Kabanata 12

2269 Words
Sinampal naman ni Marya ang kanyang sarili upang maalis ang hindi magandang ideyang pumasok sa utak niya. “Ano ka ba! Maghunos dili ka nga! Pinagpapantasyahan mo ang gurang na iyan ‘e tiyuhin iyan ng iyong nobyo! Umayos ka, Marya!” kastigo niya sa sarili. Speaking of Dominic. Nakarating na kaya ito sa Maynila at hindi naabutan ng malakas na gaya nila? “Sana ay ayos lang siya…” mahinang bulong niya habang nakaupo na sa ibabaw ng sofa. “Nagdadasal ka ba?” Napamulat siya ng kanyang mga mata nang marinig niya ang boses ni Uncle Leon. Tinaasan niya ito ng kilay. Nakahiga na ngayon ang lalaki sa ibabaw ng kama habang tinungkod ang siko sa unan habang nakatingin sa kanya. “Oo, bakit may masama ba?” balik tanong niya rito. “Wala naman… masikip diyan bakit hindi ka na lang dito matulog sa kama kasama ko?” giit ng lalaki sa kanya. “Malapad naman ang kama, pwede ka rito sa kanila at lagyan na lang natin ng unan sa gitna para maging komportable ka,” dagdag pa nito at tinapik-tapik ang gilid nito. “Huwag na, ayos lang ako rito, goodnight,” aniya sabay higa patalikod sa lalaki. Hindi naman na nagpumilit pa si Uncle Leon na pinagsalamat niya. Pinikit niya ang kanyang mga mata at unti-unti ay nakaramdam na siya ng antok hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Kinabukasan nagising si Marya na tila ba'y may mabigat na bagay na nakayapos sa kanya, dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanyang paningin ang malapad at mabalbon na dibdib ni Uncle Leon, kumurap-kurap siya para malaman kung totoo ba ang nakikita niya o panganip lang. “Baka nasa panaginip pa ako,” pabulong na aniya at walang ano-anong hinawakan ang u***g ng lalaki at pina-ikot iyon. “What the!” bulalas ni Uncle Leon at napabalikwas ng bangon habang siya ay nanlalaki ang mga mata. “Totoo ka?!” bulalas niya habang tinuro ang lalaking kagigising lang. Nakaupo na ito ngayon sa ibabaw ng kama at kinukusot ang mga mata. Hindi sinadyang mapadako ang kanyang mga mata sa Gitnang hita nito dahil bumukol iyon. “Diyos ko! Umaga na nga, nag-flag ceremony na si manoy ‘e!” bulalas ng utak niya. Parang gusto niyang mapa-sign of the cross sa nakita. Kaagad siyang napaiwas ng tingin. “Oo, ano akala mo sa akin multo? Bakit mo naman ginawa iyon? I'm still sleepy, l need some rest, so, could you please give me my peace,” seryosong pahayag ng lalaki at walang ano-ano ay bumalik ito ng higa sa tabi niya. “Bakit narito na ako sa tabi mo? Hindi ba't nasa sofa ako? Binuhat mo ba ako?!” sunod-sunod na usisa niya at niyugyog ang balikat ng lalaki na ngayon ay nakapikit pa na. “Hoy, Uncle Leon, sagutin mo ako! Bakit yakap-yakap mo ba ako gayong nasa sofa dapat ako at nag-iisa? Sabi ko na nga hindi ka mapagkakatiwalaan ‘e!” asik niya at hinampas ng unan ang lalaki dahilan para mapabalikwas ito ng bangon at sinamaan siya ng tingin. Sinalubong niya ang talim ng titig nito. “Oh, ano nagagalit ka? Galit rin ako, iyan napapala mo kapag hindi ka sumasagot gayong tinatanong ka!” “You know what, kagabi mo pa ako hindi pinapahinga hanggang sa umaga ba naman hindi mo ako titigilan, ha, babae?” seryoso angil ni Uncle Leon. Kumunot noo niya atbumuka-sara ang kanyang mga labi. “Huwag mong sabihing… mangyari sa atin kagabi?!” nanlalaki ang mga matang bulalas niya sabay silip ng kanyang katawan. Naroon pa naman ang panty niya. “No, nothing happened between us. I'm not a jerk, who takes advantage of sleep walking women, and is a bit drunk, as l said, if l wanted you, Marya. You will spread your legs and holes for me willingly,” giit ni Uncle Leon. Napalunok siya ng kanyang laway sa naging pahayag nito. Ngunit tama ba ang narinig at pagkaintindi niya? Sleep walking? Siya? “Nag-sleep walking ako kagabi kaya ako narito?” mahinang tanong niya. “Yes, you did,” sagot ng lalaki at sinuklay kamay sa buhok nito. “Eh, bakit hindi mo na lang ako binuhat pabalik sa sofa? Alam mong wala ako sa sarili ko, dapat sinaway mo ako,” giit niya. “I did, many times but you won't listen. Every time you wake up, you will come back here in this bed and sleep by my side,” stress na sagot ng lalaki. “Pwede ba itagalog