Chapter 9 SHAWN POV Bumaba ako sa kotse malapit sa isang palengke dito. "Tatawagan na lang kita kapag magpapasundo ako saiyo," sabi ko sa isa sa tauhan nang pamilya ko. Tumango siya saka umalis. Nalaman ko mula sa tauhan ko, na dito minsan pumupunta ang babaeng nakita ko noon sa Gangster place. Nalaman ko rin ang pangalan niya. Sharly Riva. At minsan pag walang pasok nandito siya sa palengke nagtitinda. Pumasok ako sa loob ng palengke. Tumingin- tingin ako sa paligid hanggang sa huminto ako sa isang tindahan at nagtanong. "Ahm Ale, may kilala po ba kayong Sharly Riva?" tanong ko. "Oh Si sharly? Naku kilala ko iyon. Magandang bata iyon. Nasa dulo ijo, may tindahan sila doon saktong siya ang nagbabantay," sabi nito. "Ahh salamat po," sabi ko at tumalikod. 'Naku, isa siguro iyon s

