KEAN BUONG maghapon akong busy sa office para sa mga papeles na kakailangan ko sa paglipat sa Pilipinas. I didn't bother to look at my phone since alam kong mahimbing na natutulog ang mag-ina ko sa bahay ngayon dahil nga gabi sa Pilipinas. "Hi, can you make me a coffee that is not too sweet please…" utos ko sa secretary ko na agad naman nitong sinunod. Ibinaba ko muna ang binabasa ko at ilang beses ma inilot ang ulo ko para maalis ang ngalay pati balikat ko ay inikot-ikot ko din. Huminga ako nang malalim at muling kinuha ang binabasa ko. Hanggang sa nakabalik ang secretary ko at inabot nito ang kape sa akin. "Thank you! You should make yourself too," saad ko dito. Humigop muna ako ng kape at napapikit! Sh*t! Ang sarap! Nakakaginhawa sa pakiramdam. Pero walang tatalo sa kape na gawa