mo na lang o hindi kaya dahan-dahanin mo pagsasalita? Hindi kita masyadong ma-gets ‘e,” nakasimangot na sabi niya. Huminga ng malalim ang lalaki. “Ang sabi ko, sinaway kita, kailang beses pa nga pero kapag nagigising ka ulit, bumabalik ka rito sa kama, at matutulog sa tabi ko.” “Eh? Bakit ko naman gagawin iyon? Kung ginawa ko nga bakit hindi mo ako ginising? Sana ginising mo ako,” aniya habang magkasalubong ang kanyang kilay. “Subukan kitang gisingin pero ayaw mo magising, sinampal mo pa nga ako at pinagalitan dahil inaabala ko tulog mo,” sagot ng lalaki. Napangiwi siya. “Ginawa ko iyon?” Hindi talaga siya makapaniwalang ginawa niya ang bagay na iyon kagabi. Ngunit hindi na bago sa kanya malaman na nag-sleep walking siya kaya nga noong nasa probinsya siya ay ini-lock niya ng triple ang pinto ng kanyang silid lalo pa't nag-iisa lang siya hindi niya alam kung ano ang pinaggagagawa niya kapag nagigising siya. “Yes you did. At ikaw ang sumiksik ng sarili mo sa akin, hindi ako. Siguro na yakap lang kita kasi akala ko unan ng tulog na ako,” paliwanag ng lalaki. “Mamatay? Talagang totoo lahat ng sinabi mo? At hindi mo lang basta ako kinuha roon sa sofa at patulugin sa tabi mo?” seryosong sabi niya sa lalaki. Tinaas nito ang isang kamay. “I swear. Lahat ng sinabi ko ay totoo at walang halong kasinungalingan, mamatay man lahat ng kuko ni Dominic sa paa.” Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano. Bakit nito dinamay si Dominic? “Bakit kay Dominic? Dapat sa iyo,” aniya at pinigilan matawa. “Bakit hindi kay Dominic? Ayaw ko mamatay ang kuko ko sa paa o sa kamay, kanya na lang,” sagot ng lalaki at humiga ulit. “Maaga pa, matulog mo na ako ulit, nasagot ko na lahat ng tanong mo kaya't please lang, hayaan mo ako makatulog,” sabi ng lalaki sa kanya bago pumikit. Habang siya ay tinaas ang unan at tinaas iyon na para bang ihahampas iyon sa lalaki pero hindi niya tinutuloy. “Ay!” hiyaw niya na ng bigla siyang hatakin ng lalaki, at muntik na tumama ang labi nila sa isa't-isa. “Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!” aniya at inilagay ang kanyang kamay sa dibdib ni Uncle Leon. Binuksan nito ang mga mata at ng tama ang mga mata nila, bumuka-sara ang kanyang mga labi. “Kaloka! Bakit gumagwapo ata siya sa paningin ko?” Bulong ng maharot niyang utak. “Ay, sorry, akala ko unan,” sabi nito at binitiwan siya, nakita niyang may naglalarong ngiti sa mga labi nito na tila ba'y nang-aasar. Hinampas niya ang dibdib nito. Nanlaki mga mata niya nang maramdamang matigas iyon. “Ay ang tigas!” hiyaw ng utak niya. Dali-dali naman siyang umuusog palayo rito. “Oh? Nanyare sa iyo?” tanong ni Uncle Leon sa kanya nang makita naging reaksiyon niya. Umiwas naman siya ng tingin. “Wala, bumangon ka na riyan at makauwi na tayo sa mansyon mo,” aniya. “Inutusan mo ba ako?” taas kilay na tanong ng lalaki at tinungkod ang siko sa unan at tinuon ang tingin sa kanya. “Baka nakakalimutan mo ako, ang amo sa ating dalawa. Boss mo ako, at maid kita,” dagdag pa nito. Biglang nagbago ang paningin niya rito, parang pakiramdam niya'y bigla itong nagkasunggay “Edi sorry po, sir-boss-among-tunay,” aniya sabay yuko pa. “Forgiven. Now, could you please leave me for a moment and let me sleep even for a few minutes?” inaantok na sabi nito sabay kumpas-kumpas pa ng kamay na tila ba ay pinapaalis siya. “Okay po, sir-boss-among-tunay,” sagot naman niya at tumalikod at umirap sa hangin. Dumiretso siya papasok sa banyo. Habang may naglalaro ngiti sa mga labi ni Leon habang sinusundan niya ng tingin ang papalayo bulto ng dalaga. Then, the memories from last night flashes in his eyes. Napabalikwas ng bangon si Leon nang marinig niyang bumukas at sumara ang pintuan ng banyo tapos ay nakita niya si Marya na naglalakad papunta sa may kama at walang ano-ano ay umakyat ito at humiga. “Hey, what are you doing here?” tanong niya sa dalaga at bahagyang tinapik ang pisngi nito upang gisingin. “Ano ba?! Natutulog at tao ‘e,” sagot naman nito sabay tagilid at sumiksik pa sa kanya. Hindi sinasadyang tinamaan ng tuhod nito ang kanyang kahabaan nanahimik na. “f**k!” malutong na mura niya dahil