“Hindi ba't totoo naman ang kasabihan na iyon?” matapang na balik tanong niya. Umangat ang gilid ng labi ni Uncle Leon. Sabay bitaw sa kanya kaya't na pahinga siya ng malalim. “Well not every time. Kung may balak ako sa iyo, edi sana kanina ko pa ginawa at bakit ko pa hihintayin na malasing ka? Ganiyan na ba ako sa kasama sa paningin mo, Marya?” seryosong pahayag ng lalaki at umupo pabalik sa puwesto nito. Napaiwas siya ng tingin. “Hindi naman sa ganun, nag-iingat lang ako,” sagot niya sabay pinaglaruan ang kanyang mga kamay. “Alright then, hindi na kita pipilitin samahan ako, pwede ka na matulog kung gusto mo,” sagot ni Uncle Leon. Nakasulyap siya sa kama na medyo magkaharap lang rin sa sofa, kasi sa gilid ng tv ang sofa nakalagay. Pano naman siya makakatulog kapag ganito ang se

