DHIANA "SO next? Miss? Come forward," Nanginginig ang katawan at tuhod kong tumayo habang naglalakad papunta sa harap. Need kasi namin na magpakilala dahil unang araw niya sa pagtuturo. Nakayuko akong nakalapit doon at mahigpit ang hawak ko sa ibabang parte ng blouse ko. "Chin up, Miss," rinig kong usal ni Beiley sa akin. Madiin kong ipinikit ang mata ko at ayoko man siyang sundin ay nakasalalay sa kan'ya ang grades ko sa mga susunod na araw kaya wala akong nagawa kun'di mag angat ng ulo. "Hello po, I-I'm D-hiana Mendiola, but y-you can call me D-Dhia, s-sir…" nanginginig ang boses ko habang nagpapakilala. Alam kong nagtataka ang mga kaklase ko sa asal ko pero nahihirapan din ako na ayusin ang boses ko. "Okay! Thank you, Dhia." Tumayo ito at maglakad papalapit sa akin. Bahagya ak