ramdaman niyang muli iyon na bubuhay. Damn it! Kakalma niya lang sa kargada niya ito na naman. Pagkatingin niya sa babae ay bahagyang sumilip na naman ang kabundukan nito dahil nga bumuka ang bathrobe. Malaki kasi ang pakwan ni Marya kaya't hindi maitago ng bathrobe. “Damn! You're really gonna be the death of me, woman,” nanggigigil na bulong niya at mabilis na inayos ang bathrobe nito at walang ano-anong binuhat ito para ibalik sa sofa. “Mahirap na baka magkasala pa ako kapag manatili ka sa tabi ko,” bulong niya matapos niyang ilapag sa may sofa ang babae at binalot ng kumot. Bumalik na siya sa kama, at pinikit ang kanyang mga mata, pinipilit ang sariling makatulog na. Marami nainom niyang beer pero parang wala iyong epekto, hindi man lang siya makadama ng antok. Napamulat siya nang umuga na naman ang kama. “What the!” mura niya nang makita ang dalagang humiga na naman sa tabi niya. Mahimbing ang tulog nito at nakabukaka pa, lumusot tuloy ang panty nito. “Anak ka ng teteng! Ginagago ata ako ng babaeng ito ‘e!” bulalas niya at inayos ang mga binti nito at tinakpan ang panty nitong nag-hello na sa kanya. Huminga siya ng malalim at parang gusto niyang magdasal ngayong hindi naman siya relihiyoso klaseng tao pero kung ito ba naman ang tukso ang binibigay sa kanya ng demonyo papakasalan talaga siya. Binuhat niya na naman ulit ang babae at ibalik sa may sofa, sa pagkakataon ito ay talagang hinigpitan na niya ang pagkabalot rito. “Tignan lang natin kung maalis ka pa,” pabulong na aniya. Mukha kasing nag-sleep walking ito. Lumakad siya pabalik sa kama at umupo sa gilid niyon at nagsindi ng sigarilyo sabay suklay sa kanyang buhok. “Minsan na nga lang bumalik ang interest ko sa babae sa iyo pa, na bawal sa akin,” pabulong na aniya. After his ex fiance ran away with other man, hindi na siya kailan man nagka-interest sa ibang babae kahit pa nga makipagsiping lang at walang relasyon na involved ay hindi niya pinapatulan. “Why now? Is it because she's young and fresh? And she's my forbidden fruit?” mahinang giiy niya. Sabi nga nila masarap ang bawal kaya ba natutukso siya? Na makipaglaro sa apoy? Umiling-iling siya. “Ayaw ko ng sakit sa ulo kaya't, thank you na lang,” aniya. “Pero sumakit naman ang isa mo pang ulo. Hanggang kailan mo kaya tiisin iyan?” bulong naman ng isang bahagi ng utak niya. “Hanggang sa kaya ko,” sagot naman niya. Nababaliw na nga ata siya kasi kinakausap na niya ngayon ang kanyang sarili. Napa-angat siya ng tingin ng biglang tumayo na naman si Marya at walang ano-anong lumakad papunta sa may kinaroroonan niya. “Hey, are you awake?” tanong niya ng tumigil ito sa may harapan niya. Hindi sumagot ang dalaga at bigla itong umupo sa gilid niya at walang ano-anong humiga sa kama. “Here we go again,” pabulong na aniya at binuhat na naman ulit ito at ibalik sa sofa. “Kapag ikaw bumalik pa sa kama, huwag mo akong sisihin kung hindi na kita ibabalik rito,” bulong niya sa babaeng mahimbing ang tulog. Mayamaya pa ay nakita na lamang ni Leon ang sarili nakahiga sa kama habang katabi si Marya na sumiksik pa sa kanya. “Bahala na,” bulong niya. Napagod na siya kakabalik rito sa kama. Kaya't hinayaan niya na lamang. Imbis na itulak ito ay hinila niya palapit at inamoy ang dalaga. “f**k! What addicted scents you have,” parang baliw na aniya at binaon ang ulo sa may balikat ng dalaga. Nakatalikod ito sa kanya. At bago pa man niya namalayan nakatulog na siya gayong kanina ay hirap na hirap siya makatulog. “Oh, ayaw mo na matulog?” Bigla siya napakurapkurap nang marinig niya ang boses ni Marya mula sa banyo. Nang natingin siya sa gawi ng babae ay nakabihis na ito, basa ang buhok at nanunuot sa kanyang ilong ang shower gel na ginamit nito. Mabilis na inabot niya ang unan para takpan ang kanyang manoy na sumasaludo na animo'y nakita ang commander nito. “Sir-boss-among-tunay, tinatanong po kita.” “No, as you can see l'm wide awake,” aniya. “Kahit nga ang manoy ko'y nag-flag ceremony na, patunay na gising na ako,” gusto niya idagdag pero baka masampal siya ng dalaga kaya't tinikom niya na lamang ang bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD