DHIANA NAPANGITI ako nang makita ko si Kean at Nini na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Mukhang maaga nagising ang dalawa kahit pa alam kong pagod si Kean kagabi. Hindi ko alam, parang wala siyang kapaguran kagabi nang paulit-ulit kaming nagsalo, para siyang nagmamadali at ayaw na may maaksayang oras para sa aming dalawa. "Good morning," bati ko sa kanila nang tuluyan na akong makapasok. Sabay silang tumingin sa akin at panabay na magpunta para silang nagpapaleksahan papalapit sa akin. Natawa naman ako nang agad akong yakapin ni Kean nang mauna siya sa kanilang dalawa ni Nini. "Huh! I won!" natatawang asar niya kay Nini. "Papa!" reklamo ni Nini sabay yakap din sa akin. "Kayong dalawa talaga… nag-papaleksyahan na naman kayo," natatawang usal ko sa kanila. "Si Papa kasi, sabi niya

