Bumuka-sara ang kanyang mga labi, hindi niya ini-expect na itatanong iyon ng lalaki sa kanya. Tumikhim siya sabay tayo.
“Oo naman, nobya kaya ako ng pamangkin mo, bakit naman kita aakitin gayong may Dominic na ako? Hindi naman ako swapang no,” matatag na giit niya pero hindi tumitingin sa lalaki.
Hindi naman cellphone ang pukay niya na mayroon sim one at sim two. At si Dominic ang sim one at si Uncle Leon ang sim two.
“Ngeks! Ang sagwa!” bulong utak niya sa ideyang pumasok sa kukote niya.
Napailing siya sabay angat siya ng tingin dahil hindi kumibo si Uncle Leon, nang magtama ang mga mata ay, hindi mapaliwanag ang kanyang naramdaman. Ewan ba niya o guni-guni niya lang pero parang may nabasa siyang disappointments sa mga mata nito.
“That's good to hear. Sana'y kaya ka din ipaglaban ni Dominic gaya ng ginawa mo…” giit nito. Mahinang ang pagkasabi nito sa huli nitong mga salita pero umabot pa rin sa pa din sa pandinig niya.
Kaya't sumingot siya. “Ano ibig mong sabihin? Na hindi loyal si Dominic sa akin? At hindi ko siya dapat pagkatiwalaan ganun ba?” may bahid ng pakainin na sabi niya.
Bumuntonghininga ang lalaki. “Hindi ko sinabi ganiyan, pinag-aalahanan lang kita, bata ka pa, Marya, ganun din si Dominic, kaya't hindi mo maalis na maaring at the end of the day, hindi kayo magkakatuluyan…”
“Ayaw mo lang ata sa akin para sa kay Dominic ‘e,” aniya sabay pinagkrus ang kanyang mga braso.
Habang, napatitig naman si Leon kay Marya, hindi niya alam kung ano isasagot niya sa babae. Ayaw nga ba niya ito para kay Dominic? Dahil ba gusto niyang ma-angkin ito?
“f**k! Leon, stop thinking nonsense things!” saway ng kanyang utak.
This woman is not for you. She's too young and… beautiful. She shouldn't be owned someday like you…
Pumikit siya ng mariin at niyukom ang kanyang isang kamao at humithit ng sigarilyo, sunod-sunuran na bumuka siya ng usok.
“Oy, Leon! Tinatanong kita!”
Napasulyap siya sa dalaga. He doesn't know but hearing her calling his name like that, makes him want to pull her closer, and claims those kissable lips of her.
Napailing siya. Nababaliw na ata siya, dahil naakit siya sa babaeng hindi naman para sa kanya. Huminga siya ng malalim at dinala ang kanyang mga daliri sa kanyan mga labi nang inalis niya ang sigarilyo roon.
“Of course not. Besides, kahit pa sabihin nating ayaw ko sa iyo para sa kanya, it won't change anything, so, why bother,” aniya at tumingin ng diretso sa babae na ngayon ay nakatayo sa harap niya habang naka-krus ang mga braso sa dibdib nito, medyo sumilip tuloy bahagya ang bundok nito.
Umiwas siya ng tingin. “Bakit hindi mo na lamang ako pabigyan sa aking hilig kanina,” bigla niyang sabi nang maalala ang kanyang hilig na marinig ang tulang gawa nito.
Tumaas baba ang kilay ni Marya at inilagay ang hibla ng kanyang buhok sa kanyang tenga. Tapos ay huminga siya ng malalim.
“Sige na nga, bayad ko na lang ito sa pagkain mo sa akin,” aniya sabay umayos ng tayo.
Umangat ang gilid ng labi ni Uncle Leon at tinanday ang mga kamay sa may armrest, habang naka dekwatro at naninigarilyo, nang mukha tuloy itong mayamang mafia boss na naghahanap ng aliw sa club.
Huminga siya ng malalim, at pumikit para ipunin ang mga ideya ng pumasok sa kanyang utak.
“Minahal kita… kahit bawal…
Bawal kasi hindi puwede. At hindi ko alam kung bakit—pero iyon ang sinabi mo…” pang-umpisa niya na puno ng emosyon. Isa din sa kanyang talento ang tumula sa harap ng madla, noong high school siya'y siya lagi ang pambato ng eskwelahan nila kapag may mga kumpentasyon.
“At ako?” tanong niya sabay turo sarili, habang si Uncle Leon ay tahimik nakikinig sa kanya habang umiinom na ngayon ng can beer, na hindi niya alam na may binili pala ang loko. Sa gilid ng sofa nito nilagay at nakaplastic na puti.
“Sumakay ako sa laro mo. Larong tagu-taguan.
