Chapter 11 3RD PERSON POV Pasimpleng umalis si Charlie sa lugar kong saan sya nagtatago. Sinundan niya si Dhrevey ng makita nya ito kanina na paalis. Itinago niya ang presensya niya upang di makaramdam si Dhrevey. Narinig niya ang usapan ng magpinsan. Napailing nalang siya sa mga nalaman at narinig niya. "Her memory is back, pero nagpapanggap siyang hindi pa bumabalik. Iba ka talaga Dhrevey," sambit niya sa sarili. Pumunta si Charlie sa lugar kung saan sila magkikita nang taong kasama niya sa planong pagtago kay Dhrevey. Nang makarating siya nakita na niya itong nakaupo at umiinom ng Alak. "Your here," sabi nito sa kaniya. "Her memory is back," sabi niya dito. Natigilan naman ito at napatingin sa kanya saka napangisi. "So, I think this is the beggining of her new chapter," nakangi

