Ang kanyang ama... Nasa dugo na ata niya ang isang --
Rafael: wala sa dugo ng magiging masama Cassiel... May dahilan ang lahat..kaya mas magandang alamin mo ito. Sa ika tatlong put araw ang siyang araw ni Amaryllis. Kapag siya ay namatay na hindi nagbabago ay sa ibaba ito mapupunta. Kailangan mong itama siya sa kanyang pananaw. Hindi siya karapatan dapat doon Cassiel.
" Mamamatay siya?"
Rafael: kung hindi ito nagbago. May papatay sa kanya...mga taong galit sa kanya.
" Paano ko siya poprotektahan kung humihina ang aking kapangyarihan.?"
Rafael: hindi humihina Cassiel... Nangyayari lang ito dahil nasa katawan ka ng tao. Ang taong ito ay lumalaban para bumalik siya sa kanyang katawan. Kaya gawin mo agad ang mission mo upang makabalik ka na dito. Bago balikan ng nagmamay-ari ng katawan na yan.
" Cassiel..."
" Cassiel..."
Nagising ako at mukha ni Amara ang nakita ko.
" Amara...."
" Ang sweet naman ng pagkakabanggit ng pangalan mo kay Mam Ara.hehehe kinikilig ako..." Liza
" Anong nangyayari sayo?? " Tanong niya sa'kin
" Ha?"
" Tinatawag mo ang pangalan ko habang natutulog ka ..." Tinatawag ko?
" Hindi ko napansin...."
" Masakit ba ulo mo kaya ka nakatulog?"
Umiling ako.
" Amara gusto kong makilala ang magulang mo." Natahimik naman siya sa sinabi ko.
" Cassiel bakit ba gusto mong makilala magulang ko?"
" Para alam ko kung paano kita maililigtas...."
.
.
.
.
.
Amaryllis pov
" Para alam ko kung paano kita maililigtas...." Napapikit ako sa sinabi niya. Sinong mga magulang ba ang gusto niyang makilala?? Ang totoo o ang nagpalaki sa'kin.?
" Liza, order ka nalang ng lunch natin dito nalang tayo kakain...baka nahihilo pa itong si Cassiel."
" Sige po Mam Ara..."
Lumapit ako kay Liza.
" Wag mo munang babanggitin kay dad tungkol kay Cassiel..." Bulong ko sa kanya.
" Makakaasa ka Mam Ara..."
Ayokong malaman niya tungkol kay Cassiel. Iba ang ugali pa man din nun. Kahit takot siya sa akin....ay may takot pa din ako sa kanya lalo na kapag ibang tao ang lumalapit saakin.
Limang taon na nakakalipas ng malaman ko ang katotohanan. Dahil doon nawala ang pinakamamahal kong lola....naatake ito ng malaman niya na kinidnap lang ako nila papa. Hindi naman nila ako minaltrato pero hindi din nila ako ganun minahal. Bayad daw ako ng pagkawala ng anak nila dahil kay Dad. Sina Lola at lolo lang totoong nagmahal sa'kin.
Nagring ang phone ko and speaking of the devil. Tumatawag ito.
" Hello Dad?"
Dad: how are you?
" Alam niyong okay ako Dad... Bakit ka napatawag?"
Dad: dinner with me Ara... Kadarating ko lang galing Chicago. May mga pasalubong ako sayo.
" Titignan ko ang schedule ko dad ..May mga clients kasi akong nagpapa rush..."
Dad: just dinner Ara... I miss my daughter....
I just roll my eyes. Hindi naman kami ganun ka sweet mag ama kasi hanggang ngayon nag aadjust pa din ako.
" Fine.... I'm with someone dad.."
Biglang hindi ito natahimik.
Dad: then who is it?
" My boyfriend...."
Dad: are you sure?
" Dad .. he's nice .."
Dad: okay...bring him with you
At pinatay na niya ito. Problema ko tuloy kung paano ko ipagtanggol si Cassiel.
Nang matapos kaming mag lunch sinabi ko kay Liza na magdi-dinner kami nila dad kasama si Cassiel.
" Mam Ara...hindi ba delikado? Baka anong gawin nila kay Cassiel. Jusme kinakabahan tuloy ako .."
" Liza naman....pati ako nadadamay sa kaba mo eh...wala na eh nasabi ko na ...bahala nalang. Kasasabi ko lang kanina na wag ipaalam...tsk! Binanggit ko pa kasi...."
Biglang lumapit si Cassiel samin.
" Bakit mukha kayong balisa? May problema ba?"
Nagkatinginan kami ni Liza. Huminga ako ng malalim tsaka ako sumagot.
" Magdidinner tayo kasama ni dad .."
" Mabuti, gusto ko na siyang makilala..." Masaya niyang sabi
Nagkaroon tuloy ako ng problema. Ano nalang kaya mangyayari mamayang gabi?