Larong kapag nahuli tayo…pareho tayong masasaktan,” aniya sabay lagay pa ng kamay niya sa kanyany dibdib.
“Noong una, akala ko ako lang ang kalaro mo. Akala ko ako lang ang tinataguan mo. Pero mali pala ako. Hindi pala ako nag-iisa. Mas may alam lang ako kaysa sa kanya. At dumating ang araw…
nahuli ko kayong dalawa,” pagpapatuloy niya. Walang imik na nakikinig naman si Uncle Leon na animo'y aliw na aliw sa pagtutula niya.
“Aba'y ginawa na nga akong taga aliw ng loko,” bulong ng isang bahagi ng utak niya.
“Continue, it's good,” giit nito nang mapansin hindi na siya nagsasalita. Tinaas pa nito ang hawak na beer upang sumenyas na magpatuloy siya.
Tinaasan niya ito ng kilay at lumaki ang butas ng ilong niya habang nakatitig rito.
“Come on, go on, ang ganda kaya ng tula at maganda din ang boses mo,” dagdag pa nito.
“Binobola mo ata ako ‘e, para lamang aliwin ka,” aniya.
Natawa ang lalaki. “Well, wala naman na tayong ibang pwedeng gawin kaya't bakit hindi, sige na, kapag na tapos ito ay hindi na kita kukulit…” pagpupumilit nito.
“Tsk, oo na, itutuloy ko na…”
“Nabuking. Nabuwag. At nagmakaawa kang bigyan ka ng pangalawang pagkakataon—
para makipaglaro pa. At ako naman… si tanga…
pinagbigyan ka. Lumipas ang mga araw—
may saya, may lungkot, may kilig, may kaharutan.
Pero sabi nga nila: Walang lihim na hindi lumalabas. Kasi ayun nanaman. May nalaman uli ako,” pagpatuloy niya sabay kumpas ng mga kamay na animo'y sa pamamagitan niyon ay mas ma-ibigay niya ang emosyon na kailangan sa tulang kayang sinasambit.
“Isa pa! At isa pa. Kasama pala natin siya sa laro.
Hindi ko lang nakita agad. Pero siya na mismo ang nagparamdam. Sa ikatlong pagkakataon…
nagsinungaling ka na naman. Niloko mo ulit ako.
Pero ano'ng ginawa ko? Pinatawad kita.
Kasi umaasa ako…na balang araw…
matatapos din ang tagu-taguan. Na hindi na ako ang magiging taya. Pero hindi pala. Mas malala pa pala. May bago na naman. At siya—siya ang una kong nahuli. Siya ang nagbukas ng lahat,” pahayag niya sabay may acting na.
“Kahit ganun, binigyan pa rin kita
ng pagkakataong umamin. Pero lumipas ang araw—
wala. Walang salita. Walang paliwanag. Kaya wag mo akong sisihin kung tumigil na ako.
Nakakapagod makipaglaro. Nakakapagod maging taya. Nakakapagod maghanap ng taong nagtatago pala sa iba. Nakakapagod—dahil minahal kita…
kahit bawal,” pagtatapos niya sabay yuko.
Narinig niyang pumalpak ang lalaki kaya't umayos siya ng tayo at inirapan ito.
“Okay na? Happy ka na?” sarkastikong aniya. Hindi niya alam kung saan niya nakukuha ang lakas ng loob niyang sungitan ito gayong amo na niya ang lalaki mula ngayon araw.
“Yeah, come here, drink with me,” alok nito sabay tinap pa niya ang tabi para ipakita na doon siya uupo.
“Ayaw ko, ikaw na lang uminom,” sagot niya at akmang tatalikuran ang lalaki ngunit mabilis nitong inabot ang kamay niya kaya't napalingon siya dito.
“Bakit ganun ang tula mo? Tila ba'y nasasaktan ka, dahil niloko ka, minsan ka rin ba niloko, Marya?” biglang tanong ng lalaki habang hawak ang kanyang siko.
Sinubukan niyang bawiin ang kanyang siko mula rito.
“Walang ibang ibig sabihin ang tula na inisalaysay ko, at hindi niyon sinasalamin kung ano mang damdamin mayroon ako. Hindi ba't ang sabi mo ay kahit ano? Eh, iyon ang unang pumasok sa utak ko, kaya iyon ang lumabas sa bibig ko,” paliwanag niya at akmang babawiin muli ang siko mula rito pero hindi siya binitiwan ng lalaki.
“Hmmm, bakit ka na nagmamadali? Halika mo na at samahan mo ako uminom,” giit nito at bahagya siya hinila paupo.
“Ayaw ko nga sabi,” pagmamatigas niya at akmang tatayo.
“Bakit? Dahil ba kapag may alak may balak?” amused na tanong nito.