Chapter 10 AUDREY POV Hiningal ako nang makarating ako sa Hospital. Hindi ko alam kung bakit naisipan kung tumakbo, mula sa mansion namin patungo dito sa hospital. Matapos kong malaman ang nangyari sa mansion ng mga William tila natuliro ako. Maging si mommy nahimatay sa gulat, kaya inaalalayan siya ni Dad. Higit sa lahat, ang pinakasakit na balitang narinig ko ay ang balitang namatay si Mr.Dante William. Which is, ama ni tita Scarlette. Ano kayang nararamdaman ni tita Scar ngayon, sana okay lang siya. Ang kaso mukhang imposibleng maging okay siya, lalo na nang malaman kong nawawala si Herlette. Dahil nasa mansion ng mga William si Herlette bago nangyari ang pagsabog sa mansion. "Tita!" tawag ko. Nakita ko si tita Aianna na nakayakap kay Stella. Stella is one of the Senior Spy. Katul

