DHIANA ISANG malakas na hikbi ang napakawalan ko matapos magpaalam ni Kean sa video call namin. "Don't just cry, Dhia! Pack your things now!" sigaw ni Beiley habang nakaupo dito sa kwarto namin ni Kean. Nakatutok sa akin ang baril na hawak nito kanina pa simula nang magkausap kami ni Kean. Nag-iimpake kasi ako kanina nang tumawag si Kean. Hindi ko napigilan sagutin dahil alam kong huling beses na iyon na makakausap ko siya. Ginawa ko ang utos ni Beiley para matapos na ito. Kapalit ng hindi nila pagpatay kay Kean ay ang pagsama namin sa kan'ya. Ayoko kong mapahamak si Kean kaya naman mas pipiliin ko ng iwan siya kesa mamatay siya. Hindi ko kinuha ang lahat ng damit ko. Iilan lang at alam kong gagamitin ko sa pang araw-araw. Bago ako lumabas ng kwarto ay iniwan ko ang kwintas na ibin

